Chapter 1
November 11, 2007 8:00pm
Naglalakad si Jigs papunta sa tambayan. Nagtataka siya kung bakit siya pinatawag ng pinsan niyang si John. Si John ang leader ng grupo nila. Ito ang nakatatandang kapatid ni Kiko. Kasama ni John sa pagbuo ng grupo ang kasintahan nitong si Angel.
Sa pagdating ni Jigs sa tambayan, nakita niya si Kiko na kumakamot sa ulo at parang may pinoproblema. Kinakantyawan ito ng grupo. May napansin din siyang dalawang babae- Isang morena at isang medyo maputi.
"Yiiiee....... kiss na! Kayo na ehh. Naks naman. Binata na si Kiko!" Sabi ni Rica na isa sa mga pinsan ni Jigs. Parang mas kinikilig pa sa bagong magkasintahan.
"Ha? May gf na si Kiko? Kung gf ni Kiko yung babaeng morena, sino yung isa? Ngayon ko lang din nakita yun ah." Bulong ni Jigs sa sarili.
"Oh Jigs. Andito ka na pala." Sabi ni Rica.
"Kanina ka pa namin hinihintay ah. Bakit ang tagal mo? Siya nga pala, Si Charmaine, gf ni Kiko . At eto naman, si.. Aly... Bago lang sila sa grupo. Batiin mo naman sila." Dugtong ni Angel.
Napansin ni Jigs na parang may halong pangangantyaw ang pagsasabi ni Angel sa pangalan ni Aly. Pero hindi niya ito pinansin.
"Ah. Hi Charmaine, Hi Aly! Ako nga pala si..."
"Jigs diba?" Putol ni Charmaine sa pagbati ni Jigs. "Hehehe. Kilala kita...namin! Lagi ka namin nakikita ni Aly. Sa katunayan etong si Aly eh.."
"Cha! Ano ba.." Sabi ni Aly na sobrang namumula ang mukha.
"Bakit namumula siya? Tsaka bakit parang pinigilan niya si Cha sa pagsasalita?" Bulong ni Jigs sa sarili.
"Nakarating kasi sa grupo na itong si Aly eh may crush sa grupo." Sabi ni John.
"Oh talaga? Sino naman? Naks. Mukhang kilala na talaga grupo natin ah?" Natutuwang tanong ni Jigs.
Nagtitinginan ang magkakaibigan nang biglang nagsalita si Rica.
"Ikaw."
"Yiiie! Naks naman oh! Wooh!" Paulit-ulit na kantyaw ng barkada.
"Weh? Ako ba talaga? Parang di naman. Di nga?" Sabi ni Jigs na parehong natutuwa at nalilito sa bilis ng mga pangyayari.
"Oo ikaw nga. Hindi ba kapani-paniwala? Edi si Aly tanungin natin. Aly, may gusto ka ba kay Jigs?" ani Rica.
"Ah eh.. Hindi.. Kasi... Ewan.. Oo?" Sagot ni Aly na lalong nahiya.
"Isang tanong, isang sagot. Oo o hindi?" Sabi ni Rica
"Opo..." Napayuko nalang si Aly sa sobrang pagkahiya dahil sa nangyaring interogasyon. Pero hindi maikaila ni Aly sa sarili na natutuwa siya dahil nagkakaroon ng konting pag-asa ang dati'y nasa isip niya lamang.
"So? Ano na mangyayari pagkatapos nito? Bulong ni Aly sa sarili.
"Kayong dalawa, umupo nga kayo dito nang magkaalaman na." Ani Angel
Agad namang umupo si Aly at si Jigs sa may sofa sa harapan nila Angel, John at Rica. Sinigurado ni Jigs na may distansya sila ni Aly. Hindi naiwasan ni Jigs na mapatingin kay Aly at mapatitig dito. Nagulat si Jigs nang bigla nalang siyang makaramdam ng pagka-ilang.
"Teka. Ano ba tong nararamdaman ko? Bakit parang kakaiba. Parang kaming dalawa lang tao dito. Sa mga oras na to, siya lang nakikita ko. Parang may sinag ng araw, nasisilaw ako. Gabi naman ah. Bakit ba ganito. Dapat ko bang maramdaman to? Di ko naman siya type ah. Lalong hindi ko siya gusto." Paulit-ulit na tanong ni Jigs sa sarili.