#Fear 4: Anti-Fear Society

6K 165 10
                                    


#Fear 4: Anti-Fear Society


Xenzel's POV

"Good morning." Bati ko sa roommate ko. Anlaki nitong room namin. Parang room sa isang hotel.

"Good morning." Sagot din niya sabay ngiti.


Dalawang estudyante lang ang nasa kada kwarto kaya dalawa lang kami dito. Mayroong tatlong building yung girls' dormitory at tatlo din para sa boys. 15-storey building lahat at may 20 rooms sa bawat floor.

Sentralisado ang aircon sa loob at labas ng kwarto. Pwede rin itong maglabas ng mainit na hangin, at kakailanganin namin 'yon kapag freeze season. Mayroon kasing kakaibang season itong Serlande. Tuwing November papuntang February, napakalamig ng hangin at nababawasan ang liwanag ng sikat ng araw. Wala namang snow, pero napakaginaw pa rin.

Nasa room 12-07 ako. 12th floor, 7th room. Yan yung coding eh.


"Hapon din ba class mo ngayon?" Tanong ko sa kanya habang inaayos yung comforter ng kama ko.

"Uhh, hindi. Ngayong umaga na yung class namin." Mahinhin niyang sagot sabay pasok sa banyo. "Mauna na'kong maligo ah?"

"Sige, sige. No problem." Nakangiti kong tugon sabay upo sa kama ko.


At least naman mabait yung roommate ko.


Hindi ko pa nga pala natatanong kung ano yung pangalan niya...


Kinalikot ko na lang muna yung cellphone ko dahil wala akong maisip gawin. Hindi pa naman ako nagugutom at tinatamad pa'kong lumabas at mag-ikut-ikot sa dorm.


Basta napakaganda at napakalinis nitong dorm namin. Pastel color pa yung motif.


Maya-maya'y lumabas na sa banyo yung roommate ko. Naka-uniform na siya.


"Ay, oo nga pala, ano pala pangalan mo?" I asked her with a smile.

"Olivia Tan." Humarap siya sa salamin at inayos niya yung coat niya. "Ikaw?"

"I'm Xenzel Crusiano."

"Nice name." Sinukbit na niya yung bag niya at dahan-dahan siyang tumungo sa pinto. "Mauna na'ko ah?"

"Ingat ka."

"Ikaw din." Bulong niya sabay labas.


Wew. Medyo weird yun.


Biglang nagring yung phone ko. Si Nem, tumatawag.


"Hello? Good morning." Nakangiti na naman ako.

["Girl! Maaga tayong pumunta sa school mamaya ah? Dun na tayo maglunch!"]

"Ah, sige. Copy."

["See you! Bye!"]

"See you! Ingat!"

["Yeah, you too!"]


Ibinaba na niya yung tawag.

Ghosts and GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon