Kyla's POV
Hello, ako nga pala si Sofia Kyla Beatrice Garcia. Labing-limang taong gulang at nakatira sa isang village dito sa Manila. Panganay ako at may isa akong babaeng kapatid at ang pangalan niya ay si Krylle Isabelle Garcia. Hindi kami mayaman at hindi naman mahirap. Sakto lang at nakakain ng tatlong beses sa isang araw.
Well, super close kami ng kapatid ko at nagkukwento rin siya tungkol sa mga crush niya sa school. Pareho lang kami ng school na pinapasukan sa St. Isidore of Seville University. Today is June 09 and it's our first day of school. I'm a transferee dito sa school as well as my sister, si Belle. Si mommy yung maghahatid sa amin kasi wala dito si daddy kasi he is in Cebu may inaasikaso sa business. My mom is working as a secretary in a company samantalang si daddy naman ay isang businessman.
Hinatid kami ni mommy using her gray Toyota Corolla car na bagong bili ni daddy sa kanya as a gift for her birthday last week. Grabe, nakakainggit talaga ang lovestory nilang dalawa. I wish na sana magkaroon din ako ng lalaking tulad ni daddy at magkaroon din ng happy ending.
Naniniwala akong someday makikita ko rin si Mr.Right. At sa kakaisip ko sa Mr. Right ko, hindi ko namalayan na nakatulog pala ako at ginising ako nina mommy at ng kapatid kong si Belle kasi andito na pala kami sa bago naming school ang St. Isidore of Seville University at talagang namangha ako kasi napakalaki ng school hindi tulad nung school ko dati ang liit kasi nun eh. Bumaba kami ni Belle sa sasakyan at nag wave ng goodbye kay mommy.
"Bye mommy, excited na kaming pumasok dito sa bago naming school." Sabi ko.
"O sige anak, mag-ingat kayo ha and enjoy your first day in school. Make new friends! Goodluck! Love you nak!" sabi ni mommy.
"Love you din mommy!" sabay naming sabi ni Belle.
Pumasok na kami ni Belle sa school at tiningnan namin yung nakalagay sa bulletin board. Nakalista dun kung saang section kami.
"Grade 8 section Justice ako ate." Sabi ni Belle
"Grade 10 Love?? Totoo ba to? Section Love? Ang weird naman ng mga sections dito. Baka dito ko makikita si Mr.Right." sabi ko kay Belle.
"Ano ka ba naman ate wala kang forever. Pumunta na ngalang tayo sa classroom natin baka ma late pa tayo. At tigilan mo na ang kaka-isip sa Mr.Right mo. Tanggapin mo nalang na wala talagang forever. " ang nakakainis na sabi ng kapatid kong si Belle.
"Grabe ka naman, ang bitter mo! Eh baka naman kasi hindi kapa naka move on sa ex boyfriend mo kaya hindi ka naniniwala sa forever. Bahala ka kasi hindi ako magiging katulad mo, magkakaroon ako ng forever at na fe-feel ko na talaga na malapit ko nang makilala si Mr.Right." sabi ko sa kapatid kong bitter.
"Ewan ko sayo ate, you're naïve at wala kapang nalalaman sa love love nayan. Mag focus ka na ngalang sa studies mo baka sa kaiisip mo sa Mr.Right nayan eh hindi ka na magiging valedictorian." ang sermon ng kapatid ko na kung makapagsalita ay parang mas matanda pa sa akin.
"Ang sakit mo namang makapagsalita. Hindi naman kita nanay eh kapatid lang kita. Sa bagay kasi ang dali mong nagpa loko yan tuloy ikaw ang labis na nasaktan. Dahan dahan lang kasi at wag agad ma-inlove sa maling lalaki. Tularan mo ako, no boyfriend since birth!! O diba, ang happy ko at hindi ako BITTER. Hindi tulad mo, nakadalawang ex boyfriends kana at ngayon ikaw yung bitter kasi ikaw yung iniwan. Kawawa ka naman baby sister." Sabi ko sa kapatid kong nakasimangot na ang mukha. Alam kong medyo harsh yung mga sinabi ko pero love ko yung kapatid ko eh kung makapagsalita nga sa akin parang napaka expert na sa love.
"I hate you talaga ate!! Huwag mo ngang ipa-alala sakin yung mga gagong yun eh mga cheap lang yun and they are so ugly ewan ko nga kung bakit na in-love ako sa mga pangit. Ah basta I hate them! Buti nalang dahil hindi ko na makikita yung mga pagmu-mukha nila na parang mga monsters. " sabi ng kapatid ko.
BINABASA MO ANG
That Genie is my BOYFIE (On-going)
General FictionHey guys! Ang kwento na ito ay tungkol sa isang teenage girl na walang alam tungkol sa totoong nangyari sa past life niya. Maraming mga sikreto ang kanyang mga magulang na hindi sinabi sa kanya. Nag transfer siya sa isang prestigious school at nakil...