Guys, Maraming salamat sa mga nagcocomment ng mga typos sa story ko. Lagi kong sinasabi na 'sorry sa typos'. Please understand. No one is perfect :)
Thanks :)
*****
Chapter 14
Rules
Pasado alas sais na ng umaga nang bumangon ako. Parehong pakiramdam na naman ang naramdaman ko 'yun nga lang 'eh masakit ang balakang ko.
Napansin kong wala si Jason sa tabi ko. Napansin ko rin na may short at T-shirt na nakalatag sa may paanan ko.
Dumiretso na ako ng banyo para maligo at isuot 'yung nakahandang damit pagtapos.
Lumabas ako ng kwarto at agad naamoy ang mabangong amoy ng sinangag na nanggagaling sa kusina. Agad naman akong ginutom kaya dumiretso ako roon.
Naabutan ko si Jason na naka-apron pero topless na nagluluto. Grabe talaga ang build ng katawan niya. Ang sexy ng likod at kitang kita rito ang pagpe-flex ng muscles niya habang nagluluto.
Hindi ko tuloy alam kung saan ba ako natakam. Kung sa katawan niya ba o sa niluluto niya.
Dumiretso ako sa table at agad na umupo.
"Ahm, G-good Morning" nahihiya kong bati.
Tinigil niya ang paghahalo sa sinangag at agad na bumaling sakin.
"Sit down. It's almost done" Baritono niyang sabi.
Sinunod ko ang gusto niya. Umupo ako at humalukipkip habang hinihintay siyang matapos.
2 weeks na lang bago magpasukan. Huling semester ko na ito at siguradong magiging busy ako dahil sa OJT. Iniisip ko tuloy kung saan ba magandang mag-OJT. Ayaw ko sa kompanya namin dahil bantay sarado ako kay daddy.
I also think, where should I spend my remaining days? I don't wanna go to parties or bars. Nakakasawa. Well, I'll ask my friends regarding that.
Bumaling ako sa kanya at nakita kong tapos na siyang magluto. Sinasalin niya ang kanyang niluto sa plato.
Ang swerte siguro ng mapapangasawa netong kumag na'to. Gwapo, mayaman, at marunong pang magluto. I wonder if he also cook for his girlfriend, but nahh. Walang girlfriend ang isang 'to. Siguro ay puro flings lang na kinakama niya.
Oh crap! I almost forgot about our rules!
Nilapag na niya sa lamesa 'yung mga niluto niya. The usuals, sunny side up, bacon, ham, and hotdogs. Binigyan niya ako ng plato at sinalinan ng sinangag.
"Enough. Baka hindi ko maubos." Angal ko.
"You should eat a lot. You look thin" Aniya.
"I'm not! I'm slender!" Pagtutol ko. Tinaasan lang ako ng kilay ng mokong. Hotdog lang ang kinuha ko at nagsimulang kumain.
"You like hotdogs, huh" wika niya sa kawalan. Bigla namang nag-init ang mukha ko sa sinabi niya. Nagsisimula na namang mang-asar 'to!
"Yeah, hotdogs! Plural kasi marami!" Sabi ko sabay ngisi. Nagtiim bagang siya at nagsalubong ang kilay. Gotcha!! Haha.
Ngayon, ang problema ko naman ay kung pano ko sasabihin ang about sa rules namin. Actually, wala pa akong naiisip na rules. On the spot na lang siguro.
First time kong magkaroon ng fuck buddy. Nag-eenjoy naman ako kaya okay lang pero dapat ay maging maingat ako dahil baka madale ako neto. Pwede na siguro ang on the spot na mag-isip since may mga naisip na rin ako.
Natapos kaming kumain at hindi pa rin siya nagsasalita mula kanina. Niligpit na niya ang mga pinag-kainan namin. Parang gusto kong magvolunteer na maghugas ng plato kaso naisip ko na huwag nalang dahil hindi ako marunong sa gawaing bahay. Baka maubos lang ang mga plato at baso niya kapag ako ang gumawa no'n.
BINABASA MO ANG
My Bedroom Buddy (R18) #Wattys2017
RomanceWanna be her 'Bedroom Buddy' ? Aliyah Chear Ross' Story Read at your own risk