Prologue

978 39 2
                                    

Prologue

Sabi sakin ng isang kaibigan, kapag nasaktan ka ng isang beses wag mo nang hayaan pang sundan ng isa pa ang pananakit sayo.

One heartache is enough to realize that you should not trust trully again. Mahirap ang masaktan... Sobrang sakit at parang gusto mo na lang na ibaon na lang sa lupa para wala nang makakita sayo na nasasaktan ka na at tawagin ka pang 'yan ang tanga mo kasi, naniwala ka agad!' How could they ever say that? Are they even on that situation?

Pero hindi naman yun ang dahilan para tumigil ang puso at utak mo na magmahal muli. You can't blame your heart if someone appear and just easily got your heart easily like that...

Napailing ako sa mga sinusulat ko. I can't believe I've been writing this thing pero sa totoo naman wala pa akong lovelife. No boyfriend since birth at ni manliligaw wala. I have friends but never advice them with love shit.

Nilakumos ko ang papel at agad na tinapon sa basurahan. Sakto naman 'yung shumoot kaya napangiti ako. That's better, those notes are trush- trash in rush. Not good for an essay about love. At sigurado naman akong hindi yun tatanggapin ng prof ko sa Filipino dahil sa pangit na nga ang pagkakasulat may mga English words pa.

Natigilan ako nang tumunog ang message alert tone ng phone ko. Nanliit ang mata ko nang mabasa sa screen ang pangalan ng nagtext.

Achilois:
Vereen... Please help me to Xeira. Ililebre kita ng...

Napaikot ako ng mata at binuksan ang message niya matapos kong iunlock ang screen. Binasa ko ang buo niyang text na para sa akin parang isang buong essay na may one hundred words.

Achilois:
Vereen... Please help me to Xeira. Ililebre kita ng fries at burger kapag nailakad mo ako sa kanya. I want her to notice me again. Hindi yung kapag nakikita niya nga ako sa school kaso iniisnob naman ako. Alam kong hindi dapat iniisnob ang kagwapuhan ko pero nakakasobra na eh. Dinadalhan ko na nga ng flowers sa room niya at sa desk niya pa araw-araw pero hindi naman ako pinapansin. Please, just for this set her up for me to adate... Can you? Please please? Jeballo?

Napangiwi ako at halos gusto ko nang isungalngal sa kanya ang phone na hawak ko kaso nga lang nakakadiri yun.

Me:
Not interested. Hindi ako tulay ng kung sino.

Akala ko hindi agad marereply pero agad na nagbeep ang phone ko.

Achilois:
Kaklase naman kita sa isang subject at isa pa naging friends naman tayo eh! Kaibigan mo si Xiera kaya matutulungan mo ako sa kanya. Please Vereen... Ilelebre talaga kita...

Me:
Busy ako.

Achilois:
Wow! Busy ka? Nakikita kita sa school at wala ka namang ginagawa. You could use that time to talk to your friend.

This man is really pain in the ass. Ako pa talaga ang ini-stress. Eh sa wala nga akong pakialam sa kanilang dalawa at isa pa, siya ang lalaki siya ang lumapit at nagpapatulong pa talaga sa akin samantalang hindi ko naman ka-close!

Hindi ako nagreply sa kanya. Bahala siya sa buhay niya. I'm not sticking my nose to someone's business especially about that love thingy.

Kumunot ang phone ko nang nagvibrate tong muli.

Achilois:
If you won't help me, hindi kita papansinin sa buong buhay mo!

Mas lalong kumunot ang noo ko sa text niya. Ano bang pakialam ko doon?

Achilois:
At isa pa, sasabihin ko sa Papa ko na ipull out ang scholarship mo kapag hindi mo ako tinulungan.

Achilois:
So ano na? Tutulungan mo ba ako o gagawin ko ang mga tinext ko? Mamili ka.

Me:
Ayoko.

Tinulugan ko na lang ang mga text niya kung meron pa man. Sa lahat ng mga sinabi niya alam kong hindi niya naman yun gagawin. Hindi ako naniniwala.

I wake up in the morning not touching my phone. Mamaya na para hindi agad ako mabadvibes sa kung ano pa ang pinagsasabi niya.

I just want peace in my life. Yung tahimik at walang epal. Hindi ko na ulit uulitin ang katangahan ko noon. Seeing a man... Almost falling inlove them boom leaving me hanging. Buti na lang at kinapos ako sa pagmamahal kung hindi baka nagdurugo na rin ang puso ko ngayon katulad ng ilan na nangyari sa 23rd days of month.

Wala sa sariling napatingin sa labas ng bintana at halos lumuwa ang mata nang makita ko ang isang pamilyar lalaki na nasa harap ng bahay namin habang may hawak na phone.

Napatingin ako sa phone ko at nakitang ilang beses na umilaw iyon.

Bakit ang kulit niya at napunta pa talaga sa bahay namin? Ganun ba siya kadesperado?

So now Vereen... What will you do with this huh?

First Love To Last (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon