*JENNY's P.O.V*
Natameme ang fans ni Angelo sa sinabi ko.Haha! Naglakad nalang ako papalayo sa kanila baka masabunutan pa ako ng mga nun.
"Haha!"O__O
Nilingon ko ang tumawa. Si Angelo lang pala.
"Angelo?"
Tumango siya. Hinawakan niya ang kamay ko. At naglakad na kami papalayo. Napansin ko lang parang hindi naman to papuntang Canteen ah!
"Hoy! Angelo saan mo ako dadalhin?" Ngumiti lang siya at hindi man lang ako sinagot.
Huminto kami sa paglalakad at dito lang pala ako sa likod ng School dadalhin ni Angelo? Tiningnan ko siya.
Ngumiti siya ng nakakaloka. Tinaasan ko siya ng kilay at tumawa naman siya ng malakas.
"Bat ka tumatawa?"
"Wala lang! Masaya lang ako!" Sabi namn niya. Tumalikod ako. Tinatawag niya ako pero hindi ko siya pinansin. Nagugutom na kasi ako at najijingle na.
"Walk-out Queen ka talaga!" Sabi niya. Hindi ko parin siya pinapansin.
"Oo, Akin siya!"
Nilingon ko na siya. Wait? Narinig niya? Ngumiti siya ng napakalapad ng lumingon ako sa kanya.
"N-narinig mo yun?"
"Opo! Narinig ko po LAHAT!" siya
Syet! Nakakahiya! Bakit pa niya na rinig?
"Wala yun! Bwesit kasi ang mga fans mo!"
Sumimangot naman siya. Naglakad na ako pero hindi parin siya sumusunod. Tinawag ko siya pero ayaw parin niya. Ano ba ang problema nito?
"Hay! Angelo kung hindi lang kita mahal!"O___O "N-na bestriend!" dugtong ko. Bwesit na baba!
Tiningnan niya ako pero sumumangot siya. Akala ko nagpapacute lang siya pero hindi na pala.
"Bestfriend lang ba ang tingin mo sa akin, Jenny?" Seryosong pagkasabi niya.
Hindi ko alam ang sasabihin. 'Hindi hindi lang bestfriend ang turing ko sayo. Mahal kita Angelo mahal na mahal' Kung pwede ko lang masabi yan matagal ko ng sinabi yan sayo.
"Hindi parang kapatid na kita" Pilit kong ngumiti nung sinabi ko yun.
Yumuko siya at nagsorry. Nalito naman ako sa mga sinasabi niya. Naguguluhan ako.
"Sorry, sorry for loving you Jenny! Mahal kita! simula palang nung una! Alam ko na Bestfriend lang ang-"
"STOP!" Hindi ko siya pinatapos at sumigaw nalang.
"Hindi naman kita pinipi-"
"I SAID STOP!" sigaw ko ulit.
* * *
*ANGELO's P.O.V*
"I SAID STOP!" Sigaw ulit ni Jenny
Ito na nga ang sinasabi ko pagmagConfess ako sa kanya. Nagkatitigan lang kami ng matagal. ang mga mata niya parang naluluha na. F*CK! Ano ba tong' ginawa mo Angelo? Ang bobo mo talaga!
Magsosorry nanaman ako sana sa kanya kaso linapitan niya ako at yinakap. Nagulat ako sa ginawa niya pero mas nagulat ako sa sinabi niya.
"Hindi, hindi lang bestfriend ang turing ko sayo. Mahal kita Angelo."
Totoo ba to'? Mahal ako ni Jenny?
"Hindi ba ako nananaginip?" tanong ko.
"Aray!"Sigaw ko.
"Ano nananaginip ka pa ba?" Tanong niya. Ngumiti nalang ako ng napakalapad. Kahit masakit ang pagkabatok niya sa akin sulit naman kasi mahal niya ako.
"So meaning tayo na?" tanong ko
Tinarayan niya ako at sinabi na "Ano ka siniswerte? Ligawan mo muna ako" Sabi niya sabay lakad papalayo.
Tumawa nalang ako sa sinabi niya. Lahat gagawin ko para sayo Jenny
Dahil mahal na mahal kita.
READ|VOTE|COMMENT|SHARE