#Fear 5: First Weekend
✙ Xenzel's POV ✙
Natapos ang unang linggo ng klase namin nang matiwasay. I mean MEDYO matiwasay, kung hindi lang sana sinusumpong ng kakulitan si Zypher. Permanent seatmate ko na siya dahil na-finalize na yung seat plan namin.
Magaganda naman yung subjects namin na puro related sa art at music. Hindi mahirap kasi yun naman ang forte ko.
"Xen! Bilisan mo ngang maglakad! Tao ka, okay? Hindi ka pagong." Puna ni Nem at bumalik siya sa'kin sabay hila sa kamay ko.
"Sabi nang ayokong sumali sa AFS na yun eh!" Nakanguso kong sagot sabay kamot sa ulo ko.
Sinundo kasi nila ako ni Celine sa dorm kanina kasi may meeting daw sa AFS (Anti-Fear Society) ngayong umaga. Ayaw ko sanang lumabas kaso sabi nila hindi daw sila aalis hangga't hindi ako sumasama sa kanila.
Mga luka-loka talaga!
"Choosy ka pa ba? Wala namang mawawala kapag sumali ka." –Nem.
"Meron! Mawawalan ako ng precious time para magrelax!"
"Alam mo, try mo lang talaga. You'll like it, I swear." Panata pa ni Celine.
Pinaghihila nila akong dalawa hanggang sa nakarating na kami sa AFS Zone.
"Nandito na po sila." Sabi ng isang babae matapos naming pumasok sa silid.
"You may take you seats." Utos naman ni Zypher na nakatayo na sa harap ng blackboard.
"Since we are already complete, let's start our meeting." Isang babae ang pumunta sa tabi ni Zypher at humarap sa'min. Kami na lang pala yung hinihintay nila. Nakakahiya naman.
Umupo na kami nina Nem at Celine sa 3rd row.
"Good morning. By the way, sa mga hindi pa nakakakilala sa'kin, I'm Keina Ishida. I'm one of the two leaders of the FORCE TEAM." Litanya ng suplada-looking na babae sa harap namin.
May iba pang estudyanteng tumayo na rin at pumunta sa harap.
"I'm Mj Felipe, the other leader of the FORCE TEAM. This girl is my cousin." Pagpapakilala ng matangkad na lalaki sabay hawak sa ulo ni...Keina, right?
Agad namang siniko ni Keina yung tagiliran niya.
"I'm Audiel Rose Balotaolo, Assistant Leader of the FORCE TEAM." She smirked. Wow, ang cool naman niya. Nilang tatlo, I mean.
"Roselyn Real, the leader of the EXORCIST TEAM."
Napanganga ako. EXORCIST SABI NIYA DIBA?!
"Teka, bakit may exorcists?" Nagtataka kong tanong sabay kalabit kay Nem.
"Watch and learn." Nakangiti niyang tugon sabay harap ulit sa mga nagpapakilala.
Oh my gosh. Bakit ganito sila?
BINABASA MO ANG
Ghosts and Gangsters
Romance"Hindi ako natatakot mamatay at pumatay, pero natatakot akong mawala ka kasi mahal na mahal kita." #COMPLETED ☣ von Einsiedel Series 1 Dalawa lang ang lugar na pwedeng puntahan ni Xenzel: sa lugar ng mga multo o sa lugar ng mga gangsters. Takot lab...