May mga panahon talaga sa buhay natin kung saan maswerte tayo. Yung tipong lahat ng gusto mo, nasayo na. Pero syempre, hindi parating ganun, may mga problemang darating sa buhay ng bawat isa sa atin.
Ako, kung tutuusin, sobrang swerte ko na kasi mula pagkabata, lahat na ng gusto ko, nakukuha ko na. Kaya siguro sinadya ng pagkakataon na tapusin ang swerte ko.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ito normal na araw lang ngayon at yung apat kong kaklase ko na malalapit ko ring mga kaibigan ay nagkita dito sa tambayan namin. Nagpapasalamat ako na naging kaibigan ko sila dahil sa kanila ko naranasan ang mga bagay na nagparamdam sakin na dapat kong sulitin ang buhay ko dahil maiksi lamang ito.
"Oh pre may gagawin ba tayo sa mga klase natin ngayon?"
"Sa pagkakaalam ko wala naman."
"Ano tara DOTA?"
"Sige gusto ko yan!"
Ang naguusap na yan ay sina Axel at Harold. Isa sa mga pasimuno ng gulo sa klase pero mababait naman sila. Kapag may problema ako parati nila akong natutulungan.
"Saglit lang nasan na nga pala yun si Cyrus? Akala ko ba pupunta siya dito?"
Yan naman si Ross, boyfriend ko. Gwapo, matalino, may kaya, mabait, maalaga, lahat na ng magagandang salita masasabi mo sa kanya. Nagkaroon kami ng malaking problema dati kaya naging maayos na talaga ngayon ang relasyon namin. Ngunit maayos nga ba talaga?
"Ross, Xel, Rold! Sensya nalate may ginawa pa ko eh. Ano may gagawin ba tayo ngayon?"
"Wala naman Cy kaya napagisipan namin na magDOTA nalang."
"Ay sige sama ako!"
"Sige sige tara!"
Yang bagong dating na yan ay si Cyrus. Matalik na kaibigan siya ni Ross pero medyo may lamat na ang pagkakaibigan nila dahil sa problemang nangyari noon. Oo, naging parte si Cyrus sa problema. Actually, pati sina Harold at Axel ay kasama. Ng dahil sa problema noon ay naging magkakaibigan kami pero minsan talaga yung mga akala mong kaibigan ay hindi na pala kaibigan ang turing sa'yo.
"Oh nga pala, nasan si Shai?"
"Oo nga Ross, girlfriend mo asan?"
"Ayun, nasa ospital daw sabi ni Vince at Irish. Inatake nanaman daw kasi kagabi.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
Si Vince, Irish at Ray ay kasama sa mga taong pinapahalagahan ko talaga. Nakababatang kapatid ko si Vince at isang taon ang pagitan naming dalawa. Si Irish naman ay ang matalik kong kaibigan simula nung elementary. Si Ray naman ang boyfriend ni Irish na naging matalik na kaibigan ko rin.
"Naaawa na ko sa kapatid ko, nahihirapan na siyang tapusin ang pag-aaral niya."
"Kaya niya yan Vince. Alam mo namang malakas yan si Shai, kakayanin niya lahat ng pagsubok sa buhay niya."
"Hay, sana matapos na agad yung paghihirap niya. Nag-aalala na nga ako pati kay Ross eh. Hindi na sila masyadong nagkikita ni Shai, sigurado akong namimiss na nila ang isa't isa."
"Kaya nga eh pero makakayanan yan nina bes at Ross. Nakayanan nga nila yung dati eh, ito pa kaya?"
"Sa bagay. Hay."
Maituturing ko silang tatlo na mga swerte sa buhay ko at sobrang nagpapasalamat ako sa kanila.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
LUCK [ONE SHOT]
Short Story"Mas gusto ko naman kasi na makasama yung taong mahal ko kahit na nasasaktan ako kesa naman sa taong pinapasaya nga ako at hindi pinapabayaan pero hindi ko naman mahal."