"OMG! What happened to her?!"
"Is she okay?"
"Hindi nga gising eh, tapos tatanungin mo kung okay ba siya. Tanga kaba?"
"Lahat kayo! Magsitabi. Kailangan na niya agad ng CPR bago siya maubusan pa ng hininga!"
"Ako"
"Ako nalang!"
"AKO NA! Princess?!"
Naririnig ko ang mga bulungan nila. Pero ang mas inintindi ko ay si Keith. Siya lang yung narinig kong pamilyar na boses. Hindi parin ako dumidilat.
Naramdaman kong tinatapik niya yung pisngi ko at pinipilit akong gisingin.
"Princess wakes up!"
"Princess!"
"Please, wake up"
"CPR mo na kasi siya Keith! Kailangan na niya ng hangin!"
"Pero nirerespeto ko siya"
"Anong nirerespeto?! Sige respetohin mo siya pag nawala na siya. Bilis na bago mahuli! Agaran dapat ito!" Narinig ko naman sigaw ni Zion
"Sorry princess"
OMYGOSH!
Hahalikan ba ako ni Keith?
Malapit na ba?
Teka! Babangon naba ako para hindi matuloy?
Pero bakit ang tagal?
Wala akong nararamdaman na dumampi sakin.
"Tsh! Wag mo na ituloy iyan Keith. At ikaw Sab? Tama na ang arte. Tumayo kana diyan, at ipag timpla mo ako ng kape" napantig ang tenga ko nung marinig ko ang boses ni Kaiden. Kaya dahan-dahan ko nang dinilat ang mga mata ko at umubo. Baliw ba siya? Muntik nakong mamatay, gusto niya pang ipag timpla ko siya ng kape? Lagyan ko ng asin yun eh.
"Princess!" Bigla naman akong napaupo at niyakap agad ako ni Keith
"Okay ka lang ba?"
"Medyo--"
"Saan masakit?"
"Sa--"
"Gusto mo dalhin kita sa doctor?"
Tanong siya ng tanong. Hindi manlang ako pinapatapos ng loko, kaya binatukan ko siya.
"Mukhang okay kana. Nambabatok ka na naman eh" sambit niya at nag pout.
"Thankyou, Keith!" Sabi ko din at niyakap siya. Nakasiksik lang yung mukha ko sa leeg niya. Duon ko pinipigilan ang pag iyak ko. Nagsialisan narin yung mga tao.
"Shh, wag mo ng pigilan princess. Umiyak ka lang. Maaayos din ang lahat ng 'to" sabi ni Keith at ginulo yung buhok ko. Habang ako ay nakasiksik parin sa kanya. At tuluyan ng bumagsak ang mga luha kong kanina pa gustong kumawala.
Ang sama sama ni Kaiden. Hindi manlang ba niya naisip na baka mamatay ako kapag iniwan niya ako? A-alam ko naman na ayaw niya sakin. P-pero gusto ata niya akong patayin eh. Nakita naman namin kung paano lumangoy si Zoey kanina. Maayos naman siya nun ah. Ang bilis pa nga niya eh. Tapos malulunod siya?
Iyak lang ako ng iyak. Lahat ng takot ko sa tubig naalala ko na naman.
"K-keith. Wag m-mo akong *sobs* iiwan ah *sobs*" sabi ko kay Keith
"Oo naman princess. Nandito lang ako lagi sa tabi mo" sabi niya at inalalayan akong tumayo.
Hinubad niya yung t-shirt niya. At ngayon ay naka half naked na siya. Kumakaway sakin yung abs niya.
BINABASA MO ANG
The One
FanfictionMaria Sabrina Collins ang babaeng fan ng grupong 'The Bad Boys Band' na kinabibilangan ng kanyang kuya na si Seth Collins. Ang bumubuo sa banda nila ay sina Keith Montefalco, Pierce Navarro, Seth Collins at si Kaiden Anderson. Kasama niya ang kanya...