Allhi's Pov:
Papasok na ko sa school ngayon. Hanggang ngayon iniisip ko pa din sinabi ng principal sa akin. Totoo kayang tutulungan niya ako malutas yung sa kaso ni Stephen at Aimee?
"Goodmorning Allhi! " masayang bati sakin ni Jessa. Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa classroom.
"Goodmorning din Jessa" Sabi ko sakanya.
Pagkaupong pagkaupo ko may lumapit sa akin na estudyante.
"Allhi pinapatawag ka ng principal. " Sabi nito
"Sige. Salamat" Sabi ko sakanya na tinanguan niya lamang.
"Uy! Allhi bat ka daw pinapatawag? " tanong ni Jessa.
"Hindi ko alam. " Simpleng sagot ko dito tsaka walang paalam na umalis.
Habang naglalamad ako iniisip ko kung bakit nga naman ako pinatawag. Siguro may itatanong sakin. Pinagsawalang bahala ko nalamang iyon kasi malalaman ko din naman iyon.
Pagdating ko sa office ng principal kumatok muna ako bago pumasok.
"Goodmorning po. " Bati ko dito
"Goodmorning din Allhi. " Sabi niya "Upo ka. "
"Uhm. Bakit niyo po ako pinatawag? " tanong ko
"Hahanapin natin ang killer nila Aimee at Stephen. " Sabi niya
"T-talaga po?" Mautal utal kong sabi.
"Yes. Once a week pupunta tayo sa mga classrooms. Kaya kita isinama kasi ikaw lang ang nakakaalam nung boses ng killer. " saad nito "Halika umpisahan na natin. "
Lumabas na kami ng office at lumakad na. Sana mahuli na namin ang pumatay sa bestfriend at mahal ko.
Nagsimula kami sa first year highschool. Dahil sa panahon ngayon kahit bata pa kaya ng gumawa ng krimen. Kami ni Jessa ay third year highschool na.
Bawat year ay mayroong dalawang sections lamang. Pumasok kami sa mga room ng 7-A.
"Goodmorning 7-A. Nandito ako para sabihin na once a week kakanta kayo ng nursery songs. " Sabi ng principal iba't ibang reaksyon ang narinig ko.
"Simulan na natin isa isa kayong pumunta sa harap at kumanta ng nursery songs. " Sabi nito muli na mabilis sinunod ng estudyante.
Iba't ibang kantang pambata ang aking narinig pati ang jack and jill ngunit hindi ito ang hinahanap namin. Natapos na ang pagkanta nila.
"Salamat 7-A. " wika ng principal at inaya na ako umalis. Tinignan ako nito, nagtatanong ang mga nito. Umiling nalang ako bilang sagot.
Ganon din ang nangyari sa kabilang section ngunit wala pa din. Second year highschool naman ang aming pinuntahan ngunit bigo pa din kami mahanap ang pumatay sa bestfriend at mahal ko.
Umakyat kami ulit para puntahan ang room ng mga third year highchool. Una namin pinuntuhanang 9-B. Tulad ng nangyari kanina bigo pa din kami. Pumunta na kami sa room ko.
Pinakanta na sila ng principal. Si Jessa enjoy na enjoy sa pagkanta. Malapit ng matapos ang pagkanta ng mga kaklase ko. Marami rin ang kumanta ng jack and jill sa mga kaklase ko. Ang huling kumanta ay ang president ng room namin.
"Jack and Jill went up the hill
To fetch a pail of water.
Jack fell down and broke his
And Jill came tumbling after. "
Bigla akong namutla tila may naalala ako sa paraan ng pagkanta niya. Pamilyar din ang boses niya. Hindi ako maaaring magkamali! Siya yon!
BINABASA MO ANG
Sanguinary Revenge
Misterio / Suspenso"Even your own shadows will leave you when darkness comes , my dear"