(C)hapter One

15 0 0
                                    

"Sir King, pinapatawag po kayo ni Senor Roman." 

Natigil sa pagtitingin ng stock market si King at tumango sa katulong. Iniwan niya ang trabaho sa computer at tinungo ang silid kung saan nagpapahinga ang kanyang agwelo.

"Gusto ninyo raw po akong makausap, Lo." Lumapit siya sa kanyang lolo na nakahiga sa kama. Bagamat lampas otsenta na si Don Roman Villamor at bakas pa rin sa mukha nito ang lakas at kisig ng kanilang lahi. It's such a shame that behind that strong physique ay may dinaramdam na malubhang karamdaman ang kanyang lolo.

"Ah yes, King. Maupo ka sa tabi ko." Umupo siya sa upuan na malapit dito at hinintay ang sasabihin ni Don Roman. Habang pinagmamasdan niya ang kanyang lolo ay napansin niyang mas lalo itong tumatanda. Hinawakan niya ang kamay nito at pinisil. God, he loves his grandfather so much. Ito na lang ang tanging pamilyang naiwan sa kanya. "Kumusta ka hijo? I heard from Josefa na palagi ka daw nagbababad sa study room, looking at how the stock market goes up and down."

Batid niyang nagbibiro si Don Roman at napakamot siya ng ulo. "Guilty as charged. That steward of yours has eyes like a hawk. I was just monitoring the business side of things, how the Villamor Group of Companies will remain in its tight spot. Mahirap na dahil marami na ring mga kompanya ang nagsisi--"

"King, ilang taon ka na?" Nabigla siya nang putulin ni Don Roman ang sinasabi niya para sa tanong na iyon. Hindi yata inaatake na ng amnesia ang kanyang lolo at nakalimutan nitong they just celebrated his birthday a week ago.

"Ah.. twenty eight?"

Napatango tango si Don Roman at tiningnan siya. "Look, son. When your dad was your age, he already had you. Well, you are six at that time and Vicky... sumalangit nawa ang kanilang kaluluwa.. was three." His grandfather made the sign of the cross upon mentioned of his deceased family. "Alam mo bang tuwang tuwa kami ng Lola mo noon when we saw our first grandchild? It was like a feeling na kung mamamatay ka na sa oras na iyon, you could have died knowing that your legacy has continued while you're still alive."

Hindi niya alam kung ano ang tinutumbok ng kanyang agwelo. 

"King, I am not getting younger. I even have an illness that can kill me in a snap. But before we go further in that topic, I just want to ask you a favor, apo." Naging seryoso ang itsura ni Don Roman and he is willing to listen. "Bago ako mamatay, I want to see you get married and be settled."

Parang kidlat na tumama sa kanya ang sinabi ni Don Roman. Siya, mag-aasawa?! He doesn't even a girlfriend, for God's sake! At hindi rin siya ang tipo ng taong nagcocommit at nagpapatali sa isang relasyon. Paano pa ang magpakasal sa isang babae habang buhay!?

"I know this seems impossible.." Malungkot na sabi ni Don Roman matapos ang matagal niyang pananahimik. "Ni wala kang girlfriend na pinakilala pa sa akin. Kahit mga kaibigan mong babae you never bring here para makilatis ko for a potential granddaughter-in-law."

"Lo, all my girl friends are married and business partners."

"Exactly my point, hijo. You limit yourself to anyone you know. Ang huli kong balita kay Josefa, the last woman you dated was hysterically banging our high gates just to see you. You just ditch women like hot cakes. You sure got my very good looks, apo, but isang bagay na hindi mo namana sa akin ay yung pagiging commitment-friendly ko." Kumindat sa kanya ang kanyang agwelo.

Napailing siya. "Si Josefa talaga, wala na yatang ibang nakikita kundi ako."

"Don't blame her, hijo. Inutos ko iyon sa kanya na sabihin sa akin ang mga nangyayari sa iyo. You know how I cannot even walk in the hallways for an hour or two. I'd rather stay here and wait for news from Josefa na maybe, magkakaapo na ako in time."

"Apo agad? Lo naman. Agad-agad? I don't even have time to search for a good woman." Napapalatak niyang sabi.

"I'm afraid it will not be a problem anymore, hijo." Nakangiting sabi ni Don Roman at inabot ang intercom sa headboard nito. "Josefa, pumarito ka nga sa silid at dalhin mo ang sobre. Naprep ko na itong apo ko."

Ilang sandali pa ay kumatok at pumasok si Josefa na mayordoma nila. Nakangiti sa kanya ito at alanganin din niyang ginantihan ang ngiti nito. Inabot nito ang isang puting sobre sa kanyang lolo.

"I should have given this to you on your birthday but I figured this would be a perfect time." Binigay sa kanya ni Don Roman ang sobre. "Open it."

Binuksan niya ito at nakita na may note sa loob. "King, you deserve a week-long break away from work and away from your one hell of a good-looking agwelo. Don't worry he will be a good man while you're away." Ang lakas ng tawa niya sa nabasa. "Hahaha Lo, ano to!?"

"If you look inside, makikita mo ang destination kung saan ka pupunta. It's about time, King. Naghihintay ang Los Palmos sa pagdating mo." Nakangiting sabi ni Don Roman.

Matagal bago siya nakapagsalita. Los Palmos.. that place used to be his sanctuary before pero simula nang mamatay ang pamilya niya sa isang aksidente na nangyari sa lugar na iyon ay labinglimang taon na din niyang iniwasan ang lugar na iyon. Kahit pa sabihing pag-aari ng pamilya nila ang lugar na iyon. 

"At some point, you have to start somewhere, you know." Naninigurong sabi ni Don Roman.

Napabuntong-hiningang niyakap niya ang agwelo at muling tiningnan ang laman ng sobre. "Fine, maybe you're right. I need a break, and of course I'm not the one to say 'no' to a gift."

"That's my boy!" Tinapik siya sa balikat ng kanyang lolo. "And while you are there, who knows baka makita mo na dun ang babaeng magpapabago ng mga pananaw mo sa buhay. Just like your Nana did to me."

"Lo, ayan na naman kayo eh.. But don't worry. I'll think about it." Natatawang sabi niya at hinalikan ang noo ng agwelo bago magpaalam para magpahinga na ito. Paglabas niya sa silid ay nagkakaunawang nagkangitian si Don Roman at si Josefa.

"Palagay ko, bago matapos ang taong ito, magkaka-apo na ako Josefa."

"Hmn apo agad, Senor? Di ba pwedeng ligaw muna ang unahin ni Sir King? Agad- agad naman ho kayo eh." Nagbibirong sabi ni Josefa at muli silang nagkatawanang mag-amo.

I Proposed (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon