Chapter 2

377 34 0
                                    


Chapter 2

Meet

Natapos na ang huling klase ko sa hapon na yun. I decided to met Achilois on that garden. Gusto kong malaman kung paano at kailan pa siya inlove kay Heil. At kung suswertihin, sana naman magkagusto rin si Heil sa kanya. Heil said to me that he had a little crush on Achilois nung fourth year high school kami at second year college si Achilois sa school na to. Kaya nga kami sa school na to nagtransfer para masilayan niya si Achilois pero magbago yun nang ligawan siya ni Andrei at naging sila. After a year of being together, nagbreak naman sila. Siguro naman walang masama kung ibabalik ko ang pagkagusto ni Heil kay Achilois diba? Package na rin dahil mahal na ni Achilois si Heil! Mas mapapadali yun. All I want to do is know if he's sincere dahil baka sa huli masaktan lang si Heil.

"Wait Vereen!" Someone's called. Natigilan ako sa paghakbang sa hagdan at tumingala ako sa taas para makita siya. "Bakit?"

Nakangiti siyang lumapit pababa at inabutan ako ng papel. "Iniinvite sana kita sa birthday ko sa Martes. My 21st birthday sana eh. Debut ko." Napakurap ako at tinitigan siya nang mabuti. He's my classmate in Trigo at sobrang bait niya. All my classmates said that he's very nice, kind and gentleman mga katangian ng isang perfect guy. Mabait si Larrick, alam naman yun ng lahat pero ang personal na magbigay letter sa akin? Parang kakaiba at awkward.

"O-kay. Pupunta ako." Ngiti kong sabi. Mas lalo siyang napangiti at halos umabot na yun sa mata. "Salamat naman akala ko tatanggihan mo rin ako."

I'm not fond of going to birthday parties, mas gusto ko na lang kumulong sa bahay pero dahil siya sa nag-alok at nakakahiya namang tumanggi dahil ang bait-bait ng pakikitungo niya sa akin, sino ba naman ako para tumanggi.

"Uuwi ka na ba?" Tanong niya. Umiling ako.

"May pupuntahan lang pero maya-maya uuwi na rin..."

"Hmm... Ganun pala. Gusto mo bang samahan na kita?" Alok niya sakin.

"Sa garden lang naman ako. Di na."

"That's good! Papunta ako sa library para ibigay ang quiz papers natin kay Prof Aleman, I could go with you." Aniya "at isa pa, kailangan ko rin ng tulong sa pagdala ng papel." Natawa ako sa kanya.

"Sige na nga."

Nagpaalam siya na bibilisan niya para makuha ang gamit niya sa taas. I glance at my phone and saw lots of messages from Achilois. Fifteen unread message. Nakita ko rin na 4:15 pm na pala, late na ko ng fifteen minutes!

Achilois:
I'm here Vereen. Tapos na ang klase namin kaya maaga ako ng thirty minutes.

Achilois:
Malelate ka ba? O gusto mong sunduin na kita dyan?

Achilois:
Busy ka ata eh. But I'll wait for you here.

Achilois:
I'm just here Vereen...

Nagreply ako sa text ni Achilois.

Me:
Sorry. Papunta na ako dyan, may hinihintay lang.

Achilois:
Yun! Akala ko di ka na magrereply!

Me:
Basta papunta na nga ako. I'm waiting for my classmate to get his things.

Achilois:
His? Lalaki?

Me:
Lalaki ka rin naman ah.

Achilois:
Alam ko. At gwapo ako.

Me:
Gg.

Achilois:
Gwapong gwapo?

"Sino yan? Mukhang nakakatuwa siyang kausap ah." Muntik pa akong mapatalon sa gulat nang magsalita si Larrick. Natawa siya sa nagawa ko.

First Love To Last (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon