(C)hapter Two

9 0 0
                                    

Kanina pa kuha ng kuha ng shots si Hailey sa digital camera na dala niya. Nakakatuwa din pala na for once siya ang tao behind the camera. Isa kasi siyang successful model sa New York kaya naman buong buhay niya ay siya ang kinukunan ng mga tao. Lingid sa kaalaman ng lahat, she is an aspiring yet frustrated photographer. Hindi kasi siya sinang-ayunan ng Daddy niya na kumuha ng Photography kapalit ng course niyang Law. Kaya naman nagrebelde siya at pinasok ang pagmomodelo, bagay na nagustuhan naman ng mommy niya.

"Miss Thompson, the photographer is now here for the photoshoot." Lumapit sa kanya ang isang kawani ng beach resort kung saan siya ang kinuhang magmomodelo nito para sa mga ads.

Binaba niya ang kamera na dala at hinubad ang suot na roba. Hindi nakaligtas sa kanya ang ilang mga sipol ng mga tao na nakapaligid sa kanya sa photoshoot na iyon. Ininda na lang niya ang mga iyon. Sanay din naman siya.

"Beautiful, Hailey. Now turn to your left and look a bit in the camera.. Perfect!" Lahat mga paghanga ang naririnig niya sa photograher. Sabagay kahit naman mga Amerikano o ibang lahi na photographers, bilib na bilib sa professionalism niya as a model.

Matapos ang shoot ay mabilis na binigay sa kanya ni Guy na kanyang road manager at bestfriend, ang kanyang roba. "Mahirap na, baka malusaw ka sa mga tingin ng mga tao dito."

Natatawang hinalikan niya sa labi ang kaibigan. "Now they know I'm taken."

Para namang nandidiri na pinunas ni Guy ang labi. "Eek ekk no! You have violated me yet again, Heleana Ysabella! Kung hindi lang kita bestfriend ipapupulis na kita! Eek ekk!" Nagpapapalatak na sabi nito pero pomormal din nang may lumapit na isang gwapong lalaki. Mas lalo tuloy siyang napatawa sa inasal ng kaibigan.

"Hi Ms Thompson--"

"Hailey. Call me, Hailey please." Ngiti niya sa lalaking nakipagshake hands sa kanya. In fairness, ang tangkad at gwapo ng mama. Kaya lang she can easily define a playboy in one look. Off the hook na ang taong ito sa kanya. She despise playboys, too bad for Mr. Handsome right here.

"Sure, Hailey. My name is Kent Howard, Marketing and Business manager of Los Palmos resort, welcome. Thank you for accepting our offer to model here in Palawan. Isang malaking karangalan ang paunlakan mo kami."

"Oh no worries, Kent. Actually it was my dad's idea to accept your resort's offer. As you can see, a long time friend of Daddy's ang anak ng may-ari ng resort na ito. Si Rafael Villamor, but I believed he passed away more than a century ago."

"Ah yes, si Tito Raf and you're right, he's gone now kaya naman ang anak niyang si Laith ang siya na ngayong Vice President. By the way, I heard he will be here some time. It's good that you meet him, too."

"Sure, it's nice to reconnect with some of my dad's old friends." Simple lang niyang sabi at naramdaman ang mahinang kurot sa kanya ni Guy sa tagiliran. She almost rolled her eyes nang makuha ang ibig nito. "Oh yeah Kent, this is my bestfriend and manager na din, Tirso." Gusto niyang magtatawa nang ipakilala niya ang buong pangalan ni Guy.

"Tirso? Nice name, man." Nakangiting sabi ni Kent at nagkamay ang dalawa. Knowing Guy, mas tinagalan nito ang handshake ng dalawa kaya naman nakita niya na bahagyang kumunot ang noo ni Kent nang hindi pa pakawalan nito ang kamay niya.

"Call me Guy. Hi Kent. Ganda ng katawan mo ah, saan ka naggygym pare?" Guy said in an incredibly manly voice. She almost snorted!

"Ah dito lang, may member's gym dito sa resort so if you wanna hang out some time habang nandito pa kayo ni Hailey, come join me, pre. Here's my business card." Binigay ni Kent ang calling card sa kanila ni Guy. "O paano mauna na ako sainyo. Nice meeting you, pre, Hailey. I'll see you tomorrow sa Copacabana Bar, there would be a lot of partying tomorrow night. Join us Okay?" Kumindat pa sa kanya si Kent bago umalis.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 01, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Proposed (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon