PANGAKO (ONE SHOT)

85 6 4
                                    

I dedicate this story to @blackMQM kasi napakabait po niya :D

_______________________________________________________________

May dalawang magkasintahan ang nangako sa isa't isa. Na sila'y mag iibigan at hindi maghihiwalay kailanman. Lahat ng pagsubok kinaya nila ng magkasama. Lahat ng pangungutya at mga panghuhusga ay tinanggap nila at hindi na lumaban pa...

Pero isang gabi, naganap ang isang malagim na aksidente. Biglang nawalan ng kontrol ang sinasakyan nilang dalawa. Nahulog ang kanilang sinasakyan sa isang bangin. Sa kasamaang palad, ang lalaki lang ang nakaligtas sa aksidente. Labis na ikinalungkot ito ng lalaki. Labis niyang dinamdam ang pagkamatay ng babae. Natuto siyang uminom at mag yosi. Naging mailap na rin siya sa mga babae. Palagi rin siyang nagtatangkang magpakamatay. Pero isang araw...

"Pre, shan ba tayo pupunta? hik" tanong ng kabarkada niya. Nagmaneho lang ng nagmaneho ang lalaking tinatanong niya, si Leo.

"Kahit shaan pare hik uuwi rin naman tayo eh hik" sagot naman ni Leo.

"Pare. medyo lashing na tayo hik umuwi nalang tayo hik"

"Mamaya na hik" si Leo.

"Shige. Ikaw bahala hik matutulog muna ako hik medyo naparami inom ko eh hik" sabi ng barkada ni Leo at natulog na.

Tinatahak na nila ang daan pauwi ng may maalala si Leo...

*FLASHBACK*

"Mahal na mahal kita Cookie. Hindi kita iiwan kahit na kailan. Pangako" pangako ni Ellie. Si Ellie ang kasintahan ni Leo..

"Mahal na mahal na mahal din kita Cupcake. Pangako ko din sa 'yo, di kita iiwan" at niyakap ni Leo ng mahigpit ang dalaga.

*END OF FLAHBACK*

Biglang tumulo ang mga luha niya. Pinahid niya ito. Tyempo namang nakakita siya ng isang abandonadong gusali. Agad niyang inihinto ang sasakyan sa tapat ng gusali. Pumasok siya dito at pumunta sa rooftop ng gusali.

'Magkakasama na rin tayo sa wakas cupcake' sa isip ng binata.

Tatalon na sana ang lalaki ng biglang may malamig na hangin ang biglang yumakap sa kanya mula sa likod. Kahit hindi niya ito nilingon, alam niyang si Ellie ito, ang pinakamamahal niya. Hinigpitan ng anyong babae ang pagkakayapos nito sa bewang ng lalaki. Napaluha ang lalaki ng bumulong ang babae at sinabing...

"Cookie. wag mong gawin 'to. Okay lang naman ako eh.. kahit na nakikita lang kita at hindi nahahawakan, ok lang. Basta't nababantayan kita. Magiging masaya ako kung magkakasama na tayo pero kung susunod ka, Mas madami ang malulungkot. Nawala na nga ako, pati ba naman ikaw? kaya please, cookie, para sa 'kin. Wag mong gawin  'to. Basta ingatan mo lang ang sarili mo okay? Pakabait ka. Humanap ka ng babaeng mamahalin mo ng higit pa sa pagmamahal na binigay mo sa 'kin. Balang araw, magkakasama rin tayo... Pramis.. Tandaan mo ring MAHAL NA MAHAL KITA.. at hindi kita iiwan kahit na kailan.. Pangako Cookie" at parang bulang naglaho ang babae.

Nag unahang pumatak ang mga luha ng lalaki. Talagang mahal na mahal niya ang babae.. Kaya para sa kanya, para sa babaeng minamahal niya, gagawin niya ang gusto nito. Bumulong siya sa hangin...

'Uu cupcake, gagawin ko ang gusto mo.. MAHAL NA MAHAL NA MAHAL DIN KITA at kailanman ay hindi rin kita iiwan. Pangako"..

___________________________________________________________________________

Ok lang po ba? Sana po magustuhan niyo.. hehehe :)) VOTE kung maganda po :D

PANGAKO (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon