"Dapat kang mabulok sa kulungan! Isa kang kriminal!"
"Demonyo lang ang kayang pumatay. Isa kang demonyo!"
Dapat nga ba akong makulong? Hindi ko na alam ang nangyayari.
Ang alam ko lamang, nagmahal ako nang buong puso, nang walang alinlangan.
Habang naglalakad ako, napakaraming tanong ang gumugulo sa isipan ko kasama ng mga binibitiwang salita ng mga tao sa paligid ko.
Tunog ng sirena, makakapal na mga kamay ng mga pulis na saki'y nakahawak at malalamig na bakal na posas. Sarado na ang isip ko sa kung anong pwedeng mangyari sa'kin. Tanging ala-ala na lamang ng aming pagmamahalan ang umiikot sa aking isipan.
FLASHBACK
"Mahal na mahal kita, baby ko!" Hindi ko mapigilan ang sarili ko na paulit-ulit na sabihin sa babaeng nagbigay ng musika sa aking buhay.
"Alam mo, baby. Tapusin mo na lang yang pinapagawa sa'yo! Bukas na ang deadline ng mga bagong tracks ng grupo n'yo. Tigilan mo na yang pambobola, alam mo namang mahal na mahal kita." Napakasarap pakinggan. Haaaaaay. At pagmasdan ng mga mata nyang nakangiti.
"Sus! Alam ko naman yun! At alam ko din na gustong-gusto mong naririnig yun. Hahaha." Pangungulit ko sa kanya.
"Oo na! Haha. Kaya tapusin mo na yan, ipapakilala mo pa ako ngayon sa mama mo, diba?" Excited nyang tugon sa akin.
Napangiti ako at napakagaan sa pakiramdam na gustong makilala ng babaeng mahal ko ang ipinagmamalaki kong nanay.
"Oo naman. Baka nga naghahanda na yun ng mga paborito kong pagkain. Hahahaha!"
(After a month)
"Kuya, kuya! Hello? Busy ka ba? Si mama kasi dinala ko sa ospital. Baka pwedeng ikaw naman muna magbantay sa kanya, magpapahinga lang ako." Bungad ng kapatid ko sa telepono.
"Huh? Bakit ngayon mo lang sinabi? Nasa out of town promotions ako ng album natin. Pero magpapaalam ako." Tumakbo sa kalooban ko ang pag-aalala kay mama.
"Nako, oo nga pala kuya Suga. Ako na bahala kay PD dito. Ikaw na bahala magpaalam sa mga kasama mo." Maaasahan talaga tong kapatid ko. Kahit na madalas pasaway, may sense of maturity na rin kahit papano.
Pagkatapos ng promotions ko para sa album ng aming grupo na madalas naming gawin ng hiwahiwalay kapag malapit na ang comeback concert namin. Nagpaalam agad ako sa manager na kasama ko para makapunta ng ospital at mabantayan si mama.
"Sige, Suga. Mama mo naman pala ang nasa ospital akala ko yung girlfriend mong takas ng mental. Biro lang! Haha!" Panlolokong sagot sakin ng manager namin.
Hindi ko alam kung bakit, pero madalas nila akong lokohin ng ganun..na takas daw ng mental ang pinakamamahal ko. Kahit amg grupo. Minsan nga kapag uuwi kami ng kapatid ko sa bahay at sasama sya bigla na lang hindi na sumasabay ang kapatid ko. Para bang iniiwasan nya ang baby ko. Halos lahat sila sa grupo ganun.
Ewan ko ba. Wala namang dapat iwasan sa girlfriend ko. Mabait naman sya, maalaga at sobrang maalalahanin. Pero lately napansin ko na masyado na syang clingy sakin. Gusto nya lagi kaming magkasama o magkausap, and I find it so sweet.
Haaaay. Sya na naman iniisip ko, dapat si mama muna isipin ko.
Nang makarating na ako sa kwarto ni mama, naabutan kong natutulog sila ni Kookie. Hanep tong kapatid ko, hanggang dito ba naman sa ospital nakarobe parin kung matulog. Mabuti hindi pinupulmonya tong kapatid ko. Tsk!
Kinumutan ko na lang sya pumunta sa kabilang side ng kama kung nasaan ang mama ko.
