POV of Shanaia:
Naglakad nako palayo mula sakanya.. Xander... :((
Nang biglang may lumapit na tatlong lalaki saken at pinalibutan ako.
"Hi Miss! Ang ganda mo naman." Guy1
"Oo nga miss! Nag-away ata kayo ng syota mo? Hahaha. Sama ka nalang samen pasasayahin kapa namin diba tol?" Guy2
"Sama ka na ganda ahh? Sisiguraduhin namin ito ang pinaka masayang gabi ng buhay mo! HA.HA.HA!" Guy3
"Pwede ba wag kayong haharangharang sa dinadaanan ko?!"
"Aba palaban to pare! Alam niyo na!" Guy1.. Hinawakan ako ng dalawa pa niyang kasama sa braso at hinila ko papunta sa madilim na parte ng dalampasigan.
Seth? Xander? Asan ka?????
"Xander!!" Sigaw ko.
"Hahaha. Sinong tinatawag mo yung nobyo mong kayakap kanina?!" Guy1
"Dika maririnig nun pinapatira nadin namin sa iba pa naming kasama para solo kana namin!" Guy2
Naiiyak akong tumingin sa likuran ko at nakita ko si Seth na pinagtutulungan ng tatlo ding lalaki, hawak hawak siya ng dalawa sa magkabilang braso niya at binubugbog naman siya ng isa pa nilang kasama..
"xander!!!! Anoo ba! Lumaban ka!!!" Iyak iyak na sabi ko.
Hila parin ako ng dalawang lalaki at malapit nakami sa madilim na parte ng dalampasigan malayo layo na kami kay Seth.. Natatakot nako..
Sinubukan kong kumawala sakanila pero ang higpit ng pagkakahawak nila saken kaya pinagkakagat ko ang mga kamay na nakahawak saken at tumakbo agad papunta kay Xander.
"Xander!!! Xaaaan------" ng bigla akong sabunutin nung lalaki kanina.
"Who told you to touch my hair!?!!!" At sinipa ko siya.. tumakbo ulet pero bigla niya kong binato sa ulo ng kung ano, bato?? Ata? at nahilo akong natumbang nakatingin kay Seth habang tinatalo niya ang tatlong lalaking sumugod sakanya..
Naramdaman kong hinarap ako ng lalaking bumato saken sakanya.. at hinubad niya ang tshirt na suot niya at binuksan ang zipper ng pantalon niya at at.. at lumapit ng lumapit sakin hanggang sa mapapikit nalang ako sa takot at nawalan na ng malay....
...
Nagising ako.. at napatingin sa paligid ko, hindi isa sa mga bahay namin to.. Umupo ako sa pagkakahiga at nakita sa labas ng pintuan papuntang veranda ang dagat.
"Umaga na.. nandito parin ako ..." Napatingin ako sa sarili ko at naiyak pinakiramdaman kung may kahit ano akong nararamdamang sakit.
Iba na ang suot ko.. Anong nangyari? Nasan si Xander... Seth?? Patuloy ang pag iyak ko ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto kung nasan ako..
"Goodmorning iha, maayos naba ang pakiramdam mo?" Isang babae na nasa 40's ang age na parang may pagkakoreana.. Pero bata parin ang itsura niya, maganda siya gaya ng mommy ko at parang kamukha ni? Ano kasi pangalan nun? Hay.
"Sino po kayo? Nasan ako? Nasan po y--yung kasama kong lalaki???" At hinahagilap ng mga mata ko ang presensya ni Xander.
"Si Xander?" Papano niya nakilala si Se--Xa--xander? "Hindi parin siya nagigising.. Marami siyang natamong pasa at sugat, buti nga at nakatawag pa siya dito sa bahay... Ah. Nga pala iha ako ang ...." naudlot ang pagpapakilala niya ng may pumasok... Si Xander/Seth.
Makikita mo kaagad ang mga natamo niyang pasa at sugat at iika ika din siyang maglakad.
"Oh Iho, gising kana pala, kumusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ng babae sakanya habang ginagabayan itong lumakad. Hindi niya to sinagot at diretso lang ang tingin sakin at hindi ko naman iniwasan yun
BINABASA MO ANG
When A Playgirl Falls
RomanceI thought LOVE is just a game to play. But then he came into my life and changes everything.