Chapter TWENTY FIVE: Goodbye

2 2 0
                                    


Chapter TWENTY FIVE: Goodbye

Sa isang sementeryo sa Bicol..

"Sanggol pa lang ako nang iwan ako ni nanay sa tita ko.." sambit ni Quincy.."Ayoko namang magdrama dahil sa iniwan nila ko noh?! Wala lang talaga silang budget!"

"Napakabuti mo namang anak.." nakangiting sambit ni Fuma.."Hindi ka nagtatanim ng galit.."

"HA-HA-HA! Sino namang may sabi sayo?!" bulalas ni Quincy.."Galit ako sa mga tito't tita ko dahil hindi nila ko trinato ng maayos!"

"Hindi mo ba sila kayang patawarin??" tanong ni Fuma.

"IN THEIR DREAMS! Etong' makinis na balat kong toh na araw-araw kong pinapahiran ng puti ng itlog, binubugbog lang nila Fuma?!!" sumbat ni Quincy na tila babagsak na ang luha.."Yung mga pasang toh'?? Etoh etoh! (sabay turo sa mga peklat) Alam kong maaalis pa naman ang mga toh'.. Pero YUNG SAKIT na binigay nila sakin, HINDING-HINDI!"

"Quincy?.." sambit ni Fuma sabay hawak sa kamay ni Quincy.."Alam kong wala akong alam sa pagiging tao pero naniniwala akong mawawala din yang galit sa puso mo..Kasi mabait kang tao.."

"Nasasabi mo lang yan kasi anghel ka.." malungkot na sagot ni Quincy.."Naniniwala ka na may kabutihan ang lahat ng tao.."

"Oo, parang ganun na nga.." nakangiting sagot ni Fuma.."May kabutihan dyan' sa puso mo Quincy.. Naalala ko nga sina Yugyeom at Youngjae, akala mo wala ng pag-asa para magkabati pero..meron pa pala. Kasi parehas silang nagsisisi at may mapagpatawad na mga puso."

Napatitig ng matagal si Quincy kay Fuma na hindi man lang kumukurap..

"Alam mo bang nakakakilabot ka?!" sambit ni Quincy sabay turo sa balat.."Tumatayo ang balahibo ko sayo!"

"Bakit naman??" natatawang tanong ni Fuma.

"Para sabihin ko sayo, sobrang nakakakilabot na nakakamangha na makarinig ng mga payo sa sarili ko mismo, sa kamukhang-kamukha ko!"

"Ikaw naman talaga ako eh?! Hiniram ko lang ang katawan mo.." sagot niya.."Alam mo bang maraming nagagandahan sayo??"

"Alam ko na yun!" pabirong sagot ni Quincy.."May lahi kasi ang tatay ko, bwahahahahahah!"

"Ayos ka lang ba??" nag-aalalang tanong ni Fuma.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.


(Mark's P.O.V)



Sinunod nga namin ang payo ni JB, nagpapalit-palit nga kami sa pagbabantay kay Fuma,

Sa umaga, sina Jackson, Sonia, JB..

Sa hapon sina Bambam, ang kambal..

At ako naman ang sa gabi kasama si Junior..

Paulit-ulit lang kami sa ganitong routine, nagbabaka sakaling may maalala na nga ang iba pa tungkol kay Fuma..

PERO ANG MAS KINAKATAKOT KO.. Bakit hindi pa rin nagigising si Fuma?

..
...

Hanggang sa isang araw..

"Mark?? Gising na Mark.."

Kahit antok pa ako'y pinilit kong idilat ang mga mata ko..

"JB..Sonia.. Kayo pala.." sambit ko't napatingin ako sa labas.."Naku umaga na pala??"

"Geh' na Mark, umuwi ka na muna't magpahinga.." nakangiting sagot ni JB't napatango na lamang ako.

"Mag-almusal ka muna, may dala kaming pagkain ni JB para sayo.." dagdag ni Sonia't ngumiti na lamang ako.

"Teka??" sambit ko sabay lingon sa buong paligid.."Wala pa ba si Jackson??"

"Ewan ko nga dun?? Kanina pa namin siya hinahanap?!.." sagot ni JB.

"Eh si Junior??" tanong ko ulit.

"Kakaalis lang niya.." sagot ni JB't napatango na lang ako.

"Okay lang ba kung kayong dalawa ang maiiwan dito?" tanong ko't bigla akong napangiti.."Kung sabagay, gusto niyo naman talagang magkaroon ng PRIVACY ba ang tawag dun??"

"EWAN KO SAYO!" natatawang sigaw ni Sonia.."Ikaw lang ex na nakilala kong binibiro ang ex niya sa iba?! Grabeh ka sakin ah?!"

"Tsss!..Di mo lang matandaan pero palagi mong pinapamukha saking si Fuma talaga ang mahal ko.." sagot ko't tumawa lang siya.

"So ganun, gusto mo ring ipamukha saking iba ang mahal ko??" tanong ni Sonia.."Ganti-gantihan lang?"

"Sonia, alam mo namang may pinagsamahan rin tayo.." seryosong sambit ko't ngumiti lang siya.."Kaya siyempre mas gusto kong mapunta ka dun sa lalaking deserving ng pagmamahal mo.."

"I know.." sagot ni Sonia sabay yakap sakin.."Thank you.."

"Akala niyong dalawa hindi ko alam na palihim kayong nagdidate?!!" biro ko.

"Oy dito lang naman kami sa ospital nagdidate!" sigaw ni JB.

FUMA027Where stories live. Discover now