Dalawang linggo na rin pala mula nung malaman kong hindi na matutupad ni Caleb yung pangakong ilang taon kong inasahan. Pero hanggang ngayon, andun parin yung sakit. Pano naman, sa lahat ng puntahan ko sa campus, siya ang naaalala ko. Sana pala hindi ko nalang siya hinayaang pumasok sa mundo ko. Sana pala hindi ko nalang hinayaan ang sarili kong mahulog sakanya. Sabi nga ni Christina Perri sa kanta niya “I wish I had missed the first time that we kissed cuz you broke all your promises." Sana hindi nalang ako naniwala sa love. Hindi naman totoo yan dahil sa huli, sasaktan at sasaktan ka lang niyan. Dahil sa Caleb na yun, tuluyan na akong hindi naniwala sa pag-ibig. Kasalanan niya kung bakit ako nagkakaganito ngayon.
Ang isa pang mahirap, wala akong mapagsabihan. Hindi ko masabi kay Leah dahil alam kong bayolente siya. Paniguradong makakatikim ng sapak si Caleb sakanya. Alam mo ba yung feeling na sobrang bigat na ng loob mo, sobrang nasasaktan ka na pero kailangan mo paring sarilinin lahat? Shet lang na buhay to! Napapansin rin naman ng mga kaibigan ko ang pagkamatamlay ko. Lalo na si Leah. Alam kong alam niya na may pinagdadaanan ako pero alam ko rin na alam niya na ayokong magsabi kaya hindi na niya ako pinipilit dahil magagalit ako. Kilalang-kilala niya talaga ako. So lumipas ang dalawang linggo na walang nakaalam ng pinagdaraanan ko. Pag-uwi ko sa QC nang Friday, nagtaka sila Mama dahil sinunog ko na lahat ng mga bagay na pwedeng makapagpaalala kay Caleb. Desperada na akong makalimutan siya. Pagod na pagod na ako. Pagkatapos nun, natulog na ako. Hirap man pero pinilit kong makatulog kasi dalawang linggo narin akong hindi nakakatulog ng maayos. Nagugurang na ako. At salamat naman, madali akong nakatulog.
“JULIAAANE!!” as usual nagising ako dahil sa sigaw ni Leah.
“Oh bakit nanaman ba Leah? Sabado na sabado ang aga mong mambulabog? Ano kailangan mo?” sabi ko sa matamlay na boses.
“Hindi ako ang may kailangan sayo. Yung bisita mo sa baba ang may kailangan sayo. Grabe ka! Ang haba na hair mo!” sabay hampas sa braso ko. Bayolente talaga. Pero teka, tama ba yung narinig ko? Bisita? Si Caleb? Baka si Caleb. Kaya hindi na ako nag-atubiling tumakbo pababa sa sala.
“Hoy babae! Hindi ka man lang ba mag-aayos?” sigaw ni Leah pero hindi ko na siya pinansin. Ang alam ko lang, nasa baba si Caleb at baka nagsisisi na siya sa ginawa niya. Baka ngayon niya na tutuparin yung pangako niya. Pero pagbaba ko, mas ikinagulat ko kung sino yung andun.
“Je-Jacob? Ro-Robles?” napatayo siya. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Kaya tinignan ko rin sarili ko. “Agggggh!” hindi pa pala ako nakapag-ayos. Hindi ko man lang nasuklay buhok ko. Ni hindi man lang ako nakapagtoothbrush. Kaya tumakbo ulit ako pataas para ayusin ang sarili ko. Grabe! Nakakahiya. Napatawa nalang si Jacob sa itsura ko.
Nang maayos ko sarili ko, bumaba na ako. Naka-pajama parin ako pero siniguro kong nakapag-toothbrush at nakapagsuklay na ako.
“Bakit ka andito?” tanong ko agad
“Kasi naiwan mo to sa kotse last time” sabay abot sa aklat na binili ko two weeks ago.
“Ah! Oo. Salamat saka sorry! Hindi mo naman na kailangang pumunta rito para lang isoli to. Naabala ka pa tuloy.” nahihiyang sabi ko
“Okay lang. Wala rin naman akong gagawin kaya pumunta na ako dito.”
“Kape. Oo. Kape gusto mo?” tanong ko
“Pwede.” sagot niya
“Nako! Baka itakwil mo na rin ang Starbucks pag natikman mo yung timpla ko. Wait lang ha? Magtitimpla lang ako.”
“Talaga lang ha?” natatawa niyang sabi
“Oo naman.” sabi ko pagkatapos ay pumunta na ako sa kusina.
YOU ARE READING
My Superstar Boyfriend
RomanceSabi nila mahirap mahalin ang isang taong malapit nga sayo pero hindi ka naman makita-kita. Sabi nila mahirap mahalin ang taong may mahal ng iba. Pero sa labing anim na taon kong pakikipagsapalaran sa buhay, may isang bagay akong natutunan tungkol s...