Chapter 5

228 3 1
                                    

Ynna's PoV

Buong araw, parang lutang ang isip ko. OA na kung OA! Exaggerated na kung exaggerated! Pero nakakainis. Huhuhuhu. Minamalas yata ako. Huhuhu. Nakakainis lang? Ano ba tong nararamdaman ko? Hay nako nako nako. Nasaan na ba ang magaling kong kaibigan? Nasaan na yung Kyra na yun? Nabubuwisit na ako ah.

/KRIIIIIIIIIIIING!~/

Palabas na sana ako ng makita ko si Kyra. Ay! Ang galing naman niya. Di siya nagparamdam ah. Grrrrrrrr. Nakakainis. My life is so unfair talaga. Kung kailan hindi ko siya kailangan, nandiyan siya. Kung kailan namang kailangang kailangan ko siya, wala naman siya.

"Ynna! Hihihi. Nakipagkita ako sa isa sa mga suitor ko. Hihihi. Grabe ang gwapo gwapo niya. Nakakaenlab. Sa tingin ko officially in love na ako. Hihihi." Nakapoker face lang ako habang pinapakinggan ang mga sinasabi niya. Nakakabaliw talaga tong impakta na to.

"Oh? Tapos ka na magsalita?"

"Grabe ka naman Kyra! Minsan lang ako mainlove eh." sabi niya habang naka-pout.

"Yuck! Ew! Kadiri! Huwag ka ngang magpout. Mas nakakainis ka lalo. Grrrrr." Kumunot naman agad ang noo niya.

"Sabihin mo nga Ynna, meron ka ba ngayon? Ang init init ng ulo mo eh." aba! Sinabihan niya pa akong meron ako ngayon?

"Naiinis ako dahil wala ka kanina. Alam mo namang ikaw lang ang super close ko tapos wala ka naman. Napakaboring tuloy ngayong araw. Ugh!" Di ko muna sasabihin sa kanya kung bakit talaga ako naiinis, although isa yun kung bakit ako naiinis ngayong araw.

"Yiieeee!~ Ynna! Wag ka nga!~ Namimiss mo ba ako? Yiiieee!~ Kilig naman pwet ko."

"Sira ulo ka talaga kahit kailan. Ugh! Halika na nga. Uwi na tayo!" sabi ko habang naglalakad na.

"Aaahhhhh, Ynna, sorry pero may gagawin pa ako eh. Sorry talaga babawi rin ako. Sorry. Bye!" aba! Aba! Aba! Grrrrr. Kyra never failed in making me pissed off. Ugh! Nakakainis! Makaalis na nga.

Papalabas na ako ng gate ng university namin nang biglang may tumawag sa napakaganda kong nickname.

"Ynna!"

"Uy, ikaw pala." Na-aawkward ako sa kanya. Ewan ko ba. Pero yun talaga yung nararamdaman ko. Anong meron ba sa lalaking ito?

"May pupuntahan ka pa ba?" he smiles without showing his teeth.

UGH! Nakakahypnotize yung smile niya, nakakakakakakainiiiiiiiiis! Pero may part sa akin na nakakakakakakakakiliiiiig. Luh? Lul. Ano daw sabi ko? Never! Ughh! Nababaliw na ako. Ayoko na.

"A-ah, eh. Wa-wala naman. Hehe."

"Hatid na kita sainyo." Ugh. His smile makes my heart beats faster and faster. Pero wait. Ano daw? Ihahatid niya ako? Gusto niya bang malaman address ng bahay namin tas dadalaw-dalawin niya ako dun? Ahihihihi. Kilirgzxc. Luh? Ynna! Umayos ka nga! Nahahawa ka na kay Kyra. Kailangan mo na magpa-psychiatrist. Tsk. Tsk.

"Wa-wag na. Magcocommute na lang ako. Ipapayos ko narin sasakyan mo."

"Wag ka nang magreklamo! May isa pa akong sasakyan. Hatid na kita. At, huwag mo nang ipaayos. Ako na bahala sa lahat."

"Wag na nga. Maiistorbo pa kita. Atsaka malayo bahay namin. Sa North Pole pa."

"No. I won't let you go just by yourself. Ihahatid na kita, I insist."

"Eh? Ang kulit mo eh noh?" nilapit naman niya mukha niya sa mukha ko. Owmayghas! Namumula na mukha ko.

"Pleeeeeease?" sabi niya sabay pacute. Nagpout pa. Huhuhu. I feel the urge to kiss hi- wait, WHAT?! No! Scratch that.

"Si-sige na nga!" sabay punta na sa tabi ng driver's seat. Ako na ang nagkusa, kasi naman! Ugghh! Nakakainis. Mga 1 inch na lang yata ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Ugghhh! Ano na ang nangyayari sa akin?

Pumasok na siya sa sasakyan niya, specifically nasa driver's seat siya. Kinabit naman niya seatbelt ko. Kaya mukhang hinahug niya ako. Ano ba toh? Mas namula ako dun sa ginawa niya. Nananantsing ba siya?

"Oy! Baka isipin mong nananantsing ako ah!"

Luh? Pano niya nalaman yun? Yeng Tetee? Manghuhula yata to eh.

At, nagsimula na ang trip namin to my house. Napakatahimik nga namin eh. Nakatingin lang ako sa bintana magdamag. Ayoko naman siya pansinin noh. Ayokong mahalata niyang kinikilig ako. Tinuturo ko na lang ang daan papunta sa bahay namin, kapag magtatanong siya. Hindi pa rin ako maka-move on sa nangyare kanina. Parang magic. Parang namamangha ako. Parang na-iinlove ako. OMG. A big NO. NO.

"Ihinto mo na lang doon." sabi ko habang tinuturo yung bahay namin.

Huminto naman agad kami nung makarating sa tapat ng gate ng bahay namin. Aalis na sana ako ng biglang lumabas siya agad agad ng pintuan at pumunta sa side ko at pinagbuksan ako ng pintuan ng kotse niya. Ang sweet naman! 🙊

"Thank You sa paghatid dito sa bahay namin ah. Sorry sa istorbo. Ang layo pa naman ng bahay namin from school. Paano ba ako makakabawi say-" aba bastos to ah. Nagsasalita ang tao eh. Nilagay ba naman index finger niya sa lips ko. Sarap dilaan. Dejoke. AHAHAHAHAHAHA!!!

"Sssshhh! No need to pay it back. Just being with you, and everything's okay. Just seeing you smile because of me, and I'm okay already. No need to say sorry. Okay?" namula naman ako kaya napayuko ako. Iniangat naman niya ulo ko.

"Hahaha, you're blushing babe!" sabay kindat.

At yun ang time na pwede na akong mamatay. Kill me please. Tas ano ulit sinabi niya? Pakiulit nga. Ano nga yun?




























Ah babe lang pal- Wait, WHAT?! ANO KAMO? BABE?!

Didn'tTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon