Chapter TWENTY SIX: HILING
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Sa ospital..
"Mark humiling ka na dali!" sambit ni Bambam sakin.
Hindi na nga ako nagpatumpik-tumpik pa't agad kong pinatong ang gintong ngipin sa kamay ko't pinatong ang kamay ni Fuma sa palad ko..
"PSsstt! Magsitahimik kayong lahat!" narinig kong sambit ni JB't nagsitahimik na nga silang lahat.
.
..
...
"Fuma naririnig mo ba ko?.."
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
(Yamadarie's P.O.V)
Sa kabilang mundo..
Habang unti-unting umaakyat papunta ng langit si Fuma at ang guwardya ng mga anghel..
"Fuma naririnig mo ba ko?"
Biglang natigilan si Fuma pagkarinig sa tinig!
"Mark?? Ikaw ba yan Mark?" naiiyak na sambit ni Fuma.."Naririnig kita!"
Napatingin na lamang ang guwardya ng mga anghel kay Fuma..
"Nakikiusap akong bumalik ka na dito Fuma.. Mahal na mahal na mahal na mahal kita Fuma! Kailangan kita!"
Tuluyan na ngang bumagsak ang mga luha pagkarinig ng mga salitang yun..
"Mahal na mahal din kita Mark.." umiiyak na bulong niya.."Patawarin mo ko..""Fuma si Bambam toh! Ang pinakagwapo mong bestfriend, remember?!!"
Napangiti na lamang si Fuma pagkarinig sa boses ni Bambam..
"Oo Bambam naririnig kita!" masayang sigaw ni Fuma.
"Umiiyak na kasi tong' si Mark kaya ako na ang magtatapos ng hiling niya..Ehemm, ehemm.."
"Ang cute mo talaga Bambam.." natatawang bulong ni Fuma.
"Isa lang naman ang hiling namin Fuma.. yun ay ang bumalik ka na sa piling namin. Miss na miss na kita.." sambit ni Bambam at tila naluluha naman si Fuma.."Kung alam mo lang, ginagawa ni Mark ang lahat-lahat ng kaya niyang gawin para mahanap ka. Nahanap nga niya yung katawan mo pero tulog ka naman. Wag naman siyang pahirapan o'?!! Wag mo naman kaming pahirapan Fuma.."
"Bambam.."
"Bumalik na ka dito Fuma.. Ayokong kalimutan ka! Yung lahat ng mga pinagsamahan natin, dadagdagan pa natin yun!" sambit ni Bambam na tila naiiyak ang boses.."Magagawa lang natin yun kapag bumalik ka na dito.. Please! Bumalik ka na baby ko.. O' SHET SORRY naiiyak ako.. CUT! CUT! CUT!"
(Mark's P.O.V)
"Akin na nga yan!" sigaw ko sabay agaw ng gintong ngipin kay Bambam.."Wala ka sa shooting para mag-cut!!"
"Sorry naman!" bulalas ni Bambam na biglang nagmukmok sa sulok.."Tinutulungan na nga kitang humiling ang arte mo pa?! hmpf! PANGET PANGET PANGET!"
"Hay naku.." narinig kong sambit ni JB.."O' tapos na ba kayong humiling?"
Napatango na lamang ako. Pero nakaramdam ako ng pagkadismaya nang makita kong walang nagbago sa kulay ng ngipin..
"Ginawa na natin ang lahat.." sambit ko sabay tayo at akmang ihahagis sa bintana ang ngipin.
"HEPHEPHEP!!" sigaw ni Junior sabay awat sakin.."Mahirap maghanap okay?!! Akin na yan at itatago muna natin sa garapon.."
Napabuntong hininga na lamang ako sabay abot ng gintong ngipin kay Junior..
"I know it'sbeen a long day for all of us.." sambit ni Sonia.."Can we just get some rest?"
Nagkatinginan na lamang kaming lahat at tumango..
"Ako na muna ang magbabantay kay Fuma.." sambit ko.
"Wag na Mark, ako na lang muna.."
"Pero JB?..""Mark masyado ka ng pagod.." sambit ni lider sabay tapik sa balikat ko.."Magpahinga ka naman kahit konti.."
"Salamat tay.." nakangiting sagot ko.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Imbes na umuwi ay naisipan ko na lang munang pumunta sa simbahan..
Umupo ako sa pinaka-unahang parte ng altar at dahan-dahang lumuhod..
"Lord, aminado naman po akong hindi ako madasaling tao.. pero sana pagbigyan niyo naman po ako sa hiling ko.
..
...
May nakilala akong isang babae, akala ko nga po ng una isa siyang baliw na nakatakas sa mental..
Pero hindi ko akalaing napaka-espesyal niya palang nilalang..
Binago niya ang buhay ng mga kaibigan ko't mga mahal ko sa buhay.. Pati ako nabago niya..
..
...
Habang lumilipas ang mga araw na nakakasama ko siya, hindi ko namamalayang siya na pala ang dahilan ng pag-ngiti ko. Ibalik niyo na po siya sakin.. gisingin niyo na po siya.. PAKIUSAP..
..
...
Ang o.a. ko na po ba Lord??.." natawa na lamang ako sa sarili ko.
ANG DRAMA KO NA PALA THIS PAST FEW DAYS..
YOU ARE READING
FUMA027
FantasyFUMA027 by yamadarie Mark Yuan (normal teenage boy) suddenly meets a girl with a very mysterious identity, Fuma (whom he believed is an alien or what he calls UFP: Unknown Foreign Person) in a bridge. He is bound to help her to fixed ten peo...