Simula

175K 2.5K 117
                                    

All rights reserved ©2016 by LoveMishap

When your heart skip a beat upon meeting his/her eyes,
Don't let it go or let it past by.
Soulmate meets in a  million different ways  ...

— MsDreamerGirl84

Prologo

🌹🌹🌹

( 'Rissy' short for Clarisse)

"Please, just pretend you're my girlfriend for tonight," napangangang nakatitig ako sa kapatid kong si Luciano. Kailanman, hindi kami magkasundo, sa lahat ng bagay, pero iisa lang ang nagpapalapit sa amin, dahil iisa ang dugong nanalaytay sa ugat namin.

He's older than me for about four years. Dadalawa lang kaming magkapatid, and he always loves to pull a prank on me, kaya inis na inis ako sa kanya.

Siya rin ang dahilan kaya nakipagbreak sa akin si Aiden. Siya rin ang dahilan kung bakit nahuli ako nina mommy nung first date ko kay Aiden, which grounded me for a week. At siya rin ang dahilan that until now, my parents doesn't trust me alone, driving by myself, or being alone with any other guy than Aiden. Kasi kilala na nila ito, simula ng makilala nila ang prominenteng pamilya ni Aiden.

Hindi lang dun natapos ang kalbaryo ko dahil sa kanya. He was supposed to support me and save me, pero siya pa itong nagpapahamak sa akin.

Well, he's my brother, so kahit anong inis ko, kahit papano, mahal ko parin ito. Hindi nga lang halata kasi lagi kaming nag-aaway.

Kaya ngayong araw na ito, hindi ako makapaniwalang bumaba mula sa ere ang apog ng magaling kong kapatid. Nakatitig ako sa crystal blue eyes nitong katulad ng akin. Ang aking ina ay magkahalong pilipino at american at ang daddy ko ay halo ding European, kaya hindi kami parang mga Pilipino sa kulay ng balat, buhok, at mata.

Matangkad din ako sa pangkaraniwang Asian, lalo na ang kapatid ko. Isang ulo ang tangkad nito sa akin. Kaya't sangkaterbang babae rin ang nahuhumaling dito sa magaling kong kapatid.

Nasa fourth year college na si kuya at kumukuha ito ng Architectural Engineering dahil siya narin ang magiging tagapagmana ng Montevarra Architectural firm. Nakatapos din ito ng Economics sa Harvard saka bumalik sa Pilipinas upang kumuha ng Engineering para mas makapagprepara sa pagpapalipat ni daddy ng titulo sa kanya.

Samantalang ako, gusto kong maging abogado kaya kumuha ako ng Political Science, preparation for Law sa Bovarin Law&Science School.

Isang prestihyosong unibersidad na pagmamay-ari ng bilyonaryong si Kristov Bovarin. A well-known shrewd tycoon who owns almost half of Asia. Several malls, banks, pharmaceutical firms, petroleum, name it, isa itong stock holder.

"Oh ano, payag kana?" pangungulit parin ng kuya ko. Saka ko lang napansin na hawak-hawak pala nito ang isa kong palad habang nakatitig ito sa mga mata ko.

Umikot ang mga mata ko sa inis. "At ano namang kapalit nito?" naiinis kong tanong.

"You've been wanting to have my R8 Audi, if you succeed tonight, then it's all yours," sabi nito. Kumislap naman ang aking mga mata. Mahal na mahal nito ang Audi niya na bigay pa ni daddy at mommy nung 21st birthday niya. Ngunit nawala din ang ngiti ko ng maalala ko ang mga magulang ko na nasa Hong Kong ngayon for a business trip.

Ayaw ni daddy at mommy na nagdadrive ako that's why they refuse to give me a car. May sarili akong driver na naghahatid sundo sa akin sa school.

"What?" tanong nito in an impatient tone, unable to hide his growing irritation.

Billionaire's Game (Black Omega Psi Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon