14 ~ Welcome Back

201K 5.2K 658
                                    

CHAPTER FOURTEEN

"THIS is the day, Charlton. Be brave and show the world who you really are." Usal nya habang nakatitig sa harap ng malaking salamin.

Kung kahapon sobrang lakas ng ulan ngayon araw naman ay sobrang ganda ng sikat ng araw.

"Ipakita mo sa kanya na kaya mo ng mabuhay mag-isa, na hindi na ikaw 'yung babaeng walang alam sa mundo at mahina. Fight Charlton, fight!" Humugot sya ng malalim na buntong hininga bago lumabas ng kanyang silid.

Six in the morning pa lang pero kailangan nyang agahan ang pagpunta sa airport para mas maisagawa nila ang plano.

"How do I look?" Tanong nya kay McLaren na busy sa harap ng halos sampung flat screen computer sa harap nito.

"You look perfect, feeling ko nga bumalik na ang dating Charlton pero alam naman natin pareho na hindi talaga."

"Yeah, I need to act like this para maisagawa natin ng maayos ang plano." Tinignan nya ang mga screen sa harap nila. Those are the CCTV from airport. "You hacked it?"

"Yap." Panay ang tipa ng daliri nito sa keyboard. "Always turn on your listening device, Charee."

"I will. I need to go, bye." Humalik muna sya sa pisngi ng pinsan nya at lumabas na ng ESO.

Sumakay sya sa isang sasakyan na nakaparada sa parking lot saka pinasibad iyon patungong airport. Ngayon araw magbabago ang lahat.

Pasado alas siete na ng makarating sya sa Terminal 2. Isinuot nya ang black sunglasses at taas noong naglakad papasok sa arriving area. Huminto sya sa scanner doon at bahagyang ibinaba ang sunglasses nya para lamang ngitian ang dalawang security guard na tila ba nakakita ng Hollywood actress sa personal. She cannot blame them, maganda lang talaga sya kahit pa ang simple lang ng dating nya.

"Goodmorning Ma'am."

"Good morning." Sagot nya naman at naghanap ng mauupuan.

"Look at your right side." Narinig nya ang boses ni McLaren sa listening device nya. Sinunod nya ang sinabi nito kaya lang masyadong maraming tao at hindi nya alam kung sino ang gusto nitong makita nya. "The one with the grey suit, iyan ang magsusundo kila Ryxer."

"Yeah yeah, I saw him na." Nakatayo lang ang lalaki sa bandang kanan nya. "What to do with him?"

"Don't mind him dahil nandyan sila Alex to distract that man." Tukoy nito sa isa sa mga nagtatrabaho sa ESO.

"Okey."

"I just want you to know na may magaganap na welcome party mamaya sa bahay nila Ryxer."

"I don't give a damn! Mag Party sya hanggat gusto nya wala akong pakialam sa kanya." Malamig na tugon nya.

"Fierce Charee, fierce."

Ano naman kung may Party na gaganapin? Sisiguraduhin nya naman na sya ang pag-uusapan sa Social Media at Showbiz News ngayong araw—hindi si Ryxer at ang girlfriend nito.

"Nasaan na ang mga reporters and photographer?"

"They are fooling around, no need to worry about them dahil nasabi ko na sa kanila ang gagawin nila just focus on your mission."

"Copy."

"Tumayo ka na dyan at maglakad pakaliwa." Sinunod nya ito. Tumingin sya sa buong paligid ng umecho doon ang isang boses ng babae na nagsasabing nagland na ang eroplanong sinasakyan ng lalaking matagal nya ng hinihintay. "Huwag kang pumwesto sa madaming tao Charee."

Humanap sya ng lugar kung saan hindi sya mababangga ng mga tao at kung saan tanaw nya ang mga lumalabas sa arriving area.

"They're are coming, be ready." Para bang bigla na lang gustong bumaliktad ng sikmura nya sa ideyang malapit nya na ulit makita si Ryxer pero pilit nyang nilalabanan ang kakaibang pakiramdam na 'yon.

RACE 1: Left Behind Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon