Aika's POV
*Ring..Ring..
Kinapa-kapa ko sa side table ng kama ko yung alarm clock na tumutunog..
Anong oras na ba?Hindi pa naman siguro ako late...
Nang mapatay ko na yung alarm clock,kinapa ko yung phone ko
sa ilalim ng unan ko para matignan kung anong oras na..Nang makuha ko na,in-on ko ang screen nito para makita ang oras..
7:52 am..Great..Hindi pa ko late..
HOLY SH*T!
Dali-dali akong tumayo at dumiretso sa banyo...Alas otso kasi ang pasok ko...Late nanaman ako!
Hindi ko alam kung paanong ligo ang ginawa ko basta ligo!
Pagkatapos nun,nagbihis na ako ng uniform then nang toothbrush
Tapos nagsuklay...Pagkababa ko,nakita kong kumakain na ng almusal sila Papa..
"Aika,kain na.."aya nya..
Umiling ako.."Sa trabaho nalang po ako mag-aalmusal Pa..Alis na po ako"paalam ko..
Nakita kong umiling-iling si mama..
"Ang ate mo,palaging on time kung pumasok.Disiplinado kasi sya..Hindi katulad mo"pangaral ni mama..
Here we go again...
"Mama,hindi naman po ako si ate eh..Tsaka,pinagbubutihan ko naman po yung trabaho ko.."sagot ko..
"Ang tigas talaga ng ulo mong bata ka..Hindi ka namin pinag-aral at pinag-aksayahan ng pera para maging waitress lang.May tinapos ka..Maraming kumpanyang tatanggap sayo.."
Sabi ni mama.."Mama,masaya ako sa trabaho ko.."sagot ko..
"Masaya kang maging waitress?Masaya kang taga-hatid lang ng mga pagkain sa mga tao?ganun ba?"sabi pa ni mama..
"Aalis na po ako..Late na 'ko"paalam ko..
Lumabas na ako ng bahay at tumakbo papuntang kanto para mag-abang ng jeep..
Kelan kaya ako hindi male-late?Araw-araw nalang ganto..
Pumara ako ng jeep at sumakay na...Tinignan ko sa wrist watch ko kung anong oras na..
8:18 am.....Shit..late na talaga ako..
After ng mga 15 minutes na byahe..Pumara na ako then nagbayad...Tapos bumaba na ako..
Pumasok ako sa loob ng resto at tumakbo dun sa locker..
Nagpony agad ako ng buhok at Sinuot ko agad ang hairnet ko..
Ipi-nin ko yung name plate ko sa bandang itaas ng bulsa sa dibdib ng uniform ko..Then inayos ko yung kwelyo ko..
"Late ka nanaman,Aika"
Bungad nung manager namin na kakapasok lang sa locker room..
BINABASA MO ANG
366 Days Pretending as Your Girlfriend
Teen Fiction~*~ Im just an ordinary waitress.. Until an accident happened, And then I met him.. He,who change my life.. He,who stole my Heart.. ~*~ 366 Days Pretending As Your Girlfriend Story Written By: Bennggsss