Chapter 2: Helpless

22.6K 411 6
                                    

Chapter 2
Helpless

Bakit ganito sobrang bigat ng pakiramdam ko? Ang sakit ng katawan ko.. at nananaginip ba ko o ano!? Agad akong napabangon at nilingon ang paligid. Kulay puting dingding ang sumalubong sa aking paningin at nakasuot ako ng hospital gown. Ano.. anong ginagawa ko dito?

Then the flashbacks came back from me.. nagbagsakan ang mga luha sa mata ko at mabilis ko itong pinunasan. Totoo ba ang lahat lahat ng iyon? Hindi ako makapaniwala... ang mismong bestfriend ko pa ang umahas sa asawa ko.. Pero pano ako napunta dito? Ano ang ginagawa ko dito? Could it be.? No..no buhay ang baby ko.
BUHAY ANG BABY KO!!!!

Agad akong napahawak sa tiyan ko, ang baby ko.. siya na lang ang natitirang liwanag sa buhay ko. Kahit na.. kahit na ayaw sakanya ng ama niya hinding hindi ko siya ipapalaglag. My angel.. napapikit ako bigla sa hapdi na nadama ko..

" A-aaray! Aray!!!" Iniinda ko ang paghapdi ng bandang tiyan ko. Nagulat ako ng mayroong biglaan na lumapit saking isang baklang mukhang mayaman, puno siya ng alahas sa katawan.

Tinitigan niya ako at nakikita kong may lungkot sa kanyang mga mata. Akmang tatanungin ko na sana siya ng bigla siyang magsalita.

" Wala na ang baby mo. " Nanigas agad ako sa kinauupuan ko.. para bang tumigil sa pagtibok ang puso ko, agarang bumagsak ang balikat ko, at ang kanina kong mga luha ay mas lalong tuloy tuloy na bumuhos saking mga mata..


" P-paanong... paanong nangyari yun!??? HINDI YUN PEPWEDE!!! ANG ANAK KO! " Agad ko siyang itinulak at ang lahat ng nakapasak saking kung anu ano ay agad kong tinanggal. Tumayo ako kahit na nabibigatan sa sarili at nakita kong may iilang dugo na dumanak sa kamay kong may nakatusok na needle. Ramdam ko ang sakit pero mas nakakawasak ng puso ang narinig kong wala na ang anak ko.


" Wala ka ng magagawa. Nangyari na! Wala na ang baby mo!! Hindi mo kasi iniingatan, tapos ngayon ano? Iiyak iyak ka jan?! " Iningatan? Kung makasalita ang baklang to parang may alam sya hah!? Ni hindi ko nga kilala kung sino ba siya!


" Kilala ba kita ha!? WALA KANG ALAM SA BUHAY KO!! " Tumayo siya mula sa pagkakatulak na ginawa ko sakanya at may biglang kumatok bago pumasok.. Agad kong nilapitan ang doktor at galit na galit na kwinelyuhan.


" Nasan ang anak ko!!??? BAT DI NIYO SIYA SINALBA!? YUNG ANAK KO! YUNG ANAK KO, YUN ANAK NAMIN NG TAONG MAHAL KO!!! BAT DI NIYO SINALBA! " Inalis ng doktor ang pagkakahawak ko sakanya, namumula ang mukha niya sa inis.

" Miss.. GINAWA NA NAMIN ANG LAHAT. PERO HULI NA! OKAY KAYA WAG MONG ISISI SAKIN ANG PAGKAWALA NG ANAK MO!! "


" WALA KAYONG KWENTA!!! WALA! WALA KAYONG MGA KWENTA!! " Nanghihina akong napaupo sa sahig at sinabunutan ko ang sarili ko.. naiinis ako sa taong minahal ko..


Pero mas naiinis ako sa sarili ko! Kung bakit ba kasi... ampanget panget ko.. na hanggang stalker lang ang tingin niya sakin. Samantalang matagal ko na siyang minamahal.. sobrang tagal. Na kahit ilang beses na kong nasaktan sumugal parin ako ng sumugal, hanggang sa mapangasawa ko na siya.. akala ko magiging maayos na ang lahat.. nawala ang pag asa kong kahit papaano ay maging masaya.. yun munting pag-asa ko, nawala pa sakin ng tuluyan..
Napahagulgol na ko ng sobra..


" Wag kang mag-alala teh.. Tutulungan ka namin ni fafa Quiel bumangon.. " Nabigla ako ng makaramdam ng yakap.. napakainit na yakap. Mas lalo akong napahagulgol. Sa buong buhay ko, simula ng mawala ang mga magulang ko hindi ko na naramdaman pa ang isang mainit na yakap. Nakakapanghina kaya hindi na ako pumiglas at pinaubaya nalang ang sarili ko.


" Tumigil ka nga jan, seryoso yun tao eh. Tatawag lang akong psychiatrist.. baka natrauma. " Naramdaman kong tumango lang ang baklang nakayakap sakin sa doktor.



" Okay fafa Quiel.. bilisan mo at gamutin mo pa sugat nito ni ate " Inalo alo niya ang likod ko at bigla kong naramdaman ang hininga niya sa tenga ko.




" Tahan na teh.. "


" Tutulungan ka namin makabangon muli.. " Akala ko wala na kong kakampi.. akala ko mag isa ko nalang haharapin ang mga problema ko.. may mababait parin pala talagang mga tao na handa kang tulungan, kakilala mo man o hindi..

Pumatak ang mga huling luha sa mata ko.. at tumango ako sakanya bilang kasagutan.. I dont know what will happen to my future. But I know my angel will guide me.. not in the wrong way. But in the path, where do broken hearts go..

Lord, I know my angel will guide me however I wasnt able to protect what you have given to me....

Huminga ako ng malalim para ikalma ang wasak na wasak kong puso.

... And for this, I will let the destiny and take revenge to my ex-husband and change my appearance into someone they couldnt recognize until I completely crash each of their lives.

The Ugly Wifes Revenge(Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon