#Fear 6: The Mental Test

4.4K 161 2
                                    

#Fear 6: The Mental Test


Xenzel's POV


I gasped as I woke up.


Pakiramdam ko ay napakahaba ng tulog ko.


Nasa dorm na pala ako, pero mukhang pumasok na yata yung roommate ko sa SERIUN dahil maayos na ang higaan niya.


Umunat ako sabay hikab, tapos bumangon na rin ako.


Weird... Parang sobrang tahimik na ewan...


Tumayo na'ko at pumasok sa banyo para maghilamos at magmumog.


Bakit kaya ganito ang tibok ng puso ko? Ang lakas at ang bilis. Hindi naman ako natatakot o ano.


Agad akong lumabas sa kwarto para pumunta sa ground floor ng dorm kung saan ako pwedeng mag-almusal. Dinala ko na rin phone ko.

Bawat hakbang ng paa ko ay umaalingawngaw sa buong dorm. Para bang ako lang yung nandito...

Napalunok na lang ako nang makita kong walang kahit isang tao sa dining hall. Obvious ring walang nagluto dahil malinis na malinis talaga ang mahahabang mesa na para bang wala talagang gumamit sa mga 'yon.


Super weird. Laging puno at maingay ang parteng 'to ng dorm ah..?


"Bakit kaya walang tao dito?" Lumingon ako sa main door at nakita kong wala rin ang dalawa naming lady guard.


Muli kong nilibot ng tingin ang dorm namin, at kasabay nun ang nakakabinging katahimikan. Kahit isang boses, wala. Kahit isang tao, wala.


"Tita Lara?" Tawag ko sa tagapamahala nitong dorm namin. Nandito siya araw-araw. "Tita Lara???" Ulit ko.


My voice just echoed thrice.


"GUYS?! MAY TAO BA DITO?!" Sigaw ko. Malakas na sigaw.


Pero nag-echo lang ulit yung boses ko sa buong dorm. Walang ni isang sumagot...and it's really creeping me out already.


Tumayo ang mga balahibo sa batok ko at napaatras na'ko. Nagpasiya akong lumabas na muna sa dorm at pumunta sa SERIUN.


Sigurado akong may alam ang mga dormmates ko sa nangyayari. Sigurado akong nasa school sila.


Ilang beses akong huminga nang malalim habang naglalakad papasok sa SERIUN. Hindi na ako nakaligo o nakabihis dahil sa kaba. Ayaw ko na rin namang bumalik sa dorm lalo na't alam kong wala akong kasama dun.


"Hay jusku. Somebody must really tell me what's happening." Bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa sementong dinadaanan ko. May nakaukit kasi doon kaya naaliw akong tumingin.

Ghosts and GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon