___________________________________________
Hi, guys! Annyonghaseyo! Chonun Lady Ann Yoon imnida, half Korean, halata naman sa apelyido. Ako'y isang 14 years old turning 15 next monday!! Wohoo! Yeah! Ay nag-iintroduce pa pala ako. Well, wednesday kasi ngayon so may 5 days pa akong natitira. Kasi sobra akong naeexcite eh! Lam niyo iyon? Yung feeling kapag malapit na ang birthday mo tapos may mga balita ka pang naririnig mula sa mga friends and classmates mo na magkakaroon 'daw' ng malaking pasabog o surprise daw sila para sayo? Ayoko namang mag-expect kasi baka madisappoint lang ako pero actually hindi naman talaga yun yung dahilan naintriga lang ako. Pero hoy mga gurang kong pasaway na mga kaklase iyan pano pa ako maniniwala sa mga kalokohan nila? Malamang pinagtitripan lang nila ako. Kasi sa birthday ko which is monday nga eh lalabas kami ng mga true bestfriends ko kasi binigyan ako ng 15,000ph! O ha angyaman ko ba? Biro lang ako na mayabang. Pero sa creditcard o sa account ko yan sa bangko kukunin kapag gumala na kami. Alangan namang magbitbit ako ng ganun kalaking halaga edi malamang natsugi na kami ng holdapers. Playing safe diba? Kaya nga excited na ako eh!
"Spacing out?" Napalingon agad ako sa nagsalita. Si crush este Riu Takashima lang pala. Isa siya sa mga crush ko pero siya ang pinakacrush ko. Classmate ko na yan since grade four pero nung grade 6 nagtransfer ako sa Seoul pero bumalik din dito after 2 years so this year lang ulit kami nagkita at naging magkaklase AT naging magseatmates!
Swerte ng lola niyo no? Siyempre mahaba ang hair ko, invisible nga lang. Mala-Misaki ng Maid-sama ang hair ko eh. Half Japanese kasi siya at kami lang ang may ibang lahi dito kaya madalas kaming nalilink sa isa't-isa pero alam kong may girlfriend na daw siya this week pa lang daw pero wala pa siyang naipapakita sakin I mean samin ng mga classmates ko baka ayaw niyang ipakita kasi pangit--bitter like ampalaya?
"Huy, cute Lady Ann Yoon!" Bigla niyang sigaw na may kasamang sundot sa tagiliran ko. Yan tuloy napastraight yung upo ko. Kinabahan ako muntik pa akong mahulog.
"Ayampalayangbitter!" Ngii! Nasigaw ko pa yung iniisip ko.
"Malamang bitter yun. O ano tapos ka ng magi-space out?"
"Loko mo! Hmph!" Inirapan ko siya. Angbastos niya kasi. Pwede namang kausapin na lang ako kailangan pa talaga may kasamang sundot muntikan pa akong mahulog sa upuan ko! Di kita papansinin bahala ka sa buhay mo!
"Huy, miss Lady Ann Yoon. Peace tayo ha?" Bahala ka na nga! Che!
"Huy, Lady-chan, galit ka ba?" Pa-cute ka dyan! Kala mo kung sinong cute, gwapo ka lang naman!
"Lady-chan, sorry naman. Gusto lang kitang lokohin kasi anglalim ng iniisip mo eh"
"Huy, Lady-chan, parang di naman tayo friends"
"Lady-chan, samahan mo ko sa canteen ililibre kita!"
"Lady Ann Yoon, naman oh. Pansinin mo naman ako. Sige na" hey! Wag kang magpacute!!!!! Natutunaw ako!
"Huy, cutie Lady-chan, samahan mo na nga ako sa CR nawiwiwi na ako eh"
"Yuck! Kadiri! Bakla ka ba?! Bakla ka ata eh!" He just bursted out laughing.
"Anong nakakatawa?!"
"Sorry. Natatawa lang ako kasi kailangan ko pang sabihin yun para pansinin mo ko. Bati na tayo ha?"
I raised an eyebrow. "Che! Oo na nga! Baka kung ano pang sabihin mo dyan masuka pa ako"
"Okay. *ring* ay saglit lang ha. Hello?" Yun lamang ang narinig ko kasi umalis na siya. Sino kaya kausap niya? Yung girlfriend niya kaya? Friendzoned na ba ako?
"Lady-chan!" Tawag sakin ni Shane, isa sa mga besties ko sa room. Lumapit na lang ako.
"Ano yon?"