Akin siya

96 8 3
                                    

*ANGELO's P.O.V*

Woah! Second Day of School na! Dapat maging maaga ako para magising ko ang akin mahal! Makapag-ayos na nga.

Tapos narin! Sa wakas makikita ko na si Jenny! Yeah right! Mahal ko si Jenny! kaso natatakot ako na mawala ang pagkakaibigan namin. Bestfriend niya lang ako. Aish! Nakakainis isipin na dihamak na BESTFRIEND lang ako ni Jenny!

"Oh! Anak anong problema!" Tanong ni Mama noong nakababa na ako.

Ngumiti nalang ako "Wala po!"

Linapitan ako ni Mama at inayos ang uniform ko at ginulo naman ang buhok ko.

"Ma naman! Ginugulo mo ang buhok ko!" Ako sabay pout.

"Anong Ginugulo? Inaayos ko lang! Ang pangit kasi tingnan"Sabi ni Mama

"Ma yan po ang uso ngayon"

Ngumiti si Mama at tinitigan ako ng matagal at nagsalita siya"Kumusta na kaya ang kakambalmo?" Sigh! Umiiyak nanaman si Mama.

Yinakap ko si mama "Okay lang po Ma si bunso. Andun naman si papa para alagaan siya eh!"

"Sana pwede siyang pumunta dito" Sabi ni Mama na parang wala na talagang pag-asa.

* * *

Tumahan na si Mama at pinapunta na ako kina Jenny.

Nakita ko si Tita na aalis na papuntang school.

"Hi po Tita!" Bati ko

"Hello ijo andun pa si Jenny natutulog! Puntahan mo nalang sa kwarto niya!" Sabi naman ni tita

"Haha! Sige po Tita!"

Pumunta na ako sa kwarto ni Jenny. Natutulog parin siya. Lumuhod ako para makita ang maganda niyang mukha. Ganda talaga ng mahal ko! Minsan napapanaginipan ko na si Jenny si Sleeping Beauty at ako naman ang Prinsipe na hahalik sa kanya para magising siya.

"Anong ngini-ngiti mo diyan?" Nagulat ako nung magsalita siya at minulat ang mga mata niya. Umupo na siya sa kama niya. Hindi nako nakapagsalita.

"Tsk! Kung hindi lang kita Bestfriend! Pagkakamalan kita na Rapist!" sabi niya.

Ngumiti ako ng Pilit! "Kaya nga Bestfriend eh!" Sabi ko. Sakit talagang pakinggan pagsinasabi niya na bestfriend kami!

Tinarayan niya ako at pinalalabas sa kwarto niya. Anong problema nito?

"Eh?! Baka hindi ka maligo niyan at bumalik ka lang sa pagtulog!" sabi ko naman.

Sumimangot naman siya at tiningnan ako ng masama. Pumunta na siya ng banyo at padabog nasinira ang pintuan. Natawa nalang ako sa ginawa niya.

Lumabas na ako sa kwarto niya at pumunta nalang sa kusina pra makikain. Nakita ko nandun na si Tito nagbabasa ng dyaryo.

"Hi po Tito!" Bati ko at naupo na sa tabi niya.

"Oh ijo gising naba si Jenny?" tanong niya.

"Opo! Gising na po si Sleeping Beauty!"

Nanlaki ang mata ni Tito"Wag mong sabihin hinalikan mo ang anak ko para magisng siya!" sabi niya.

Natawa ako sa sinabi ni Tito"Hindi naman po ako ganung tao Tito!" Sabi ko.

Tumango nalang si Tito. Kumain at nagkwentuhan lang kami ni Tito. Parang Ama ko na tong si Tito close kami nitong masyado.

"Bat' di mo pa nililigawan si Jenny?" tanong ni Tito.

*COUGH*COUGH*

Binigyan ako ni Tito ng tubig at pinainom! Grabe kasi ang tanong ni Tito! Pabigla-bigla!

You or Him?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon