Chapter 13 - Fool

11.1K 235 3
                                    

 Music on the other side..kailangan niyong pakinggan yun ha.. Okay?

JERA'S POV

"Sinabi ko na nga sa inyo na patay na-"

"JERA! Hindi ka na nahiya sa balat mo, kaharap na namin siya ngayon kaya hindi mo na kami maloloko." galit na sigaw ni dad.

BWISIT! Bakit ba ayaw nilang maniwala.

"Uhahahahaaaaaaaaaaaaaa" umiyak na naman yung baby. Tsk. Nakakairita talaga. ArrGH

Agad namang dinaluhan ni Micha at ipinaghele. Hindi ko alam kung paano ko i explain sa kanila ng maintindihan nila ang sitwasyon ko.

"Kahit tanungin niyo sa kanya! O ipa DNA niyo yung baby kung yan ba talaga ang nanay niya." inis na sabi ko.

Tumawa sila. WHAT THE F!

"Sir, madam, tama po ang anak niyo. Inampom ko lang po ang baby niya at hindi po ako ang nanay ng baby." sabad ni Micha.

"You can't fool us honey." si mommy. Can't fool daw, eh fool na nga kayo dahil ayaw niyong maniwala eh.

"Kami ay aalis na. Jera, ayusin niyo na ang kasal niyo dahil uuwi ang lola mo at kilala mo siya. Hindi lang itong na abot mo ang gagawin niya." paalala ni mommy.

"Pero wala pong kasalan na magaganap ma'am. Hindi po kami nagmamahalan ng anak niyo." nagulat ako sa sinabi ni Micha. Ang lakas ng loob. Hindi rin kaya kita mahal.

"Hay naku, mga bata ngayon. Kami ay aalis na dahil gabi na. Isantabi niyo muna ang alitan niyo, isipin niyo na lang si baby. Kailangan niya ng dalawang magulang na gagabay sa kanya." yung lang ang sinabi ni mommy at tinapik si Micha bago tuluyang lumabas kasama si dad.

"Pero-"

"Pwede ba, huwag ka ng dumagdag pa. Hindi nila pakikinggan ang paliwanag mo dahil hindi sila marunong makinig ng explanation so just shut up!" galit na bulyaw ko kay Micha. Hindi ko alam kung bakit biglang uminit ang ulo ko.

"Pwede ba, ikaw ang tumahimik. Ikaw pa ang may ganang mambulyaw jan." sabi nito at pinasok muna si baby sa kwarto bago lumabas.

"Narinig mo naman sila di ba? Hindi ka naman siguro tanga o bobo para hindi maintindihan ang sitwasyon ko." inis na sinipa ko yung nahulog na throw pillow.

Pinulot niya yun at nilagay sa katapat kong sofa. She folded her arms and stood there glaring at me.

"Kung hindi ka kasi nagpumilit na pumasok sa bahay ko, hindi ito aabot sa ganito. Alam mo ang problema sayo, masyado kang paki alamera. Ayun tuloy, imbes na walang kasalan na mangyayari dahil patay na yung nanay nung baby, meron na dahil sa pagiging paki alamera mo." inis na sisi ko sa kanya.

Hindi siya umimik.

"Now you can't speak because you know I'm right. So don't ever blame me if you are forced to marry me dahil kagagawan mo rin lang ang lahat kaya napasok tayong dalawa sa sitwasyon na ito."

"Tapos ka na?" nagulat ako sa tanong niya.

"WHAT?"

"First of all. Sino ang nakabuntis? Ako o ikaw? Kung hindi kita tinulungan, sa tingin mo, buhay pa si baby ngayon o patay? Kung sana noon, honest ka sa mga magulang mo. Eh di sana paniniwalan ka rin nila ngayon pero hindi di ba? Tama o hindi? Alam mo ang problema sa inyong mga lalaki, irresponsible! Ang alam niyo lang ay puro katuwaan pero pag nagbunga na ang lahat, tatakasan niyo lang."

"Hindi ko tinakasan ang problema ko." medyo galit na wika ko. Hindi naman talaga.

"Matutulog na ako. Mag-isip ka kung paano mo ito masosolusyonan. Marrying me is not the answer because marriage is not a game, it is sacred. The foundation of marriage is love. What is the point of getting married and put a ring on your left finger if you do not know what love is?  Kaya sabihin mo sa mga magulang mo na hindi madali ang hinihingi nila."

"Kahit pa sabihin mo yan sa kanila a million times. They will not listen because they're are stubborn."

"Just like you. Nag mana ka nga sa kanila." sabi niya at iniwan na ako.

WHAT? She's really unbelievable! I can't marry a nagger who's worst than my mom. Where on earth did I get this problem? Just because of one single sperm? Ow SH*T..

"Arrgh!Ano ba kasing inisip ko noon!? Kainis." nasapo ko ang noo ko.

"Tanungin mo sa sarili mo."

"Will you shut up!? And just leave me ALONE!" akala ko ba matutulog bakit andito pa siya.

"Talagang talaga. Matulog ka rin dahil sayang ang kuryente, hindi ikaw ang magbabayad." pahabol pa niya bago isinira ang pintuan.

WHAT? ARRRGH!! Napasuntok ako sa hangin. She's right, I can't marry her because I can not stand her attitude. Nagger na kuripot pa. Sino kayang ma iinlove sa kanya pag nalaman nila ang ugali niya? Okay na sana ang beauty.

MICA's POV

Uhaaaaaaaa!

Dali-dali akong nagising na marinig si baby, pilit kong minulat ang mga mata ko. Ang hirap naman palang maging nanay. Tatlong linggo pa lang ang lumipas pero hirap na hirap na ako, pero pag tumingin ako sa cute niyang mukha, nawawala ang pagod at katamaran ko.

Tumingin ako sa orasan, 3 pa lang ah.

"Oh, tama na baby, andito na si mommy. Shhhh." pinaghehele ko siya pero ayaw tumahan, hindi naman basa ang pampers? Eh anong problema niya.

Sinubukan ko siyang ihiga pero mas lalong lumakas ang iyak niya.

"Baby, pano magtitimpla si mommy ng milk mo kung ayaw mong matulog sa crib." kausap ko.

Ang bigat pa naman, magising nga ang isang yun. ABAH! Hindi lang ako ang dapat magpuyat no. Wala na siyang ginawa kundi ang lumabas, kumain at matulog.

Binuksan ko yung pintuan ng kwarto niya at muntik na akong tumawa sa itsura niyang natulog. Imagine, nakaunan ang paa tapos nahulog ang kamay pero walang paki alam. Naririndi na ako sa iyak ni baby pero siya, ni hindi nagising sa lakas ng iyak ni baby.

Yinugyog ko siya pero hindi umubra kaya dahil sa inis, sumigaw anko sa tainga niya.

"GISIIINGGGG!"

Napatayo ito sa pagkagulat pero bigla rin itong sumigaw.

"ANO BANG PROBLEMA MONG BABAE KA? AT PATAHIMIKIN MO NGA YANG BABY NA YAN. CAN'T YOU SEE I'M SLEEPING.?" sigaw nito at bumalik sa pagkahiga.

"ABA'T! HOY JERA! Mahiya ka naman. Gumising ka jan kung ayaw mong SIPAIN ANG PWET MO." kulit ko.

Umupo ito. "WHAT IS WRONG WITH YOU!?"

"MAGTIMPLA KA NG GATAS. YUN LANG ANG sasabihin ko. Pwede paki dalian dahil kanina pa iyak ng iyak si baby."

Inis na ginulo niya ang buhok niya at sumunod sa akin. Tahimik itong nagtimpla.

"12 cups ang ilagay mo."

"Hindi ka dapat pumapasok sa kwarto ng lalaki dahil baka kung ano ang makita mo. Alam mo ba yun.? You should be thankful dahil tinamad ako nung dumating ako kaya hindi ko na inalis ang boxer short ko kundi-"

"Kundi ano, nakita kitang nakabrief?"

"No, You could have seen me naked and kung sakali, ikaw pa lang ang unang makakita ng ano ko." nakangising sagot niya.

"Yucks, ambastos mo. Lumabas ka nga!" napahiyang sabi ko.

"Anong bastos dun, I'm just telling you the truth." nakakalokang sabi niya.

Hinablot ko yung bottle at ako na ang nag shake tsaka binigay kay baby.

"Sa susunod, huwag mo ng subukang pumasok-"

"Mag lock ka kasi ng pintuan." sabad ko at pumunta sa pintuan.

"Tsk tsk. Ikaw ang mag lilinis ng CR bukas dahil lumabag ka sa usapan." sabi niya at pinisil ang ilong ko. Ano yun?

"Anong lumabag? Bahay ko kaya ito." angal ko.

"Invading of privacy, remember." sabi niya at pinisil ang magkabilang pisngi ko.

"Ang cute mo talaga!" sabi pa niya bago siya umalis.

"ARAY!" hindi ko siya masapak dahil kinarga ko si baby. Teka ano yung sabi niya? CUTE? Hmp. Bola. Cute cutin mo muka mo. Sinabi niya lang yun dahil ikaw ang maglilinis ng CR bukas. 

Surrogate Child ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon