CHAPTER 2
seven years after...
ISANG MALAKAS na katok ang narinig ni Lora habang komportableng nakaupo sa couch sa loob ng kanyang condo unit at nagtitipa sa kanyang laptop. Hindi na niya kailangang hulaan kung sino ang magtatangkang mambulahaw sa kanya sa ganoong dis-oras ng gabi─rather madaling araw─dahil ala-una na ng madaling araw at nagsusulat pa din siya para sa kanyang column sa isang life magazine.
Sa tulong ng bestfriend na si Chesney─bestfriend and schoolmate since college─nabigyan siya ng dalawang column sa magazine at news paper na pino-produce ng kompanya ng pamilya nito. Ang unang column niya ay tumatalakay sa mga issue ukol sa mga bata. Tamang pag-supil, tamang pag-approach at lahat ng tamang gawin para sa mga bata upang maging maayos at masaya ang childhood life ng mga ito. Kung paano at saan siya kumukuha ng idea upang makapagsulat, dahil yun sa apat na taong gulang na pamangking si Venice. Pagka-graduate ng ate niya sa kolehiyo, nag-asawa na ito.
Ang ikalawang column naman niya ay tumatalakay sa pag-ibig at relasyon. Doon siya may mga fans na nagpapadala ng email para humingi ng advice. At kung itatanong kung saan siya kumukuha ng idea para doon, ganitong hindi pa siya nagkaka-boyfriend, ay hindi niya mawari. Automatic kasing magtrabaho ang isip niya kapag ukol sa love and relationship ang issue.
"Tumuloy ka na, bukas iyan!" Hiyaw niya na siguradong narinig din ng nasa labas dahil bahagya namang nakaawang ang pinto ng unit niya.
Dumungaw ang gwapong-gwapong mukha ni Wesley at tuluyan nang pumasok ng unit niya. Sa fresh look nito ay hindi aakalaing galing ito sa trabaho. Though his outfit spoke it. He's wearing his coat and tie, matching with fitted maong jeans and a black leather shoes. May puting inner polo. Ang necktie nito ay hindi nakatali, sa halip, may dalawang personalize badge na naka-pin ng sunod-sunod. Shaggy-on-top ang haircut nito, ang celebrity cut na tulad ng famous cut ni Chace Crawford. At halos nagkakahawig din ang mga ito, pwera lang sa mga mata. He has a pair of gaily chesnut brown eyes.
Sa kabuuan, rocker yet dignified ang dating nito.
At bakit nga ba niya napagtuunan ng pansin ang hitsura nito ngayon?
"Bakit hindi mo inilo-lock ang pintuan mo? Paano kung makatulog ka diyan sa couch at makalimutan mong bukas ito? Napasok ka na ng masamang tao, hindi mo pa alam." Nakasimangot at kunot-noo na sermon sa kanya ng binata.
Pinagtaasan niya ito ng kilay. "Busy ako sa ginagawa ko kaya hindi ko napansin. Pero isasarado ko naman yan bago ako matulog." tugon niya. "Bakit ka na naman nga pala nandito?"
Parati nalang, bisyo na yata nito ang katukin siya sa dis-oras ng gabi. Maigi nalang at gising pa siya kapag nangangatok ito. Dumiretso ito sa couch at naupo sa tabi niya, sumilip ito sa kanyang laptop.
"Madaling araw na, wala ka pa bang balak matulog? Pwede namang bukas nalang iyan. Ang alam ko, hindi minamadali ang trabaho mo sa publishing house nina Chesney. Part-time mo nga lang iyan di ba?" puna nito sa ginagawa niya.
Tama naman nga, dahil ang full time job niya ay sa isang design and service company bilang event organizer.
"Hindi ko ito pwedeng ihinto. Baka makalimutan ko ang isusulat ko. At pwede ba? Huwag mo muna akong kausapin? Nalilito ang utak ko sa dapat kong isusulat. Kung anuman ang pakay mo, kunin mo na!"
Alam naman niyang ang kusina niya ang target nito dahil doon ito naghahalughog kapag ganoong binubulabog siya sa kanyang unit. Magkasunod lang ang unit nila sa tower building na iyon na minsan lang nitong uwian dahil sa uri ng trabaho at life style nito. Isa itong businessman. Nagkalat sa bansa ang maraming branch ng restaurant nito at nag-branch out na din sa iba't-ibang bansa sa Asia.
BINABASA MO ANG
PARADISE VIEW SERIES (Republished)
RomansaRepublished. Written by Gazchela Aerienne Five men, five love stories. Love stories that would show you how great it feels to fall in love... A/N: Light stories lang po ito. Walang mga intimate scenes. Puro pabebeng kilig lang. Hehehe. Enjoy...