Si Hikari Sukunami ay anak nina Miaka Yuki at Taka Sukunami. Ngayong araw ang kanyang ikalabin-limang kaarawan. Dahil ayaw ni Hikari ng magarbong handaan, simpleng handaan lang ang ginawa ng magulang niya. Mga malalapit na kamag-anak lang ang dumalo. Ang tito Kaisuke niya at ang asawa nitong si Mayo, kasama ang kambal nilang anak na sina Kaiyo at Maisuke na walong taong gulang na. Ang mag asawang sina Yui Hongo at Tetsuya, kasama ang binata nilang anak na si Nakago na labing tatlong taong gulang ay kadarating lang sa Sukunami Residence.
Napakagandang tingnan ni Hikari sa simpleng suot nitong dress na kulay itim. Kamukhang kamukha nito si Miaka nung kaedaran niya.
"Anak, bumaba kana diyan. Andito na silang lahat. Kadarating lang ni Yuka." Ang tawag ni Miaka sa kanyang dalaga.
"Opo ma, bababa na 'ko!" pasigaw na sagot naman ni Hikari.
Excited na bumaba na si Hikari galing sa kwarto niya. Ito kasi ang pinakamasayang kaarawan niya dahil kumpleto sila. Sa mga nagdaang kaarawan niya, minsan wala ang Tito Kaisuke niya o ang Ninang Yui niya. Pero ngayon taon, nakumpleto sila.
Pagkababa niya...
"Happy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday, happy birthday Hikari." Sabay-sabay na awit ng mag taong malalapit sa kanya na dumalo, sabay palakpak. Naiiyak si Hikari sa sobrang saya niya. Naooverwhelm siya sa pagmamahal na pinapakita at pinaparamdam sa kanya. Sabay-sabay na pagbati at pagbibigay ng regalo sa kanya.
"Maraming salamat Ninang Yui at Ninong Tetsuya sa regalong ito." Sabay halik sa mga pisngi nila.
"Ang ganda-ganda mo Hikari. Kamukhang kamukha mo si Miaka nung fifteen years old din siya." Sabi ni Yui habang titig na titig kay Hikari. Naalala niya yung panahon na nakapasok sila ni Miaka sa isang mahiwagang libro. Kaya iniwaksi nalang niya ang kanyang iniisip dahil matagal ng panahon 'yon. Wala rin silang nabalitaan sa librong iyon. At kung mayroon mang sumunod na Priestess. Biglang naglaho kasi ang libro at hindi na natagpuan.
Nagpasalamat si Hikari sa ninang niya at tumabi sa kanyang matalik na kaibigang si Yuka. Si Yuka Park ang kanyang matalik na kaibigan simula noong pre-school pa lamang sila. Ito'y hindi purong Japanese, may lahi itong koryano. Pero hindi hadlang ang nasyonalidad nila upang maging matalik na magkaibigan. Nagkakilala ang dalawa nung may umaaway kay Yuka, may mga lalaking nambubully dito. Walang gustong makipagkaibigan dito dahil hindi ito purong japanese. Gaya ng ina ni Hikari na si Miaka, matapang ito kaya ipinagtanggol nito si Yuka. Binugbog niya ang mga batang lalaking umaaway sa babae at doon sila nag-umpisang nagkakilala. Magkaiba rin sila ng ugali, si Yuka ay napakaamong tingnan, napakainosente, napakahinhin at napakatalino. Samantalang si Hikari ay care-free, may pagkaboyish kumilos at average lang sa pag-aaral.
"Happy birthday best." Pagbati ni Yuka kay Hikari. Inabot nito ang dala nitong regalo para sa kanyang matalik na kaibigan. Binuksan ito ni Hikari at nanlaki ang mga mata.
"OMG best, thank you, thank you, thank you so much." Sabay yakap kay Yuka. Isa itong T-Shirt na kulay puti at may lining na kulay itim. Paboritong kulay kasi ni Hikari ang puti at itim. Noong dumaan kasi sila ni Yuka sa isang mall, pinakatitingnan maigi ni Hikari ang t-shirt na ito. Kaso masyadong mahal, mauubos ang allowance niya para sa tatlong linggo.
"Walang anuman. Birthday mo naman eh." Sagot ng mahinhin na si Yuka. Masaya na siyang makitang masaya si Hikari sa kaarawan nito.
Sa kabilang mesa...
"Miaka!" untag ni Yui sa matalik na kaibigan.
"Oh?" Habang walang humpay sa pagkain. Gaya pa rin ng dati si Miaka. Natatawa nalang tuloy sina Taka, Yui, Tetsuya, Kaisuke at Mayo. Nabilaukan tuloy ito kaya lalong tumawa ang lima.
BINABASA MO ANG
2nd Priestess of Byakko
FantasySiya si Hikari Sukunami, ang anak nina Miaka Yuki at Taka Sukunami. Matakaw. Matapang. Mapagmahal. May mabuting puso. At gagawin ang lahat para sa taong minamahal at matalik na kaibigan. Si Yuka Park, ang matalik na kabigan ni Hikari. Mahinhin. Mat...