"Mama..." hinawakan ko yung kamay nya "...kamusta ka na? Sorry kung matagal mo na akong di nakita. Sobrang busy lang talaga, eh. Mabuti na lamang at nadalaw ka ni Jungkook kaya nalaman nya na may sakit ka. Bakit kasi di ka nagsasabi ma."
Mahimbing parin at payapa ang pagtulog ni mama na tila walang sakit na nararamdaman. Ang init ng mga kamay nya ay nagbabalik sakin sa pagkabata. Iba talaga ang pagmamahal ng magulang.
~ring~ring~
Baby Ko
Calling...Agad kong sinagot yung tawagat dahan dahang naglakad palabas ng kwarto.
"Hello, baby ko. Gabi na, ah. Bakit napatawag ka pa?"
"Nakauwi ka na pala baby, bakit hindi mo sinabi! Hindi mo man lang ako tinawagan." May tono ng galit sa boses ng baby ko.
"Sorry, baby. Emergency kasi, sinugod si mama sa ospital. Sorry di na kita natawagan."
"Sorry? Kahit text lang di mo man lang ginawa. Hmmm."
"Baby...wag ka na magalit."
"Hmmm. Pasalamat ka mama mo yan! Sige na. Hindi na ako galit. Sabihin mo kay tita magpagaling sya agad."
"Oo baby. Sige na magpahinga ka na. I lo---" ~toot~toot~ "Haay! Pinatayan na naman ako ng baby ko."
Pumasok na ako sa loob at nagpahinga na din.
Ilang araw ang lumipas ay na diagnose na may sakit sa puso si mama at kailangan nyang mag undergo ng observation kaya nagtagal sya ng mga ilang linggo sa ospital. Paminsan-minsan nandito ang grupo para dumalaw. Ganun din ang baby ko. Minsan ako nagbabantay kay mama, minsan si Kookie pero mas madalas ay sabay kami. Halos dalawang buwan na kami sa ospital. Ilang pag-aaya na ng baby ko na mag-unwind ang tinanggihan ko para lang masamahan si mama. Alam ko namang naiintindihan nya ako pero napapansin ko na din ang bahagyang pagbabago sa mga kilos nya. Parang may...mali.
Ilang araw pa ay pinayagan ng makauwi si mama. Kaya pagdating naman sa bahay ay mas madalas ng dun kami umuwi ni Kookie para mabantayan si mama.
"Anak, Suga. Tawagan mo ang girlfriend mo at sabihin mong dito na sya maghapunan. Ipagluluto ko kayo para naman makabawi ka kahit papano sa kanya." Wika ni mama sakin. Gumaan bigla ang pakiramdam ko. Kaya niyakap ko si mama at hinalikan sa noo.
"Sige po, ma! Tawagan ko na pi sya!" Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan ang baby ko.
Calling...
Baby ko"Hello? Baby? Napatawag ka ata." Nagtatampo na naman sya sakin.
"Baby naman, nagtatampo ka na naman. Babawi naman ako sayo diba? Actually, pinapapumta ka ni mama dito sa bahay. Ipagluluto ka daw nya."
"Hahahaha! Talaga? Hahahaha! Sige pupunta na ako dyan!" At biglang pinatay na nya yung tawag.
Ang babae talaga na yun, napaka- unpredictable. Haha. Akalain mong hindi nga nagtagal ay dumating na sya. Agad ko syang niyakap at sinuklian naman nya yun. Nang bumitaw sya ay agad nyang hinanap si mama at nagmano.
"Naku, anak..nandito ka na pala. Hindi pa ako tapos magluto." Narinig kong sabi ni mama na medyo natataranta pa.
"Okay lang po yan tita. Inagahan ko po talaga para tumulong sa inyo magluto." Paghaplos nya sa likod ni mama sabay tingin sa akin ng nakangiti.
May mali...
"Ikaw talaga. Sya tulungan nyo akong dalawa na maghanda ng mga gagamitin." Sinserong ngiti ni mama sa kanya.
"Ako na lang tita. Hayaan na lang po natin si Suga na tapusin yung mga ginagawa nya. Diba, Suga?"
"Ikaw talaga baby. Sige, kayo na muna bahala ni mama dito. Sa kwarto lang ako."
//
to be continued...