LIZZY
After ng klase at konting kantahan ay umuwi na ako sa bahay namin. Hindi ko kasabay si Ate Arian dahil liligawan muna daw niya yung Orizal. Psh! Makikipag-landian nanaman siya.
Sa aming magkakapatid siya lang ang mahilig sa love life. Ako, wala naman. Infatuation lang talaga. Kapag nagaguwapuhan ako sa isang lalaki, crush ko na siya. Pero hindi ako lumalandi.
Feeling close! Yan ang tingin nila sa akin. Pero para sa akin
FRIENDLY YOOON :(
Gusto ko lang talaga na may lagi akong kinakausap at nginingitian. Lalo na yung mga taong mainit ang ulo. Masungit. Parang may period. Kahit ayaw nila sa akin, lalapitan ko sila. Kukulitin at ngingitian.
Ayoko ng may taong malungkot lalo na kung may paraan naman para mapasaya ko sila. Tulad ng pagkanta.
Life is worth living. If we'll just spend our time complaining about things, looking for our dislikes and ignoring what we have, then we don't deserve this life. We should always be always happy. Problems are just part of the obstacles that we need to overcome. We need to face every obstacles but that doesn't mean that we should walk away from the happiness.
Psh! Too much english, my nose is nose blooding. Stop me!
Pagkatapos kong mag-dinner ay umakyat na ako sa kwarto at kinuha ang cellphone mula sa bag ko. Binuksan ko ang aking facebook app.
12 new notifications.
10 new messages.
9 new friend requests.
Wow ang dami naman. Inuna ko muna ang mga messages at isa-isang nireplyan ang mga ito. Wala naman talagang ganoong ka-importante pero nirereplyan ko lahat.
Sa friend request naman ay hindi ko lahat ina-accept. Mga kilala lang talaga dahil hindi ko naman kailangang ipakita sa buong mundo ang mga pinopost ko. Tinignan ko isa-isa at natuon lang ang pansin ko sa isang kakilala.
2 mutual friends.
Mutual Friends~~
Khinzel Astival
Ico RimmepHindi niya friend si Ate Arian? Baket?
In-accept ko ang friend request ni Jayzen Orizal. Tinignan ko ang timeline niya at nakita ang mga recent posts niya.
4 days ago.
"Just arrived with Ico and Khin"
1,289 likes.Seriously?! 20k Followers. 677 Friends?
Ha! Famous si koya ^_^
Hindi ko na natignan ang timeline niya dahil may kumakatok sa pinto ko. Hindi naman naka-lock.
"Pasok!" Magiliw na sigaw ko.
Bumungad sa akin si Ate Arian na abalang-abala sa phone niya na iPhone6+. Yung sa akin 5 lang pero siya kakapalit lang kahapon. Yung sakin may 1 year na.
"Bakit ate?" Takhang tanong ko.
Umupo naman siya sa single sofa ng kwarto ko.
BINABASA MO ANG
Musically In Love (COMPLETED)
Teen FictionLIZZY ALIZUMA. Pangit. Super Hirap. Tahimik. Maitim. Mangmang. Walang talent. MATAPANG "DAW"! Yan ang mga katangiang wala sa kanya, kaya huwag na ninyong hanapin dahil mapapagod lang kayo. Mahina man siya sa pag-ibig sa inyong paningin, sa mga des...