First Kiss????

22 4 0
                                    

First Kiss??

 

" Kylie? Kylie? Gising na. Nandito na tayo."

Matapos ang isang oras na paghihintay ay nakarating na rin silang lahat sa campsite. Dahan-dahang dumilat si Kylie matapos marinig ang panggigising sa kanya ni Joshua.

"Kuya? Naku pasensya na hah nakatulog ako."

"Ayusin mo na sarili mo. Tsaka...."

 

 

//Lingon sa Kanan//

 

 

"Oh?! Bakit nandito ka pa? Di ba ayaw mo 'kong katabi? Bakit hindi ka pa bumababa? May hangover? Hindi makaalis ang mata sa bintana?"

Biglang napatingin si Christian kay Kylie. Nagulat si Kylie ng hindi ito umiimik at tinitigan lang siya ng masama. Nagmamadali tuloy siyang tumayo para iwasan iyon.

"Eto yung bag mo Kylie oh."Abot ni Joshua sa kanya.

"Salamat kuya. Una na ko hah. Sabay na kami ni Nyca."

"Sige lang. Ingat."

Bumaba na sina Kylie sa bus. Saka lang gumalaw si Christian ng mawala na ang babaeng kinaaasaran niya

"Salamat Joshua hah. Dahil sayo hirap akong igalaw ang braso ko."

Fight At First Love?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon