Chapter 1
Start
Kunot noong nakatingin ako sa labas ng jeep habang nasa unahan at hinihintay ang pag-usad nito. Walang trapik katulad ng nangyayari sa pang-araw-araw dahil sobrang aga pa at di pa rush hour pero kailangang huminto para padaanin ang tatlong ambulansyang sobrang bilis. First time ko rin na makakita na tatlong ambulansya ang nag-uunahan para madala ang ilang pasyente sa ospital.
"That's weird..." I sighed under my breath then rest my back on the slightly hard seat.
"Mukhang marami atang naaksidente..." Rinig kong sabi ng nasa likod ko at bahagya pang lumapit paunahan habang siya nasa likod ng frontseat ng jeep. Umirap ako sa kanya dahil sigurado akong ako ang kausap nito.
"Sa tingin mo Vereen, car accident ba o orgy accident matapos na pagbabarilin ng mga pulis dahil nagdadrug sessi-"
Tinakpan ko ang tenga ko gamit ang headset ko. Narinig ko ang malakas niyang tawa. Umirap ako bago pinatugtog nang malakas ang kanta. I'm fond of Kpops. Basta gusto ko lang marinig ang songs nila kahit na wala akong maintindihan basta ba marinig ko lang ang boses ng paborito kong Kpop idol. Anyway, this is better kesa naman marinig ko pa ang mga sinasabi niya. Hindi ko siya gusto kahit na noon pa man. Ayokong mapalapit sa kanya pero siya tong peste lapit nang lapit. He doesn't like me too but he doesn't had a choice. Ako lang ang tanging kakilala niya na malapit sa apple of his eye, Xiera Heil Martinez na kaibigan ko.
Xiera and I are friends since highschool until now that we're college students second year. Sa totoo lamg sa tagal ko nang kasa-kasama si Xiera, ngayon lang siya nailang sa mga lalaki. Ayaw niya ng manliligaw dahil yun raw ang dahilan kaya nagugulo ang tahimik niyang buhay. Ayaw niya sa lalaki dahil nasaktan na siya ng isang beses at ayaw na niyang maulit pa yun. Kaya siguradong kapag nalaman niyang may isang makulit na siraulong lumapit pa sa akin para tulungan na ligawan siya baka kung ano pa ang mangyari at isipin niya sakin. But I'll tell her later again about this Achilois Montero that keep nagging me for the whole one month. Nakakainis na ah!
Bumaba agad ako ng jeep nang huminto at pumara ako. Binilisan ko ang paglalakad dahil baka maabutan pa ako ng pesteng iyon. Pero bago pa ako makapasok ng gate, ayun at nauna pa sa akin at hinintay pa ako sa pagpasok ko habang hinihingal. Ngumisi siya at bahagyang kumaway.
"Oh Vereen? Nandito ka na pala!" Aniya habang hinihingal.
Inirapan ko siya at nilampasan siya. Ang kapal talaga ng apog ng isang to.
Naramdaman kong sumunod siya at patakbo takbo paharap sa akin. Ngising-ngisi at talagang nakakainis. Gwapo raw si Achilois, sabi nila. May lahi kasi itong Half British at Half American. Hindi na ako magtataka kung may mga estudyanteng siya lang ang gustong makita sa umaga, sa tanghali, sa gabi.
But I'm not like them who's very interested with such kind of face. Attitude is much better. And I don't like Achilois' attitude. He's makulit.
Inayos ko ang magulo kong buhok nang makapasok ng room. Maaga ako ng thirty minutes pero may ilang estudyanteng papasok at palabas. Ganyan naman palagi kapag maaga, students likes to roam around the hallway, laughing their ass off and chitchats. Wala akong kaibigan sa subject na to dahil gusto kong mag-isa sa pinakahulihan at tahimik. Halo ang second year at first year sa subject na to at halos hindi ko naman sila kilalang lahat. I don't even care anyway.
"Someone's coming girls! It's yummy Achilois!"
"OMG!"
Oh God. Napayuko ako sa desk ko at nagpanggap na tulog. Sana, hindi siya gumawa ng eksena sa room namin... Sana katulad ng palagi niyang ginagawa, iisnob niya ako tutal namin stranger kami sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
First Love To Last (COMPLETED)
Teen FictionHe's my first love and he's my last... She's my last love and first to last... Highest rank #256 in Teenfiction out of 72.6k stories #50 in Text