Sabado ngayon at isang linggo na rin mula nung nadapa ako sa harap nung lalakeng yun. Pagkatapos ng kahihiyang yon, pinangako ko sa sarili ko na hinding hindi na talaga ako sasama kay Leah sa mga tapings pag nag-aya siya. Buti nalang hindi siya gaanong nangungulit kasi boyfriend na niya inaatupag niya ngayon. Salamat naman.
Mag-isa ako ngayon. Walang pasok. Walang magawa. Shopping? Why not. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakalabas mag-isa. At tutal naman, matagal-tagal na rin akong hindi nakakapagbasa ng love novels, bibili akong aklat ngayon. Regalo ko na rin sa sarili ko kasi naging mabait naman ako ngayong linggo. Inayos ko na ang sarili ko. Pagkatapos kong magbihis, diretso agad ako sa mall.
Lakad. Lakad. Lakad. Ang sarap ng ganito. Walang ganong inaalala sa school. Ah oo nga pala. Nakalimutan kong sabihin sainyo. Nag-aaral pa ako. 3rd year BS Development Communication student sa UPLB. At kung tinatanong niyo kung paano ako nakakapunta sa tapings kasama si Leah, weekly akong umuuwi sa bahay namin. Originally, Leah and I are both from QC and we’re bestfriends since high school. Kaya ayun. Back to the story, ang sarap nang ganito. Walang gaanong inaalala. Minsan talaga mas masarap ang mag-isa. Nagkakaroon ka nang time para makapag-isip-isip tungkol sa kahit ano lang.
Nasa tapat na ako ng National Bookstore. Huminga ako nang malalim at nakangiting pumasok. Excited na kasi talaga akong makabili ng libro. Ang tagal kong hindi nakapagbasa. Mahilig kasi ako sa mga love stories. Bakit? Kasi ina-allow nila akong mangarap. Ina-allow nila akong maniwala na totoong may fairytale. Na totoong may magic. Na totoo ang love.
Nakapili na ako ng aklat. Diary ng Pangit Book 3, natapos ko na kasi yung books 1 and 2. I’m planning to finish reading it tonight, as in tonight. Eh excited eh. Ganun talaga ako, nave-vain sa pagbabasa minsan. Hilig ko kasi. After ko bumili nang book, kakain na ako, ng maraming marami. Napagdesisyunan kong wag nalang sa loob ng mall kumain, masyadong crowded. Nagdiretso ako sa isang malapit na restaurant, at take note, hindi ito puchoo puchoong restaurant ha? Marami namang natira sa allowance ko so okay lang. Edi umorder ako. Kain ng kain. Nang biglang may pumasok na lalake. Nakatalikod siya. Pero kilala ko yung likod. Nang humarap, gusto kong lumundag sa saya
“Caleb?” Nakangiting bulong ko. Maya-maya pa, napatingin din siya sakin. Ngumiti siya at lumapit.
“Julianne? Ikaw na ba yan?” tanong niya
“Caleb. Ikaw pala.” Sagot ko.
“Wa-wow!” he hugged me. Hindi ko alam pero para akong posteng hindi makagalaw. I’m just so happy. It’s been two years at ngayon nasa harap ko na siya, yakap-yakap ako. Inalis niya pagkakayakap sakin. “You alone?”
Tumango lang ako. Shet! Bakit hindi ako makapagsalita?
“Sakto. Mag-isa lang din ako. Pwede namang sumabay sayo diba?” tanong niya.
Tumango lang ulit ako at umupo na kami. Julianne magsalita ka. Diba marami kang tanong sakanya? Diba marami kang gustong sabihin. Matagal mo na tong pinaghahandaan hindi ba? Bakit hindi ka makapagsalita?
Si Caleb lang ang nagsasalita the whole time dahil hindi talaga ako makapagsalita. Tango lang ako ng tango. Pero alam mo kung saan ako pinaka nagtataka? Salita siya nang salita pero wala man lang siyang nababanggit na tungkol sa usapan namin 2 years ago. Gustung gusto kong itanong sakanya yun pero hindi talaga ako makapagsalita. I don’t know where to start. I’m tongue-tied and I don’t know why.
“Bakit hindi ka nagsasalita?” tanong niya. Napansin din sigurong hindi ako makapagsalita. Siguro ito na talaga ang oras para magkalinawan na.
“Amm. Caleb may itatanong ako.”
“Ano yun?”
“Ano nang nagyari sa-“ Hindi ko pa natatapos tanong ko nang nag-ring cellphone niya. Tinignan niya kung sino.
YOU ARE READING
My Superstar Boyfriend
RomanceSabi nila mahirap mahalin ang isang taong malapit nga sayo pero hindi ka naman makita-kita. Sabi nila mahirap mahalin ang taong may mahal ng iba. Pero sa labing anim na taon kong pakikipagsapalaran sa buhay, may isang bagay akong natutunan tungkol s...