“Jacob Robles. Kapag binaggit mo ang pangalan niya sa kahit na saan, kahit sinong babae ay mapapatili at mapapalundag kahit nasaan man sila. Siya kasi ang itinuturing ngayon na pinakaguwapo at pinakasikat na lalake sa buong Pilipinas. Mapabata, teenager at matanda, babae man o lalake ay mapapatili pag nakita siyang kumakanta o sumasayaw o tumutugtog ng gitara sa TV. Halos lahat ng kababaihan ay nangangarap na mahalin niya. Pero kagaya ng sabi ko kanina, halos lahat lang. May isang babae na siyang bukod tangi ata na hindi tinablan ng Jacob Robles’ magic. Julianne. Julianne Santiago ang pangalan niya. Kakaiba ang babaeng ito dahil bukod sa hindi man lang siya tinablan ng kaguwapuhan ni Jacob ay fangirl pa siya ng mortal na karibal nito sa kasikatan, si Caleb Rodriguez. Hindi inaasahan ni Jacob na maiinlove siya sa ordinaryong fangirl ng showbiz rival niya na hindi man lang siya gusto. Paano kaya ito i-hahandle ni Jacob? Paano kaya niya tatanggapin na ang babaeng kauna-unahan niyang minahal ay iba ang gusto? Tatanggapin niya nalang ba ito? O gagawa pa ng paraan para mapaibig ang dalaga?”
YOU ARE READING
My Superstar Boyfriend
RomanceSabi nila mahirap mahalin ang isang taong malapit nga sayo pero hindi ka naman makita-kita. Sabi nila mahirap mahalin ang taong may mahal ng iba. Pero sa labing anim na taon kong pakikipagsapalaran sa buhay, may isang bagay akong natutunan tungkol s...