The Second Time Chapter Seven: Begin again

287 13 0
                                    

-Denise's POV-

Last night, magulo ang isip ko. Ang sabi ng utak ko "Huwag kang sumunod kay Daniel. Alam mo naman ang ugali nun." May point. Pero parang iba eh, parang may pumupigil sa desisyon ko. Somewhere sa kalooban ko ay komokontra sa sinasabi ng utak ko. Ano ba?! Bakit ko naman pipiliin na umupo sa likod kasama si Daniel?

At dahil napakadami ng iniisip ko, nagbasa nalang ako ng libro. Pero hindi ko maiwasan maalala ang sinabi ni Ms.Minchie: Follow your heart. Pumunta ako sa bahay ni Daniel para sabihin yung nararamdaman ko. But when I saw him naunahan ako ng takot at bagkus nasabi kong payag ako sa gusto niya. Nahalata siguro ng mama niya dahil bago ito umalis sabi niya sa akin, "Huwag kang kabahan iha. Si Daniel lang yan. Wala lang yan." Sabay maliit na tawa.


And that came up to the conclusion. In the end, ginawa ko ang gusto niya. Mabuti nalang understanding si Jason. I texted him early in the morning para hindi siya magtaka at magalit. Ngayon, bumabawi ako sa kanya dahil sinabayan ko siya mag lunch dito sa cafeteria at sasabayan ko siya mamaya mag dinner. In short, two dates kami sa araw na ito.


"Himala nakipag date ka sa akin." Sabi ni Jason


I smirked, "Grabe siya oh. Alam mo naman diba gusto kong bumawi?"


"Bakit? Tayo na ba?" Napatigil ako sa pagkain at napatingin ako sa mukha niya. Parang siya, nagulat din sa tinanong niya. "Alam mo naman di-"

"Oo, alam ko. Sorry." Sabi niya at bumalik sa kanyang spaghetti. "Pero seryoso," Bigla siya nagsalita ulit, "Kailan mo ba ako sasagutin?" I don't what to answer. His eyes tell me that he needs serious and urgent answer.

"Denise!!" Buti nalang dumating ka Ged! "Yung report pala natin mamaya sa Biology class ha huwag kalimutan mamaya 2pm."

I smiled, "Syempre. Salamat."

"Sige bye!"

Savior. Hulog ng langit.

"Kain ka pa." Jason said and smiled at me. Seriously, I'm so lucky dahil nandito pa rin siya naghihintay sa sagot ko.

After all my afternoon classes, dumiretso agad ako sa venue ng shooting namin, sa basketball court. Naghintay kami mga staff kay Claire at Daniel ng halos isang oras. Nagulat nalang ako nang makita ko sila magkasama papasok sa gym. Tinutukso sila ng lahat. "Uy! Nagdate kayo?" Sabi ng camera man. Date agad? Grabe!

"Hoy, Daniel!" Malakas kong sabi. "Usap tayo dun." At lumakad ako palayo sa mga staff. Sumunod sa akin si Daniel. "Ikaw!" Sabay turo ko sa kanya ng daliri.

"Ano ba?!" Inis niyang sabi.

"Bakit mo kasama ang pinsan mo?! Kaya mo naman pala makipag lambingan sa kanya eh bakit mo pa ako dinadamay?!Maypa kondisyon ka pa! Nakakainis!!"
"Sabi ko nga sa'yo diba, kulang pa kaya kailangan kita." Nagtinginan kaming dalawa. Gusto kong namnamin ang sinabi niya. Hindi kami dalawa makapagsalita. Hanggang sa biglang may tumama na bola sa ulo ko. Ang huli ko lang naalala ay ang mga kamay ni Daniel sa likod ko habang nahuhulog ko at ang boses niya na sinisigaw ang pangalan ko.


Pagmulat ng mga mata ko, alam ko ng nasa loob ako ng school clinic. Medyo masakit ang ulo ko at tanda ko pa kung sino ang huli kong nakita. Wait, speaking of which...


"Gising ka na pala, Denise." Si Daniel. He's sitting on the chair in front of my bed. "Mabuti nalang hindi ka naabutan ng gabi. Kailangan mo ng umuwi."

"Kanina ka pa diyan?"


"Mga isang oras lang naman."

"Sorry ha." Sinubukan kong tumayo. Tumayo si Daniel at linagay niya ang kanyang mga kamay sa likod ko at inalalayan para makaupo sa kama. "Claire was here a while ago. She's worried about you." He said.

"About pala sa inyo ni Claire..."

"Look, we haven't started our deal yet. Ang gusto ko lang naman tulungan mo ako sa panliligaw sa kanya. Whether you believe it or not, I'm not the kind of guy na nakikita mo sa tv when it comes to the girl I like." Nakatingin siya sa akin at napakaseryoso. I've never seen him this way. "Don't worry. Tutulungan pa rin kita. Nagulat lang siguro ako kanina. Pasensya na."

"I understand. Protective ka sa pinsan mo diba?" Sana ganun lang.

I smiled, "Oo naman."

"So," He sat next to me and he stared right into my eyes "Can we be friends?" Then he placed his right hand in front of me. Hindi ko mapigilang maging masaya. Parang sa loob ko may gustong sumabog. Sa ngiti pa lang niya, parang di ko na mapigilang mahulog. At lahat ng to, tinatago ko sa isang matamis na ngiti. "Friends" And our hands touched.

Minsan talaga, kung akala mong tapos na, hindi pa pala. Paano na to? Gusto ko pa rin talaga siya. But this time, we're starting to begin again. I can feel it.


 


 


 


 


 


 


 


 


 


 


 


 


 


 


 

The Second Time (Inspired by SueNie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon