Naadik ako sa doodle jump kaya naisipan kong gawan siya ng story XD
Kung hindi niyo alam kung ano yun, ang doodle jump ay isang game. Nakita ko lang yun sa ovi store. Basta para siyang icy tower, yung app sa facebook. Kung hindi niyo pa rin alam, search niyo na lang XDD
Don't forget to vote, comment o kung ano man, thanks so much! =))
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
There's this girl, ang ganda niya crush ko siya since grade school. Dati crush ko lang siya pero iba na yata ngayon. Lagi ko siyang tinitingnan pero hindi naman parang stalker na ewan. Kaklase ko naman siya e, mga 6 years na rin. Syempre sa katitingin ko sa kanya nakilala ko na siya ng husto. Ikaw ba naman ang laging tumingin e hindi mo pa malalaman kung anong ugali niya. Hindi lang naman ako hanggang tingin lang medyo nakakausap ko rin pero pag kailangan lang. Pag halimbawa magkagroup kami tapos kailangang gawin yung ganito ganyan, pero hanggang dun lang. Medyo hindi kasi siya malapit sa mga lalaki e, naiilang siguro siya.
Ang lakas ng self-confidence niya, sobrang wala siyang pakialam kung magmumukhang ewan siya basta ine-enjoy lang niya ang mga ginagawa niya. Ang sarap niyang tingnan tuwing kasama niya ang mga kaibigan niya kasi lagi siyang nakangiti at tumatawa. Sobrang totoong tao siya, yung hindi siya nagpapanggap na masaya o humahalakhak ng malakas para lang mapansin ng iba. May mga babae kasing ganon e, napapakasaya lang para sa atensyon.
Luisa nga pala ang pangalan niya. Matangakad siya kung ibabase sa height ng mga pilipina pero mas matangkad pa rin naman ako kaysa sa kanya. Dark brown ang kulay ng buhok niya, natural yon hindi kinulayan. Basta maganda siya sa kabuuan.
Pero nitong mga nakaraang araw, hindi na siya masyadong nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan niya. Palagi na lang siyang nakaupo sa isang sulok at hawak hawak ang kanyang cellphone. May problema kaya sila ng mga kaibigan niya o may katext lang siya palagi?
Ako nga pala si Mico, ang lalaking may lihim na pagtingin kay Luisa. Nakalimutan ko nang ipakilala ang sarili ko sa papapakilala sa taong mahal ko. Minsan kasi pag iniisip ko si Luisa nawawala ang focus ko. Para lang akong babaeng patay na patay sa isang lalaki. Hindi ko na lang pinapahalata na nawawala ako sa focus sa tuwing iniisip ko si Luisa kasi baka kung anong isipin ng barkada ko.
Wala namang mapapala tong katititig ko sa kanya so lalapitan ko siya at kakausapin, papansinin naman siguro niya ako. Eto na talaga.
"Hi Luisa," pacool kong sabi kay Luisa.
"Hello," bahagyang sagot niya. Hawak kasi niya ang cellphone niya, mukhang katext na naman niya yung lagi niyang katext tuwing break o kahit anong free time.
"Busy ka?"
"Ay hinde, kita mong may ginagawa e. HAHAHAHA joke. Wait lang ha, dyan ka lang mamaya mo ako kausapin," nakangiti naman siya so baka hindi ko siya naiistorbo.
Pero dahil baka assuming lang ako sabi ko, "Baka naiistorbo kita."
"Medyo nga, pero ok lang. Sandali lang mamaya mo ako kausa-- AAAAAAYYY!" Biglang napasigaw si Luisa.
"BAKIT?!"
"Ay wala naman. Nalaglag kasi si doodle e," sabi niya tapos yun tumingin na siya sa akin, tinanggal na niya sa wakas ang pagkakatitig niya sa cellphone niya.
"Doodle? Yung katext mo? Nalaglag?! Saan?!"
"Huh? Wala akong katext never nga akong nagkaload e. Sayang sa pera."
"O, e sino si Doodle?"
"Ay, naglalaro kasi ako ng doodle jump, si doodle yung natalon, ewan yun kasi yung tawag ko dun e hindi ko sure kung yun nga yung pangalan basta. HAHAHAHA"
"So ibig sabihin naglalaro ka lang tuwing hawak mo yung cellphone mo?"
"Ay hinde, hahahaha, oo. Anong ibig mong sabihing 'naglalaro ka lang tuwing hawak mo yung cellphone mo?' paano mo nalaman na lagi kong hawak yung cellphone ko? Lagi mo akong tinitingnan no?" Pagkasabi niya nito ay inilabas niya ang kanyang dila
E di yun nagkabukuhan na, anong gagawin ko? Putek naman o.
"HAHAHAHAHA, namumula ka! Nakakatuwa! Ngayon lang ako nakakita nga taong namumula, buong mukha mo! HAHAHAHA. Ay sorry, ang evil ko e. Jinojoke lang naman kita. Ano ka ba." Bigla na lang siyang tumawa, grabe nakakahiya.
"Sige bye." sabi ko na lang.
Araw-araw lagi ko na lang siyang nakikitang naglalaro ng doodle jump. Adik na yata tong babaeng to. Hindi ko naman siya pwedeng pagsabihan magmumukha naman akong nanay na ewan. Pero may mga pagbabago sa mga nakaraang araw pagkatapos ng pag-uusap namin. Palagi ko nang kinakausap si Luisa.
Aaminin ko na talaga ang nararamdaman ko sa kanya. Pagpasok na pagpasok niya. Nakaupo ako at nakatitig lang sa pinto hinihintay ang pagdating ni Luisa. Nakita ko siya hawak na naman ang cellphone niya. Naglalaro siya habang naglalakad.
Sinubukan ko siyang batiin, "He--"
"SHIT! naka-100,000 ako! This is like the happiest day of my life! First time! wohoo!" Bigla na lang siyang sumigaw, nkakagulat.
Bumalik na lang ako sa upuan ko at napaisip. Siya ba talaga ang babaeng nagustuhan ko noon. Parang ang laki ng pinagbago niya sa pagdaan ng panahon. Pero mas malaki talaga ang pinagbago niya simula nang naglaro siya ng doodle jump. Hindi na siya masyadong nakikipagusap sa mga kaibigan niya, hindi na siya laging tumatawa, parating nakakunot ang noo niya, at nagmumura siya dahil lamang sa isang laro. Siguro nga hindi ko talaga siya nakilala sa patingin tingin lang.
Nilapitan ko si Luisa noong awasan na, sinabi ko sa kanya na may gusto ako sa kanya dati pero nagbago siya lalo na noong nagsimula siyang maglaro ng dooddle jump. Sinabi ko lahat ng realizations ko kanina. Tinanggap naman niya ang mga iyon pero syempre halatang nasaktan siya. Para kasing ang babaw ng dahilan ko, dahil lang sa isang laro.
Pero siguro hindi lang talaga dahil sa isang laro kung bakit ko narealize na hindi ko naman pala talaga gusto si Luisa. Tingin ko ay dahil gumawa na ako ng isang Luisa sa utak ko, ang Luisang totoong nagustuhan ko. Ang nagustuhan ko ang tanging ang likha lamang ng isip ko.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
HAHAHA, sana nagustuhan niyo, parang ang babaw. XD
si doodle kasi e. Panira siya ng buhay ng iba, joke. Pramis ang saya magdoodle jump sana umabot din ako ng 100,000 parang si Luisa lang. haha. hanggang 84,000 pa lang ako e. (nagyabang haha) =))