ANG KWENTO NG KAIBIGAN KO..( Buhay at Pag-ibig )

12.4K 6 1
                                    

Emmanuel N ' Kempis

     Palangiti, masayahin , madaling tumulo ang mga luha sa mga malulungkot na kwento, at humahagalpak naman sa katatawa pag nakarinig ng isang masaya...yan ang Kaibigan ko punum puno ng istorya ang buhay...Isa siyang babae na tinuring kong kaibigan kahit na nabibilang pa lang sa buwan  ang aming pagkakakilala, nakita ko kasi sa kanya ang kanyang sinseridad ng tungkol sa pakikipag-kaibigan.. na hindi ko nakita sa mga naging kaibigan ko na pag nakatalikod ka pati pisikal na kaanyuan mo ay pinag uusapan. 

PAGKWENTUHAN NATIN SIYA..

          Una ko siyang nakita na medyo payat . parang kulang sa bitamina ang kanyang katawan. animoy may sakit pero masayahin sa kabila ng napapansin kong may bahid na lungkot ang kanyang mga mata.. hindi kasi sumasabay sa kanyang pag-ngiti ang kanyang mga mata na bilugan..kaya madaling mapansin na sa likod ng kanyang saya ay may mga nakatagong  mga kalungkutan sa kanyang kalooban.

               Nabatid ko  na mayron na siyang  asawa, walang anak at sabi nya masipag naman.. sa pagkukwento nya sa akin..mahal na mahal nya ang kanyang asawa.. kahit na sa kabila ng kanilang kahirapan ay pinapakita ng kanyang mister ang taos pusong pagmamahal sa kanya.. walang halong pagkukunwari lahat ibinibigay.

                  Nakilala ko ang kaibigan ko na ito noong pumasok siya bilang isang Janitress sa aking pinapasukang kompanya...aligaga siya nung kanyang mga unang araw... sa kabila ng kanyang itsura ay batid ko na hindi siya sanay sa ganoong trabaho...alam ko pinasok  lang niya ang naturang gawain dahil kailangan...iisa lang ang pantalon na nakikita kong palaging sout nya sa tuwing siya ay papasok at iisa lang ang  napapansin kong T shirt na kanyang sinosout..malungkot ang mukha ng babaeng ito na pinipilit trabahuin ang mgatrabahong   naka-atang sa kanya...

                    May isang pagkakataon na siya lumapit sa akin....nagtanung na kung papanu lilinisin ang inidoro sa banyo...dun ko din napansin ang maninipis nyang mga kamay na sa tingin ko ay hindi sanay sa ganung mga gawain... naawa ako at tinulungan...at dun ang simula ng aming pagkukwentuhan tugkol sa kanyang sarili...

                     Lumipas ang buwan at naging panatag na ang kanyang sarili sa mga gawain... nasanay na.. ngumingiti na pero nandun pa rin yung lungkot na naiiwan sa kanyang mga mata..

                        Laking gulat ko nung biglang isang araw ay nag iba na ang kanyang ginagawa hindi na siya nagwawalis sa sahig kundi ballpen at papel na ang kanyang tangan at mayron na siyang sariling computer, na promote ang aking kaibigan.. masayang masaya siya habang siya'y aking pinagmamasdan habang nakaupo siya sa kanyang bagong kina-uupuan...nagbago ang lahat sa kanya,  sa kanyang pananamit at pagsasalita, madalas ko na siyang nakikitang nakangiti.. naging palatawa.. naging masayahin ngunit pansin ko pa din sa kanya na sa ilalim ng kanyang pagiging masayahin ay nandun pa din ang lungkot sa kanyang kalooban.

                       At nung minsang nag-usap kami ..inusisa ko sa kanya kung bakit sa kabila ng pagiging masayahin nya ay may nakikita pa din akong kakulangan sa kanyang buhay. noong una ay ayaw niya sabihin subalit sa kalaunan ikinuwento nya na rin...Yung lungkot niya noon ay nadagdagan.. Yung lungkot nya noon na  tungkol sa kanilang mag asawa na hirap sa buhay at ang ngayun ay yung tungkol pa din sa kanyang asawa subalit ito ay tungkol na sa  plano nyang pakikipaghiwalay dito...nabigla ako ...naisip ko bakit ganun.. dapat di ba may sinabi ang pari nung tayo'y ikasal na magsasama ang magasaawa sa hirap at ginhawa... pero bakit nagyun na medyo nagiginhawaan na sila ay meron palang napipintong planu ng hiwalayan... naisip ko na parang mali kung kelan meron na saka naman maghihiwalay...nalungkot ako sa gagawin niya..naisip ko may isang ugali rin pala itong aking kaibigan...nasip ko rin na siya'y layuan na...parang hindi tama ang kanyang mga binabalak..naawa ako sa kanyang asawa sa pagkakataon na yun...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 02, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ANG KWENTO NG KAIBIGAN KO..( Buhay at Pag-ibig )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon