PAW'S POV
Wala yung first prof namin kaya pumunta kami sa pinaka-aayawan kong lugaaaaar -____-
Hanggg LIBRARY.
Tsk tsk. Kasama ko kasi si Alex kaya dito, Pero whatever. Balak ko na ring ikwento sa kanya ang lahat.
At dahil hindi naman OA magreact si Alex, push laaang. So ayuun, kinwento ko ang bawat detalye.
"Ito pagkakaintindi ko, yung babae na iniligtas mo noon sa beach ay yung LEGAL GF ni Usares, at anak sya ng Boss ng tatay mo. Hmmmm, kahit itanong mo pa si Lord, isa lang ang nakikita kong dahilan kung bakit ganito ang nangyayari sa'yo."
Ayan ang gusto ko kay Alex, hindi bobo. XD
I leaned on her. "Anong dahilan?"
Sumandal siya sa upuan niya at tinignan ako ng maigi. "Kasalanan mo."
"HUH??!!!"
"Sssshhh!" eksena nung Librarian. Buset! First warning na, isa na lang gagapang na kami palabas -.-!
"What the hell???! Bakit kasalanan ko?!!" i hissed. Tsk. Yaaan tayoo Alexa Domingo!!!
Sinamaan lang niya ako ng tingin bago siya mag walk-out sa Library. Teka? WTH? Ano bang problema niya?
I smacked my forehead then think. What did i do? Anong kasalanan ko? Kasalanan ko ba talagang maging kabit?
Kasalanan ko bang ---
Kasalanan ko dahil niligtas ko si Milly sa Beach.
ALEXA'S POV
Kasalanan lahat 'to ni Neli.
Kasalanan lahat 'to ni Neli.
Kung hindi niya niligtas yung tongonong babae na GF pala ni Usares dun sa beach, masaya na lahat ngayon.
Namatay si Milly, naging Legal sila ni Usares at naging kami naman ni Zelo. Edi tapos na sana 'tong kwento na 'to. Lord, masama ba ako? Masama ba ako dahil gusto kong mamatay yung Milly? Masama din bang mahalin ko Zelo ng ganito? Nahihirapan na 'ko. Lord, tadhana na ba ang nagsasabi? Sinadya mo ba 'to?
All this time nagkakasala ako.
All this time tinutulungan ko siya.
All this time dinadamayan ko siya.
All this time nandito ako para sa kanya,
Pero siya rin pala ang puno't dulo, Si Neli din pala.
Ako na mahal na mahal si Zelo,
Si Zelo na nanlilgaw kay Neli,
Si Neli na nakakabet kay Usares,
Si Usares na may girlfriend na once nang niligtas ni Neli.
So, it's all boils down to Neli again. Lord, alam mo namang mahal ko si Neli, pero ngayon, hindi ko na alam. Mas mahal ko Neli dati, pero bakit parang Mas mahal ko na si Zelo ngayon?
Si Neli na MINAMAHAL ng LAHAT.
"Ano bang meron siya na wala ako?" hindi ko sinasadyang masabi sa sarili ko. Naiinis kasi ako. Ewan ko, i used to be used from this issues.
Pinipili kong manahimik nalang kahit nasasaktan na ko.
Pinipilit kong isalba ang pagkakaibigan namin kahit nagmumukha akong martyr.
Ano ba kasing meron siya na MINAMAHAL NILA?
"Ano bang MERON KA, na WALA SIYA? Yan dapat yung tanong mooo, Hahaha." Parang nagpanting yung tenga ko nung marinig ko boses niya, Kailan ko ba siya ulit nakita? Kailan ko ba siya ulit nakasama?
Dahan-dahan ko siyang nilingon para lang makita yung masayahin niyang mukha.
Bakit ba hindi nalang ako ang mahalin mo?
"Uhhhmm, Ewan ko kung sino yang tinutukoy mo pero, meron kang Domingo na apelyido, meron kang nunal sa batok na ibig sabihin, habulin ka ng mga lalaki, yiiiiee! Gondo long! may kakayahan kang magkumpisal, At, OH! Tama, Meron kang Zelo sa buhay mo..."
Napaismid ako dahil alam kong tutulo na luha ko. Yung mga huling salita na binitawan niya...
Umaasa na naman ako. Masakit na.
Meron kang Zelo sa buhay mo...
Meron nga akong Zelo sa buhay ko, Pero haggang dun na lang kami.
Hanggang dun nalang ako, Diba Lord?
Minsan kaya tayo nasasaktan kasi minamahal natin yung taong dapat na kaibigan lang. Sa kwento na'to, Si Neli ang mahal ni Zelo, hindi ako.
Ang sakit ano po?
Sobrang sakit.
Bakit ba si Neli pa din nasa isip ko?
"Nasa kanya na ang lahat.." halos hininga ko na ang marinig ng sinabi ko'to.
Ngumiti siya at lumapit sakin. "Ahhhhh.." nag-unat siya pero pasimple lang palang aakbay, pinapakilig ba talaga ako ng isang 'to? "Oyyy! Insecureeee ang Baby koooo."
Kinikilig na nga ako, sabay bawi? Insecure ba ako? Hindi naman diba? Hindi ba?
Nagsisisi lang ako. Oo, tama, nagsisisi lang ako.
"Hindi ako maganda." ayan na naman, hindi ko na naman alam kung bakit ko nasabi yan. Baliw ka na ba Alexa Domingo? Sigurado kabang hindi ka nagdodroga?
Naglaho bigla yung ngiti at inalis niya yung pagkaka-akbay sakin. Tsk. TAMA NGA AKO. Nagsimula na siyang maglakad, ano ngayon? Pupunta na ulit siya kay Neli pagkatapos niya akong pakiligin? Dapat sanay na ako eh. Bakit ba kasi ganito ako?
Huminto siya bigla. "Hindi ka naman talaga maganda eh."
Alam ko naman, pero bakit kailangan ipamukha pa niya? Oo, hindi ako maganda, pero pag galing sa kanya parang ang ibig sabihin niya, 'hindi ako maganda dahil si Neli lang ang maganda para sa kanya', at ang sakit nun.
"Sana nagsinungaling ka nalang muna na nagagandahan ka sakin." Sinikap kong magbiro kahit nangingilid na ang mga luha ko.
Sabi ko nga Lord, Mag-aaral muna ako ng mabuti bago ako maglandi eh.
Sabi ko nga Lord, wag muna ako masyadong dumikit sa mga lalaki eh.
Sabi ko nga Lord, ikaw lang muna mahalin ko eh.
Sabi ko nga Lord, sa'yo lang muna ako.
"Hindi ka talaga maganda," Pag-uulit ni Zelo.
Ang tunay na kaibigan, nag-LALAITAN.
Sige, paasahin mo pa sarili mo Alexa.
Lumingon siya sa akin, buti nalang di pa tumutulo luha ko. Buti hindi PA, tumutulo.
"Pero wala akong pake." Tsaka siya ngumiti.
--
Short Update i know, soorrrryyy! Ang tagal kong hindi nag-update tapos ito lang? Sorry! Sira talaga PC namin busy pa sa School. Huhuhu! Pero salamat pa din sa mga sumusuporta ng kwentong ito. Sa mga nagpipilit sakin na magUD kahit sa FB sinundan ako. I loveyoouu guyyss! Sisikapin kong buhayin ulit ang kwento na'to. SALAMAT NG MARAMI :)
Dedicated to: @soeyey
Favorite niya kasi yung POV ni Alexa :))))
-knowme