“Babae gising na. Hoy Julianne! Huuuy!” maingay na panggigising sakin ni Leah habang binabatukan ako. Bestfriend ko siya. Halos lahat ata nang nagyayari sa buhay ko, alam niya. Oo. Pati yung nangyari sa amin ni Caleb. Alam niyang pumayag ako sa gusto ng lalakeng ‘yon, na hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako sa pangako niya.
Kung tinatanong niyo kung anung nangyari sakin pagkatapos naming magbreak ni Caleb, ayun, naghihintay. Eh kasi nangako siya eh. Sabi niya babalikan niya ako at alam kong tutuparin niya yun. Kahit dalawang taon na rin ang nakakalipas, umaasa parin ako sa pangako niyang yun. Mahal ko kasi talaga siya. Alam ko naiintindihan niyo ako. Ganun naman kasi diba pag nagmahal? Handa kang maghintay kahit gaano pa katagal. At kung tinatanong niyo naman kung ano nang balita kay Caleb, ayun, sumikat nga ang mokong. At hindi lang sikat, sikat na sikat. Bukod kasi sa sobrang guwapo, talented pa. Marunong sumayaw, kumanta, at tumugtog ng gitara. Maiinlove ba ako kung hindi. Kaya ayun, sobrang sikat ngayon. Hindi ako bitter. Ang totoo nga masaya ako para sa kanya. Masayang masaya kasi natupad na niya pangarap niya. At konting konti nalang babalikan na niya ako. Alam ko, babalikan niya ako. Kahit pa pagkatapos ng gabi na ni-let go ko siya ay hindi na siya kailanman nagparamdam.
“Ano nanaman iniisip mo? Yung walang hiyang yun nanaman ba?” Nagulat ako nang biglang binatukan ulit ako ni Leah. Grabe talaga! Mamamatay ako sa bugbog sakanya. Napakabayolente.
“Wa-wala. Naalala ko lang. Guest pala siya ngayon sa show ni Kris Aquino.” Napatayo ako nung maalala kong maaga pala yung show na yun. “Anong oras na?”
Napabuntong-hininga nalang siya at sumagot “8:30 na.”
“Ha?! Hala! Alas otso nag-i-start yun” Patakbo akong nagdirediretso sa sala. Binuksan ang TV at sobrang nakahinga ng maluwag nung malaman kong hindi pa tapos. Nakita kong napailing nalang si Leah. Sanay na ako sa babaeng yan. Kahit naman bayolente yan, alam kong nag-aalala siya sakin ...at naaawa. Alam ko namang nakakaawa ako. Minsan nga naiisip ko, sagutin ko nalang kaya si ganito. O si ganito nalang. Pero alam kong lolokohin ko lang ang sarili ko pag ginawa ko iyon. Mahal na mahal ko si Caleb at walang makakapagpabago nun.
“Paano bang magmahal ang isang Caleb Rodriguez?” tanong ni Ms. Kris. Tutok na tutok ako.
“Ako? Siguro pag nagmamahal ako, kahit ano pang mangyari sa aming dalawa. Kahit matagal man kami magkahiwalay, Siya at siya parin ang babalikan ko. Kasi mahal na mahal ko siya.” Napangiti ako sa sagot niya. Alam kong ako ang tinutukoy niya. Mahal niya parin ako.
“So kumusta naman ang lovelife mo ngayon Caleb?” pagpapatuloy ni Ms. Kris. Napadiretso ako ng upo. Gusto kong marinig ang sagot niya. May girlfriend na ba siya? Hindi na ba niya matutupad ang pinangako niya dalawang taon na ang nakakalipas? May balak pa ba siyang bumalik? Ako pa rin ba? Ako pa rin ba? Gusto kong marinig. Gusto kong marinig.
“Ah wala po. Wala po.” natatawang pagtatanggi niya. Nakahinga ako nang malalim. Wala pa siyang girfriend.
Nakangiti parin ako at taimtim na naunuod at nakikinig sa interview ni Caleb nang biglang “Aaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhh! Julianne!!!!!!!!!!!!” ang lakas ng sigaw ni Leah.
“Ano ba yan Leah nanunuod ako eh” Nakakunot ang noong sabi ko. Pero hindi parin ako nag-abalang tignan siya sa kwarto kaya siguro siya na mismo ang lumabas at tuluy-tuloy na niyugyog ang magkabilang balikat ko.
“Ano ba? Nakikita mo namang nanunuod ako diba?” sabi ko yan sakanya at totoong naiinis ako. Alam naman niyang pwede niya akong istorbohin kahit anung oras, kahit saan wag lang pag pinapanuod ko ang Caleb ko.
“Eh kasi may shooting daw mamaya sa QC Circle si Jacob. Grabe Jessa! Makikita ko na siya.” Kinikilig parin niyang sabi. At lalo akong nainis nang marinig ko ang pangalan niya.
YOU ARE READING
My Superstar Boyfriend
RomansaSabi nila mahirap mahalin ang isang taong malapit nga sayo pero hindi ka naman makita-kita. Sabi nila mahirap mahalin ang taong may mahal ng iba. Pero sa labing anim na taon kong pakikipagsapalaran sa buhay, may isang bagay akong natutunan tungkol s...