February,27,2***
Prom namin ngayon
Kakatapos lang ng awarding ng prom king and queen namin. At hindi ako nanalo. I was just nominated lang naman eh at di ko rin naman expected manalo eh kasi 'popularity rules' nga di ba.
"Students the dancefloor is now open to everyone" announce nung isang teacher.
So pwede na magsayaw ng kahit sino. Kaya naman kanya-kanyang alok ng mga lalaki sa mga babae magsayaw sa dancefloor ang naririnig ko.
Ako? Umiinom ng juice
"Uhmm Alea can I take you for a d----" aya sa akin ni Royce
"Dance??" Tanong ko...
Halata naman kasi na may balak siyang ayain akong magsayaw. Nagnod lang si Royce.
"Sorry ha kaso wala ako sa mood eh" sabi ko
"Ahh ok lang yun" sabi ni Royce at naglakad na palayo
Ok daw ?! Halata naman na di okay eh. Itinuloy ko na lang ang pag-inom ko sa juice.
After 45 minutes.....
"Hey Alea, di pa kita nakikitang sumayaw ah, halika sayaw tayo" sabay hila sa akin ni Carl.
Kaso nung palapit na kami sa dancefloor hinigit ko bigla yung kamay ko. Na ikinagulat naman ni Carl sa ginawa ko.
"Bakit?" Tanong ni Carl
"Wala lang ako sa mood, sorry talaga" sabi ko
"Ahh ganun ba? Osige :)" tapos umalis na siya
Tsss. Halata namang fake ang smile niya kasi kita yung disappointment sa mga mata niya. Nga pala si Carl, yung ex ko. Pinipilit niya na ibalik kung anong meron kami kaso para sa akin wala na talaga. Wala na akong nararamdaman para sa kanya.
Lumipas ang dalawang oras. Di pa rin ako nakakaapak sa dancefloor. Madami namang nag-aaya sa akin kaso I rejected all their offers.
Kasi I'm waiting for someone.
For him to offer me a dance
But he never did. Gab, my childhood sweetheart
Naka-upo lang ako sa sulok habang pinapagmasdan siya na nakikipagsayaw sa iba't-ibang babae. Ang sakit lang isipin na nasayang yung pagkakataon na sana merong KAMI ngayon.
Manliligaw ko si Gab DATI.
Di ko siya sinagot that time kasi ayokong masayang yung tinatawag na 'friendship' na meron kami.
Isang wish lang naman ang gusto ko eh.Ang maging last dance niya ako.
Flashback*
Anong oras na ba? Sabay tingin sa relo. 6:30? Aba ang aga ko naman ata ngayon? Himala.
Pagkapasok ko ng classroom diretso ako sa upuan ko para matulog pero kakayuko ko palang ay mga maiingay na pumasok.
"Sino nga kasi yung babae Gab?" Boses ni Ryan
Gab?! Ibigsabihin nasa room na si Gab? Ang aga din ata nila