Okay. So eto ako ngayon, pumipili ng journal. Ang dami kasing hinanakit na kailangan ilabas. Hay nako ang drama shocks. Corny ho!
Medyo na kakainis yung mga tao sa store. Ang arte arte puro love life pinag uusapan. Sus. Pero di naman ako naiinis talaga sa lovelife. Naiinis ako kasi lahat sila may kasamang mga kaibigan. Nako, di naman nila alam kung mga plastic yan. Biterness alert. Okay erase erase erase!
Naghahanap ako ng journal na green. Yep. Favorite color ko yun. Ayun may nakita nako.
AKO: Ouch. (sabay himas sa ulo)
STRANGER: Ay! Sorry Miss. Sorry po talaga! (habang tinutulungan akong tumayo)
AKO: Ah, sige lang. (sabay tayo)
Ano bayun. Pag tayo ko biglang nawala ng parang hangin. But anyways, obviously nasa bahay na ako at nabili ko na 'to. Malamang nakakasulat na nga ako dito eh. Malamang marunong ako magsulat. Hoy! Ano bang pinagsasasabi ko.
Ang cute nung journal na to. Green. Hahaha.
BINABASA MO ANG
Kaibigan Ko? Sino 'Yun?
Teen FictionAko? May kaibigan? Yung totoo? Sino yun? Dalang dala na ako sa mga tinatawag niyong kaibigan na yan. Dati umasa ako, but then what? Iniwan din nila ako. Kung ako man makakahanap ng mga totoong kaibigan, sana totoo nga. Nakakapagod kasi magbigay ng...