Chapter 10

2.2K 73 0
                                    

This is it, the day that i waited for. Im really excited and so nervous. I wake up early in the morning and then i take a bath. Woohhh. Hindi naman ako excited nito?

Pagkatapos kong maligo nagbihis na agad ako. Dumungaw ako sa salamin at nakita ko kung ganon kagulo yung buhok ko. Nag blower narin ako para hindi ako magmukhang naligaw mamaya. Marunong akong magblower dahil nga kaibigan ko si meisha madaming alam yun pagdating sa ganito e.

Pagkatapos ko sinuklay ko yung buhok ko hanggang sa medyo dumeretso na. Nagpolbo lang ako at liploss para hindi masyadong halata.

nang tignan ko yung sarili ko salamin nagmukha nakong tao. Pero ganun parin may malaking salamin parin ako. Bumaba na agad ako para mag breakfast.

"GoodMorning ma."

"GoodMor---" naputol yung sasabihin ni mama ng tignan niya ko. "Blooming ka ha, inlove kaba anak?"agad na tanong niya sakin.

"H-ha? Hindi po ah"

"Mas bagay sayo pag ganyan ka lalo na kapag tinanggal yang salamin mo"

"Ano lang po ito, uhmmm.... para po hindi ako magmukahang naligaw mamaya." Sabi ko sabay yuko. Bigla namang may tumawa sa likod ko.

"Hahahaha. Oo nga naman ma" sabi ni kuya.

"Shut up jayden. Don't worry sa saturday i mamake over kita"

"Huh? Wag na po ayos narin sakin to"

"Kung gusto magkaroon ng sikat na banda, kailangan maganda ka. Balita ko kase puro gwapo ang kasama mo sa banda" sabi ni mama sabay kindat. Pinag isipan kong mabuti ang sinabi ni mama.

Ano namAn kayang sasabihin sakin ng mga ka schoolmates ko? Baka sabihin nila nagpapaganda lng ako. Urgh. Pero tama si mama kadalasan kase sa mga sikat na banda may mga itsura kaya dumadami yung fans nila. Urgh okay my decision is ready.

"Ahm sige na nga ma"

"Yesssss" sigaw ni mama at napasuntok pa sa hangin. Oa sabagay hindi pa niya nakikita yung mukha ko na walang salamin. Kapag kase may gang fight kami dati lagi akong naka contact lens at mask.

"Oa mo ma. Kahit i make over mo yan ganyan parin yan. Hahahahhahaha" sabi ni kuya. Kagabi lang ang bait bait tas ngayon hindi na?

"Trust me" sabi ni mama kay kuya sabay kindat.

"Tsss."

"Watch and learn kiddo hahahahha" sabi ni mama.

"Hoy! Tara malalate na tayo. Nagpaganda ganda...." diko na narinig yung ibang sinabi ni kuya.

"Ano yun kuya?"

"Wala! Sabi ko bilisan mo"

"Oo na wayt lang kukunin kolang yung gitara ko" nagmadali na agad akong umakyat sa taas. Pagkakuha ko bumaba na agad ako.

"Okay na tara na" sabi ko tumango nalng si kuya. Tahimik lang ang naging byahe namin.

Well kung tatanungin niyo ko kung bakit ko gusto ko mag kabanda.

So bakit nga ba?

Nung bata kase ko si daddy na ang nagtuturo sakin mag gitara at piano. Pati narin ang pagkanta sabi niya sakin dati gusto daw niyang maging sikat na singer ako. At kaya ko gusto mag ka banda para yung kasama ko sa banda ang magpapalakas ng loob ko.

Kung tatanungin niyo rin ako kung ano ang ginawa ko noon sa japan. Well madami ang hirap tumira doon sa lolo ko dahil delikado ang buhay mo.

Baket?

A Black  Mafia PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon