Naglakad pa kami hanggang sa makarating na kami sa bukana ng Palasyo. Nakita kami ng mga tao at agad nagpanic.
“Ang Mahal na Prinsipe nagbalik na” sigaw ng isang lalaki. Narinig ko ang pagtunog ng kampana. Wow, astig! Parang nakikita ko lang ‘to sa libro.hehehe
Bawat madaanan namin ay nagbibigay pugay sa amin at yumuyuko pa. Taas noo ako habang lumalakad.
Hay, ang sarap ng feeling pag ganito.
‘Mga alipin ihanda ang lalakaran ko’ hehe sarap sanang sabihin.
Tiningnan ko si Palaka pero nag smirk lang ito sa akin. Ngumisi naman ako sa kanya ng todo. Hayyy, ang sarap maging Prinsesa. Nakarating kami sa gitna at nakita namin ang isang babae at lalaki na pawang may korona.
“Maligayang pagbabalik, anak” sabi ng lalaki. Huhulaan ko siya siguro ang Hari.
“Life is like riding a bicycle. To keep your balance, you must keep moving by Albert Einstein. Welcome back my baby boy” sabi ng babaeng may korona rin, siya siguro ang Reyna. Pero teka, bakit normal sila?
Infact, ang ganda ng Reyna at ang gwapo ng Hari. Tiningnan ko rin ang mga tao sa paligid ko, normal sila. E bakit si Palaka abnormal?hehe
“Ito ba ang Prinsesa, Ebamus?” tanong ng Hari na nakatingin sa akin.
“Opo, mahal na hari” tiningnan ko ang reaksiyon ni Palaka aka Ebamus, whatsoever pero parang ngumiwi pa ito sa pagkakasabi na ako ang Prinsesa.
Taas noo ako at lumapit sa hari “Ikinagagalak ko po kayong makilala, mahal na hari at yumukod ako” naks! ako na ang Prinsesa hahaha
“One of the most important keys to Success is having the discipline to do what you know you should do, even when you dont feel like doing it.” napatingin ako sa mahal na reyna. “Welcome sa kaharian namin, mahal na Prinsesa” at ito pa ang yumukod sa akin.
Nangiti naman ako hindi dahil sa yumukod ito kundi dahil sa mga quotes niya, yung totoo ginogoogle mo lang ‘yan no?
“Its hard to wait around for something you know might never happen; but its harder to give up when you know its everything you want.” balik ko dito. Bigla akong siniko ni Palaka, tiningnan ko naman ito ng masama.
“Maligayang pagdating sa Kaharian ng mga palaka, mahal na Prinsesa” narinig kong may nagsalita at ng makita ko iyon ay napasinghap ako. Isang lalaki, isang napakagwapong lalaki. Kinuha nito ang kamay ko at hinalikan. Grabe ang ngiti ko hanggang tenga, hihimatayin yata ako sa kilig.
“Ahemmm” kahit kailan talaga kontrabida ‘tong palaka na ‘to, inismiran ko. “Siya nga pala si Marcus, half brother ko. Marcus si Victoria” pagpapakilala nito bumalik naman ulit ang ngiti ko kay Marcus.
“Hindi sinabi ni Pals este Ebamus na may GWAPO pala siyang kapatid.hehe” aba, pwede kay marcus na lang ako maging Prinsesa?
“Mawalang-galang na po sa inyong lahat magpapahinga na muna kami ng mahal na Prinsesa” at hinila ako ni Palaka. Badtrip! Kontrabida talaga. grrr sarap tuhugin sa chopstick at ipaulam sa mga aso.
Lumipas ang mga araw, 5 araw daw kasi ay magkakaroon na ng pagtitipon para hirangin na akong maging Prinsesa. Feel na feel ko naman, ofcourse minsan lang to no in my wildest dream. Pero nagtaka ako at hindi ko na nakita si Palaka, nasaan na kaya ang pangit na iyon.
Nasa veranda ako ngayon at tumatanaw sa malayo. Emo ang peg! hahaha
“Kung mahal mo talaga siya pakawalan mo, kung babalik ay para talaga siya sa’yo.” narinig kong may nagsalita. Napatingin ako sa gilid ko at ang mahal na Reyna pala at nakangiti sa akin. Amp! tinagalog lang ‘yung quotes na ano ba ‘yun? hindi ko na maalala eh.
“Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ilalim pero masarap pa rin ang nasa ibabaw” hehe bawi ko dito. Napatingin naman sa akin ng may pagtataka, ay hindi na gets?
“Pinapasabi ni Ebamus na sa handaan na siya babalik, may inaasikaso lang kasi ang batang iyon”
Tumango lang ako, bakit parang malungkot ako dahil wala siya? Siguro wala lang akong kakulitan dito. Uh siya tama na ‘yang Emo mo Victoria.
“Kumain na tayo, Victoria” yakag sa akin ng mahal na Reyna.
Ayun kaya pala pinapahinto na ako sa pag-eemo ng Author kainan na naman pala. (Sorry, readers wala ng kasunod ang kwentong ito, at d’yan po nagtata--). Ito naman si Author ‘di na mabiro, “uh siya tara na mahal na reyna” at naglakad na kami.
Araw ng handaan, bonggacious talaga. Talagang ‘yung eksena ay makikita mo sa mga fairytail—teka fairytale pala. Bongga rin ang damit ko mukhang mamahalin pa. Dadalhin ko pag-uwi ko ibebenta ko,hehe ibibili ko ng pagkain ang patay-gutom kong author.hihihi Shhhh, busy pa siya kung anong kasunod nito.
Kinakabahan yata ako, siyempre magiging Prinsesa na ako. wahaha breast out, stomach in..chin-up! Ayun na, magsisimula na ang Programa. Pabalik-balik ako sa loob ng kwarto ko.
“Mahal na Prinsesa, tayo na po” sabi ng aking alipin. Siyempre may alipin ako no!
“Maayos na ba ang itsura ko?” panic ko.
Ngumiti ito “Napakaganda n’yo, mahal na Prinsesa” buhat sa narinig ay napahinga ako ng maluwag.
Nandito na kami sa gitna, nakatingin ako sa harapan ko. Maraming tao, marami talaga. Parang malula ako dahil sa siksikan ang mga tao para masaksihan lang ang paglagay ng korona sa ulo ko. Nagpalinga-linga ako bakit wala pa si Pals? Huwag niyang sabihin hindi siya aatend, sige si Marcus na lang ang magiging Prinsipe. Tiningnan ko si Marcus ang kisig nito sa suot. Nakatingin din pala ito sa akin at kumindat.
Nagblush siguro ako.
“Flirt!” narinig kong may bumulong sa akin. Nang tingnan ko ay napasinghap ako. Aba, makalaglag panty ang kagwapuhan ng kung sino mang nilalang na ito.
“Magsisimula na ang pagtitipong ito” narinig kong anunsyo.
"Ipinakilala ko sa inyo ang Prinsipe Ebamus” at yumuko ang nasa tabi ko. Napakisap ako ng ilang beses. “Ikaw? ikaw si .. si Palaka?” napautal pa ako. Ngumisi lang ito.
Aba kay gwapong palaka.hehehe
“At ang Prinsesa Victoria” yuyukod na sana ako pero narinig na lang namin ang putukan at nagkakagulo na ang mga tao.