Thank you for the Heartache

32 4 3
                                    

Nandito ako ngayon sa dati nating tambayan. Sa lugar kung san kita unang nakilala. Kung san nahulog ang loob ko sayo. Kung saan sinabi mong mahal mo ako at pinangako mong hindi mo ako iiwan.



Dati, noong tayong dalawa lang ang nandito. You used to hold my hands and hug me tight everytime we're in here. You used to comfort me, you used to make me feel safe. Now I'm here all alone. Napaka tanga ko talaga. Ba't ba binabalikan ko pa yung mga bagay na matagal mo nang binaon at kinalimutan.



I scanned my phone. Nandito pa yung mga pictures nating dalawa. Ang saya saya natin sa bawat litratong nandito. Kitang kita rito kung gano mo ako kamahal. The way you looked at me. It was as if you'll do what it takes just to keep me. Pero hindi gaya ng pinapakita mo sa bawat litratong nandito. Pinakawalan mo ako...



Minsan naisip ko kung totoo ba lahat ng pinakita mo sa akin, kung too bang minahal mo ako. Dahil sa totoo lang naguguluhan na ako. If what we had was real how could you be fine? If what we had was real how could you easily let me go?



Gago ka. Limang taon kitang minahal. Limang taon kung pinaramdam sayo na mahal na mahal kita. Limang taon kitang iningatan. Limang taon for Pete's sake! Bawat araw, bawat oras, bawat minuto at bawat segundo inialay ko sayo. You became my world. I did everything for you. I sacrificed alot of things. I studied hard para maging proud ka sakin, para hindi mo ako ikahiya. Ginawa ko naman lahat. I even begged, nagpakakababaw ako, kinain ko ang pride ko para sayo. Minahal kita. Pero bakit ganon? Bakit nagawa mo parin akong iwan? Ganyan ba ka babaw ang pagmamahal mo sakin? Kasi ako hindi. Mahal na mahal kita to the point na kaya kong kalimutan kung sino ako, I'll do everything to have you. I'll do everything for you to love me. Pero hindi parin pala sapat ang lahat, kasi kahit anong gawin ko iniwan mo parin ako.


"I'm sorry. I can't do this anymore"



Napaka unfair mo. Matapos mong sabihin sa akin ang mga katagang iyon. Basta basta mo nalang akong iniwan. Hindi mo man lang ipinaliwanag sakin kung bakit ayaw mo na. Hindi mo man lang ako dinapuan ng tingin. Umalis ka lang. Ganon ganon nalang. Hindi mo ba alam na bawat hakbang na ginagawa mo kasabay rin ng unti unting pagkawasak ng puso ko. At ngayon hindi ko na alam kung maaayos pato. Kasi sirang sira na. Hindi na to mabubuo kahit gamitan pa ng mighty bond, glue at stick glue. Wala ng pag-asa pa.


Akala ko yun na ang pinakamasakit na mararamdaman ko. Hindi pa pala...



And then I saw you with this girl. You were holding her hands while heading to our room. Nakalimutan ko, magka kalse nga pala tayo. Ang Gwapo mo rin ano? Limang buwan mo pa nga lang akong iniwanan may nakita kana agad na pang palit sa akin. Pero sino nga bang ginagago ko? Alam ko na naman na may gusto ka kay Elizabeth. Noon paman ramdam ko na tuwing magkasama kayo. You understand each other, you have alot in common. Now you can't blame me why I get jelous when you're with her before. Kasi natatakot akong mahulog ka sa kanya. Pero tanga nahulog ka na nga noon pa, hindi mo lang siguro ako magawang iwan noon. Napaka duwag mong gago ka.

Thank you for the HeartacheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon