Una

10 1 0
                                    

Ulap na mapanglaw. Masamang hanging umaalingawngaw. At mga taong nalulusaw. Isang di inaasahang pangyayari ang bumago sa takbo ng aking buhay. Simula nang mangyari ang di ko inaasahang magkatotoo doon ko lamang napagtanto na wala na akong matatakbuhan at makakapitan.


Ayoko nang mag-isip, nakakabobo. Dahil simula ng sapilitan akong ipinasok rito pinaubaya ko na ang lahat sa kanila, sa tadhana, at sa panginoon kung mayroon man. Matagal na akong sumuko sa buhay, wala na akong pake. Bakit ba? May maitutulong pa ba kung kikilos ako? Wala na, wala na sila, iniwan na nila ako, sila ang una at huling sumuko sakin. Na ang buong akala ko sila ang mangungunang tutulong sa akin, sila ang inaasahan kung unang makakaintindi sa akin. Ngunit ako'y nagkamali, tinalikuran nila ako. At napag-isip-isip ko kung talaga bang minahal nila ako at bakit napakadali sa kanilang maniwala sa isang kasinungalingang dumidiin sa isang inosenteng kagaya ko? Pero mukhang alam ko na dahil kahit noon pa lamang, batid ko na ang lihim nilang puot sa akin.


Hindi ko lang ito ininda bagkus ay nagpatuloy lamang ako at umastang parang wala akong alam. Itinimo ko na lang sa aking isipan na sila nalang ang aking makakapitan kaya wala akong dahilan upang sila'y kamuhian. Ibinigay ko ang lahat, wala akong tinira sa aking sarili, nabulag ako at inaasahang sila'y kakampi ko. Wala rin kasi akong magagawa sila lang ang kilala ko, sa kanila lang umiikot ang mundo ko. Hindi ko batid ang ibang taong umaaligid sa akin, takot sa aking puso ang namamayani. Dahil sa pag-aakala ko maliban sa aking pamilya lahat ng tao ay yaong sisira sa akin at magbabago sa buhay kong walang kulay. Ang laman lamang ng isipan ko ay takot sa aking kapwa, dahil lumaki akong ipinamumukha sa akin ang ideolohiyang ito.


At ngayon, ngayon ko napagtanto na kabaliktaran ng aking pinaniniwalaan ang katotohanan. Yung akala ko na kakampi ko, yung akala kong maniniwala sa akin, yung akala kong kasama ko magpahanggang huli. At muli, ako'y nagkamali. Kailanman hindi nila ako tinuring na kapamilya, dahil siguro sa katotohanang hindi ako nabibilang sa pamilyang yaon o dahil wala lang talaga silang magawa at ako ang napagbuntungan ng kanilang pagkabagot? Alinman sa dalawa, wala na akong pake. Tapos na ang lahat, wala na akong magagawa, habangbuhay na akong makukulong sa seldang di ko naman kinabibilangan.



At ngayon ko rin nahinuha na isa akong kabiguan sa kanilang paningin, na kahit anong gawin kong mabuti hindi nito mapapalitan ang katotohanang hindi dapat ako nabubuhay at humihinga dahil ang buhay ko ay bunga ng isang pagkakamali.

Literal na wala na akong ginagawa halos hindi na ako kumukilos, tanging paghinga na lamang ang bumubuhay sa akin, dahil kahit ang pagkain rito ay hindi masisikmura nino man. At kahit araw-araw pinipilit kaming gumawa ng kung ano ano upang magsilbing libangan, palagi lang itong nababalewala, marami kasi sa amin rito ang magpahanggang ngayon ay di parin makuntento. Maging ako gusto kong makaalis rito pero may pumipigil sa akin, ang katotohanan. Kung lumabas man ako may babalikan ba ako? Isang daang poresyentong wala, sigurado ako. Dahil kahit kailan sa loob ng limang taon walang dumalaw sa akin kinalimutan na talaga nila ako, at tanggap ko yaon.

Kaya kahit na kinasusuklaman ko ang lugar na ito wala akong magawa mas mabuti na ito kaysa ang magtangatangahan at maging sunod sunoran kahit lubos nang nasasaktan. Ngunit hindi ko talaga kakampi ang tadhana dahil pagkatapos ng anim na taon napagdesisyona na nilang palayain ako kung kailan huli na.









Ahemmmm. Ahemmmmm. Nagustuhan niyo po ba? Any comments ? Kahit isang tao lang na magsabing ituloy to ay ipo post ko kaagaran ang susunod na parte. Pero kung wala okay lang atleast ito ay na ihayag ko at hindi ako manghihinayang na hindi ko ito ibinahagi sa kahit na sino man. At maraming salamat sa pagbabasa

-HoaxFaux

P.s. sarreh wrong typos

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bigong KabiguanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon