// to be edited
Chapter 30
"Carlo, inom ka pa!" Sabi ni Coach at muling tinagayan ng alak ang baso ko.
Marahas na napailing naman ako sa ginawa nya, "De, tama na po. Hindi po ako pwedeng uminom ng marami, magagalit po 'yung Tita ko." Sabi ko na lamang.
Ang totoo nyan, ayos lang naman kay Tita kung iinom ako basta limitahan ko lang daw. Ako lang talaga ang may ayaw uminom ng madami dahil di ako gaanong sanay.
"Teka, nasan na ba si Michael?" Biglang tanong ni Coach kina Ailan na nagkukwentuhan tungkol sa nangyari sa game kanina.
Napatingin naman 'yung tatlo sa kanya.
Napansin ko na napasulyap muna si Ailan sa'kin, "Bigla pong nawala pagkatapos ng game, eh!" Sabi nya.
Kinuha ko 'yung baso na tinagayan ni Coach ng alak kanina at ininom iyon sa sobrang inis. Alam ko naman kasing kaya wala dito si Michael ay dahil iniiwasan ako nito.
Eh di wag sya pumunta! Ano naman? Pabor pa nga sa'kin 'yun.
Naramdaman ko bigla ang mainit na pag guhit ng alak sa lalamunan ko nang lunukin ko iyon. Nagtaka pa ako dahil hindi naman ganoon katapang ang mga iniinom ko kanina.
"Tawagan nyo nga! Dati sya ang nangunguna kapag may inuman tapos ngayon sya ang nawawala!" Sabi ni Coach at uminom iyong hawak nyang alak. "Ang batang 'yun, tinakot pa ako kanina. Akala ko talaga matatalo na tayo. Buti nalang at nabawi agad 'yung points."
Mukhang nalalasing na si Coach dahil dumadaldal na sya. Usually kasi, tahimik lang ito at palaging parang malalim ang iniisip.
Napakamot naman sa ulo si Ailan at nag-aalinlangan na tumingin kay Coach, "Kahit naman po anong sabihin ko dun hindi 'yun pupunta kapag ayaw nya talaga." Paliwanag niya.
Nangunot naman ang noo ni Coach sa sinabi nya, "Bakit ba ayaw nya pumunta dito? Sabihin mo pag di sya pumunta dito paparusahan ko sya next practise." Sabi nito.
"Kilala nyo naman 'yun Coach, hindi nyo 'yun matatakot kahit ano pang ipanakot nyo dun." Sabi naman ni Ailan na parang wala talagang balak tawagan si Michael.
Biglang binato ni Coach ng chitchirya si Ailan ng malakas, "Kaibigan nyo 'yan, alam nyo kahinaan nyan. Pag di nyo sya napapunta dito, pati kayong tatlo paparusahan ko." Banta niya sa tatlo.
Napatakla na lamang naman si Ailan at dinial ang number ng kaibigan nya. Nagmamadali naman akong tumayo at kinuha ang bag ko para makaalis na.
Kung ayaw nya pumunta dahil nandito ako, eh di aalis ako. Ayaw ko rin naman na makasama sya dito, no?
"Coach pasensya na, kailangan ko na po umalis. Nagtext na po kasi ang Tita ko." Pagdadahilan ko sa kanya.
Nagulat naman ako ng hinila ulit ako ni Coach paupo. "Huwag kang magtangka na tumakas. Di ka na nga nakalaro, pati naman sa celebration natin magke-KJ ka pa. Upo." Sabi nya at binalik nalang ang tingin sa tatlo.
"Coach, tinext na po ako ng Tita ko, eh. Maaga po akong pinauuwi." Sabi ko pa. Bigla nya naman akong tinoktokan sa ulo.
"Wag ka sinungaling. Wala ka namang hawak na cellphone kaya di mo ko nauuto." Sabi niya at sinamaan ako ng tingin. "Baka gusto mong parusahan din kita next practise?" Pananakot pa nya sa akin.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend's Possession (BxB)(gay)
RomanceWe're bestfriend and I'm his possession...