Isa sa mga rason kung bakit ko gustong mawala. WALA NA AKONG MAAASAHAN. Masakit talaga ang mawalan, kahit man lang isa sa kanila, walang natira.
Pero hindi ko alam kung bakit ako naniniwala kay A, sa limang rason na mabibigay niya sa akin. Hindi ko pa lubos na kilala si A, ni totoong pangalan nga niya ay hindi ko alam. Pero para bang pinadala siya ng nasa taas, para ipakita sa akin ang tama.
Oo, hindi ko kinalimutan ang Diyos. Noong una nagdadalawang isip ako kasi parang hindi niya ako sinasagot sa lahat ng pagsusumamo at paghiling ko sa kanya, pero nabulag lang pala ako ng galit at sakit.
“A, naniniwala ka ba sa Diyos?” na tanong ko sa kanya habang nakahiga ako sa damo, nagsastar gazing kasi kami.
“Syempre. Bakit mo natanong?” sagot niya habang nakahiga sa tabi ko.
“Kasi A, ako? nagdadalawang isip ako tungkol sa Kanya.” Sabi ko sabay nakaturo sa kalangitan.
“Mira, pangatlong rason, Siya.”
Hindi ko mapigilang tumingin sa kanya sa sinabi niya, predictable na sasabihin niya yun sa akin kasi siguradong isa siya sa mga rason. Isa sa mga pinaka malaking rason.
“Mira, alam mo ba, lahat ng bagay o pangyayari sa mundo planado niya?” tumango ako.
"May-ikwekwento ako sayo. Parehas tayo noon, nagdadalawang isip ako dahil sa kanya kasi maraming bagay sa mundo na kahit ayaw mong maranasan, kailangan. Para maging handa ka. Kasi sa mundo, walang FOREVER na lang lahat, INFINITY na lang lagi. Forever lasts as long as your life does but people are very hopeful that the afterlife will be better. Life is short, Mira. Kaya lahat ng pangyayari pinagkasya ng Panginoon para maranasan mo lahat, walang exemptions, walang skip o pass Mira, that’s life and life is God’s masterpiece, You are God’s masterpiece so don’t waste it, Mira. Mas fortunate ka kaysa sa iba, Mira”. You may say it’s unfair kasi yung iba buo ang pamilya, pero Mira buo nga ang pamilya nila, pero baka di sila nagmamahalan o kaya naman wala silang oras para sa isa’t isa. You lived happily with them, ni minsan walang nangyari na pagkasira sa pamilya niyo. You’re lucky Mira kasi God gave you all the chances you needed.”
Sabi niya sabay hawak sa kamay ko, pulling me into a tight hug.
“Reason number 3, Him.”
----------------------
Pangatlong reason pa pala toh? Ahaha feel na feel ko tong Chappy na toh! Praise God! :D God is always the biggest reason! :)
Hope you enjoyed this chapter! I know i make very short chapters pero i promise puno toh ng effort at thoughts so yun! Love lots!
BINABASA MO ANG
5 Reasons Why.
Historia Corta|TAGALOG| "wala na akong rason para mabuhay." "Mali ka, Mira. Merong rason. Ipapakita ko sayo. I'll give you 5 reasons why." disclaimer: pure fiction toh guys! yung mga names ginawa ko lang. haha. please don't associate with any real person dead or...