Hate 04

12 0 0
                                    

Unknown

Naglalakad ako ngayon. Hindi ko alam kung nasaan ako basta lakad lang ako ng lakad.

Habang naglalakad ako, bigla akong tumigil.

May sampu ata na tao ang nasa harap ko. Yung mga tao sa harap ko... Ang bubuti nila. Ang babait nila sa akin. Nakatingin sila sa akin. Yung mga tawa, ngiti, ang sincere. At yung mga mata nila...

Huh? Bakit ganun? Bigla silang dumilim? Bigla na lang sumama ang tingin nila sa akin?

Nagulat ako nang pinagtatawanan na nila ako. Ba-bakit...?

Tumingin-tingin ako sa paligid ko, napapalibutan nila ako!

Tawa... Tawa... Tawa lang sila nang tawa sa akin.

"T-tama na! Tama na!"

Tumakbo ako. Takbo lang ako ng takbo habang sila sinusundan ako na hindi pa rin tumitigil tumawa. May nakita akong puting pinto.

Nung makapunta na ako sa puting pinto binuksan ko ito kaagad. Pero nagulat ako...

"Hey."

Namalayan ko na lang na pinagpapawisan pala ako.

"Nightmare?" tumingin ako sa kaniya. Si Kevin.

Panaginip lang pala.

Bumangon ako. Ini-stretch ko ang leeg ko. Nandito pa pala ako sa condo ni Kevin.

"Kain ka na." alok niya.

Habang kinukusot ko ang mata ko nagsalita ako, "hindi na. Anong oras na ba?"

"4:53 am."

Pagkatapos 'kong kusutin 'yong mata ko, tumayo na 'ko, "uwi na 'ko. Mamaya uuwi na si Mama." naglakad ako, at kinuha ko 'yong bag ko sa upuan kaharap lang sa kama ni Kevin na nakadikit sa dingding. Papalabas sana ako nang bigla siyang nagsalita.

"Are you sure you don't want to eat breakfast?" pag-aalok niya ulit.

"Ayaw ko nga. Mamayang bago mag-6 dadating na si mama. So ang commute ko dito papunta sa bahay namin ay 35 minutes. Maglalakad pa 'ko." asar kong sabi. Kainis e. Tumalikod ako, sinuot ko na ang bag ko at naglakad na ko para lumabas sa condo ni Kevin.

"Ok ok. Hatid na lang kita sa labas ng building." humarap ulit ako sa kaniya. Haay! Kainis! Ang kulit naman!

"Hindi ba sabi ko ayaw ko? Ayaw kong may kasama ako ngayon. Hindi ako bata para ihatid mo ako. Hindi pa ba sapat 'yong nangyari sa atin kagabi?" tumingin ako sa kaniya nang masama.

"Ok ok. Hindi na. I don't want to argue with you again."

"Good." sabay talikod ulit sa kaniya at nagpatuloy na 'kong naglakad papalabas ng condo niya.

***



Olivia

Habang nagsastudy ako, bigla akong napatigil sa pagsusulat ko. Nakita ko ang grand piano namin na nasa may bandang ilalim ng malaking hagdanan namin.

Haay. Hindi ko naman siya nakikita sa gilid ng mata ko o wala naman siya sa harap ng mata ko. Sadyang malikot talaga ang mata ko. I'm easily distracted like my mother.

Habang tumitingin ako sa piano bigla kong naalala si kuya.

I miss him so much.

Siya ang nagturo sa akin kung paano magpiano. He's a great musician kahit hindi siya masyadong sikat, napakagaling niyang mag-experiment ng music. I am a number one fan of him.

Pumunta ako sa grand piano at umupo ako.

Binuksan ko ang takip ng keys ng piano at tumingin ako ng diretso, "kuya, pa-play ah? Kakanta lang ako." at ngumiti ako. Nagsimula na ako tumugtog.

"I'm five years old
It's getting cold
I've got my big coat on

I hear your laugh
And look up smiling at you
I run and run"

Naalala ko sila si Papa nung nasa Finland kami noong 7 years old ako. Napakalamig doon, at niyakap niya ako dahil nanginginig ako sa lamig at hindi pa ako sanay sa napakalamig na klima doon.

"Past the pumpkin patch
And the tractor rides
Look now -- the sky is gold
I hug your legs and fall asleep
On the way home

I don't know why all the trees change in the fall
I know you're not scared of anything at all
Don't know if Snow White's house is near or far away
But I know I had the best day
With you today"

Naalala ko dati nung nasa Yorkshire, England kami, tinanong ko si mama kung bakit nagpapalit ang mga dahon sa puno kapag autumn season. Sabi niya, "kasi autumn season na. Every year nangyayari ang autumn dahil may four seasons. At kapag malapit na ang winter, ang mga dahon ay unti-unti silang nalalagas."  at ngumiti siya sa akin.

Pero may dinugtong doon sa mga salitang 'yon si mama, na hindi ko talaga makalimutan.

"Parang tao lang, bawat taon nagbabago sila nang hindi nila namamalayan. Pero sinasabi nila sa sarili nila na natuto lang sila sa mga nararanasan nila sa buhay. Pero mali sila, habang lumalaki tayo, nagbabago tayo. Habang may natututunan tayo, nagbabago tayo. We all change in every second. And if we change ourselves," sabay binuhat niya ako, "we also change our future."

"Mama, hindi kita maintindihan."

Humagikgik si mama, "maiintindihan mo din kapag malaki ka na," sabay kinurot ni mama 'yong ilong ko, "kung natatandaan mo pa." sabay ngiti sa akin.

Oo, una hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi noon ni mama kasi ang lalim e at bata pa ako nun. Pero habang unti-unti akong nagkakamuwang sa paligid ko, naiintindihan ko na siya.

"I'm thirteen now
And don't know how my frie..."

Bigla akong napatigil sa pagtugtog dahil alam kong umiiyak na 'ko.

So, ganito pala ang nararanasan ko ngayon. Kaya pala... Kaya pala unti-unti din akong nagbabago dahil sa nararanasan ko ngayon.

Habang umiiyak ako, naglakad ako papunta sa sofa kung saan ako nagstudy kanina. Umupo ako.

Bakit kasi ganun? Ang daya ng buhay. Lahat na lang ng importanteng tao kinukuha sa akin.

Iyak lang ako ng iyak. Humahagulgol na ako sa iyak.

Naintindihan ko na, mama. Naintindihan ko na ang sinabi mo noon. Pero ang hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyo pang mawala nila Kuya at Papa. Puwede naman kasi magbago na hindi kayo nawala sa akin. Na nandito kayo sa tabi ko.

Ang daya talaga.

At hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 03, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon