Kyla's POV
2nd day of School....
"Kyla!!! Kyla!!!Kyla!!" May narinig akong tumawag sa pangalan ko kaya napalingon ako at nakita ko si Ellen.
"O Ellen ikaw pala akala ko kung sino yung may malaking bibig na tumatawag sa name ko." Sabi ko sa kanya.
"Grabe ka naman Kyla! Hindi naman malaki ang bibig ko sadyang napakalaki lang talaga ng tainga mo." Sabi ni Ellen. Aba nilalait pa niya ako eh sa ganda kong 'to eh almost perfect na kaya ako. Hehe. Sorry kasi nagiging feeler na naman ako pero slight lang kasi nagsasabi lang naman ako ng totoo.
"Nagugutom ako Ellen. Punta muna tayo sa canteen eh maaga pa naman kasi 6:30 pa." sabi ko sa kanya.
"Sige sure kasi gutom din ako hindi kasi ako nag breakfast." Sabi niya.
Pagkatapos naming mag-order ay umupo kami sa isang bakanteng table at nag-usap kami tungkol sa mga classmates namin. I wonder kung bakit ang dami ng alam ni Ellen tungkol sa mga kaklase namin hanggang sa napunta yung usapan namin kay Kurt.
"Kyla, may gusto kaba kay Kurt?" tanong ni Ellen. Na-shock ako sa tanong niya kaya hindi ako nakapagsalita at natulala parin ako kasi hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Gusto ko kasing ako nalang muna yung may alam na crush ko si Kurt. Ayoko din kasing maging big issue ito kasi alam ko namang hindi lang ako ang may crush kay Kurt kasi heartthrob siya dito sa school.
"Okay lang naman kung ayaw mong sagutin yung tanong ko." Sabi ni Ellen.
"Ah ano kasi eh. Uhmm! Kasi..Kasi..Ah,oo, pero 'wag mong sabihin sa kanya Ellen kasi ayokong malaman niya na may crush ako sa kanya." Sabi ko kay Ellen. Ewan ko ba kung bakit ko nasabi kay Ellen na may crush ako kay Kurt siguro kasi hindi na mapigilan ng bunganga ko eh napakadaldal kasi.
"Sabi ko na nga ba eh." Sabi ni Ellen. Ha? Ba't niya naman nalaman eh wala nga akong pinagsabihan kahit na si Belle, ang alam lang naman ng kapatid ko ay may crush ako pero hindi niya alam na si Kurt.
"Bakit obvious ba?" tanong ko kay Ellen.
"Hindi naman obvious pero slight lang." sabi niya. So, ibig sabihin obvious parin. Naku, nakakahiya naman. Ayokong malaman ni Kurt na may crush ako sa kanya kasi baka ayaw na niya akong maging kaibigan.
"Eh ba't mo naman 'yan natanong sa'kin Ellen? May crush ka rin ba kay Kurt?" tanong ko.
"Yucks! Wala no! At ba't naman ako magka-crush sa unggoy na 'yon?" sabi ni Ellen na nandidiri pa nung tinanong ko kung may crush ba siya kay Kurt.
"Ba't unggoy ang tawag mo sakanya eh ang gwapo niya." Sabi ko.
"Binabalaan kita Kyla kung ayaw mo masaktan, pigilan mo ang feelings mo para sa kanya kasi kung hindi, may mangyayari sa'yo na masama. Please makinig ka sa'kin kasi hindi mo alam kung ano ang background ng family nila. Pinsan ko si Kurt kaso nga lang hindi kami close kasi magka-away yung parents ko at parents niya. " sabi ni Ellen. Eh magpinsan naman pala si Kurt at si Ellen pero bakit parang hindi nila kilala ang isa't isa kahapon?
"Pinsan mo siya?" tanong ko kay Ellen kasi hindi parin ako makapaniwala sa sinabi ni niya.
"Oo, basta makinig ka sa sasabihin ko sayo Kyla kasi baka pagsisihan mo ang mangyayari sayo. Hindi ordinaryong tao si Kurt at ang parents niya. Marami ka pang hindi nala...." Hindi na natuloy ni Ellen ang sinasabi niya kasi bigla akong nagsalita.
BINABASA MO ANG
That Genie is my BOYFIE (On-going)
Fiksi UmumHey guys! Ang kwento na ito ay tungkol sa isang teenage girl na walang alam tungkol sa totoong nangyari sa past life niya. Maraming mga sikreto ang kanyang mga magulang na hindi sinabi sa kanya. Nag transfer siya sa isang prestigious school at nakil...